3

1380 Words
"ANG TAHIMIK mo, Gab," pansin ni Lara, nakasandal siya sa passenger seat, diretso sa harapan ang mga mata. Pasado alas tres na nang madaling araw iyon. Pauwi na sila ni Gabriel galing sa bar. Hindi lang ang katahimikan ng lalaki ang napansin niya. "Iba ka rin mag-drive ngayon. Ano'ng meron?" Kanina pa niya napapansin na hindi parang mad man na naman ito sa kalye. Sinulyapan lang siya ni Gabriel. Balik na naman ito sa lalaking lagi lang half smile ang ngiti. Sa lalaking huhulaan mo pa ang iniisip kasi mas madalas tumitig lang kaysa makipag-usap. Sa mahigit isang taon na nagdaan, mas naramdaman niya through actions ang kabutihan nito. Mas maraming gawa kaysa salita si Gabriel, hindi tulad ni Miguel na mas madaldal pa kaysa sa kanya sa mga asaran nila noon. "One week akong wala sa condo," mababang sabi nito. "Kung dadagdagan ko ng speed, walang one hour, nasa unit na tayo. Paano naman ako?" Napakunot-noo si Lara. "Ano'ng pa'no ka?" hindi niya naintindihan ang sinasabi nito. "Parang may space sa puso ko." "Space?" Lalo na siyang naguluhan. "Nagkaka-space sa puso ko 'pag nami-miss kita." Ang lakas ng tawa ni Lara. "Ang corny mo, Gab!"" gustong tumayo ng mga balahibo niya sa 'pag-eemote' nito. Ganoon ito kung mag-joke—ang seryoso kunwari pero kalokohan lang naman. Plus, nagjo-joke na, wala pa ring visible emotion sa mukha at mga mata. Madalas ang ganoong scene tuwing pauwi sila nang madaling-araw. Nagigising yata ang senses nito sa mga ganoong usapan kaya iyon ang paraan nito para pigilan ang antok. Nakasanayan na ni Lara ang mga ganoong hirit nito. "May space-space ka pang nalalaman!" Ngumisi ang lalaki—ang ngisi na parehong-pareho kay Miguel. Bihirang-bihira niyang makitang gawin iyon ni Gabriel, gaya rin ng pagtawa. Sanay siyang hindi buo ang ngiti nito. Napatitig na naman tuloy siya kay Gabriel. Sinulyapan siya nito, nawala agad ang ngisi nang mapansing napatitig na naman siya. Naging blangko na naman ang mukha ni Gabriel, ibinalik sa kalsada ang mga mata. "Hindi ako si Mig, Lara," paalala nito sa pantay na tono, binawi naman agad ni Lara ang tingin. Hindi siya nag-react, itinuon na lang sa labas ang tingin. Hindi unang beses na nangyari iyon. Maraming beses na. Mas madalas, sa condo kapag nasalubong niya ito. "Sorry..." "Sorry na fifteen months na akong si Miguel sa mga mata mo?" "Wala naman kasi talagang masyadong differences, eh." "Mahigit isang taon na, Lara," sabi nito, wala pa ring emosyon ang tono. "Nasa parehong lugar ka pa rin. Minsan, naiisip ko nang i-kiss ka. Sa kiss, sigurado akong magkaiba kami ni Mig." Napabaling siya rito. Seryosong-seryoso na naman ang mukha nito. Blangko sa kahit anong emosyon. Si Miguel, walang ganoong mood. Laging may emosyon ang mga mata. Ipinilig ni Lara ang ulo. Bakit ba lagi na lang niyang pinagkukumpara ang kambal? Hindi na siya tumigil na pansinin ang mga pagkakapareho at kaibahan ng mga ito. Katahimikan. "Gusto mo ba akong maging si Mig?" si Gabriel uli. "Kung 'yon ang kailangan kong gawin para hindi ko na makita 'yang emosyon sa mga mata mo, gagawin ko. Sabihin mo lang, Lara." Hindi nakapagsalita si Wala. Wala siyang maisip sabihin na sagot. Totoo naman talagang si Miguel ang naalala niya rito. At gusto niya iyon. Gusto niyang inaalala si Miguel. Mali na kung mali pero minsan, gusto niyang paniwalain ang sariling buhay si Miguel at hindi nawala sa kanya. Naramdaman ni Lara ang pagbabago ng speed ng kotse. Madaling-araw na, walang trapik kaya ang dali para kay Gabriel na mag-ala mad man sa kalye. "Gab!" Napakapit siya sa upuan. "Ang bilis na! Slow down!" Saka lang nito binawasan ang speed ng kotse. "Birthday mo nga pala," ang sinabi nito. "Hindi ka dapat natatakot," dagdag nito at sinulyapan siya. "Sorry." Napabuga siya ng hangin sa ere. NAPATINGIN si Lara sa pinto. Wala pa yatang kalahating oras pagkarating nila sa unit, may kumakatok na. Si Gabriel, ibinagsak ang sarili sa sofa at hindi na bumangon. Parang bingi rin na walang pakialam sa kumakatok. Inilapag ni Lara sa dining table ang baso ng tubig. "May ini-expect ka bang bisita?" Tanong niya kay Gabriel. Wala namang itinawag ang guwardiya sa lobby. Sino naman kaya ang bibisita sa kanila nang ganoong oras? "Wala. Check mo na lang," hindi interesadong sagot nito, abala sa paghahanap ng mapapanood sa TV. Napailing na lang si Lara nang itaas pa nito ang mga paa sa armrest. Siya na nga lang ang nagbukas ng pinto. "Happy birthday!" Napaatras si Lara, dumikit sa buhok niya ang confetti. Ang mga kabanda pala nila ang bisita, kasama pa ang dalawang newbie writers na naging malapit niyang kaibigan. Kaya pala hindi man lang siya naalalang batiin ng dalawa, may pinaplano palang surprise party. Napangiti si Lara. "Thank you!" "Pasok na!" masiglang boses ni Gab na nagpalingon kay Lara. Hindi na mukhang bad mood. Umaarte lang pala para siya ang magbukas ng pinto. Mas lumapad ang ngiti niya. Hindi unang beses na na-surprise siya sa kung ano-anong gimmick ng mga kabanda para mapasaya siya. Magkakasunod na pumasok ang mga ito. Saka lang napansin ni Lara na may kanya-kanyang bitbit. Cakes, take-out foods, wine, balloons—lumapad ang ngiti niya nang mapansin ang tatlong pulang lobo na hawak ng kaibigang writer. Ang isa naman ay Spongebob balloon. Natawa si Lara. "Si Spongebob talaga? Sino'ng may idea niyan? Sasaktan ko!" Natatawang pa rin siya. Inabot niya si Spongebob. Sabay sabay ang lahat, itinuro si Gabriel. "Saktan mo na ako," sabi ni Gabriel sa seryosong tono. "Lagi mo namang ginagawa 'yan. Ano pa'ng bago?" Tumawa lang si Lara. Nilapitan ang kaibigan at niyakap. "Ang galing mo talaga sa mga ganito! Salamat!" Gumanti si Gabriel nang magaang yakap. "You're welcome." Hinila na siya nito papunta sa kitchen s***h dining area nila sa condo. "Let's party!" LAMPAS alas singko na ng umaga nang matapos ang party. Pagkaalis ng mga kaibigan, saka lang naramdaman ni Lara ang pagod. Twenty-four hours na wala siyang tulog. Si Gabriel na naghatid sa mga kaibigan nila, ibinagsak na lang ang katwan sa sofa pagkabalik. "Ako na'ng magliligpit sa kitchen, Lara," sabi nito pero para namang naka-flat na sa sofa ang likod. Halatang-halata na hindi na gustong gumalaw. "Matulog ka na." "Ako na lang ang mag-aayos ng left-over sa fridge," Si Lara naman. "Galing ka pang Bicol, 'di ba? 'Pahinga ka na." Nagulat pa siya nang biglang bumangon si Gabriel at duniretso na sa magulo nilang dining at kitchen area. "Mag-aargue lang tayo," sabi nito at naging busy na sa pagliligpit sa dining table. "Tulungan mo na ako para matapos na." Mas magandang ideya nga na silang dalawa na lang para mas mabilis. Kumilos na rin si Lara. Siya ang nag-ayos ng left-overs, si Gabriel naman ang nag-ipon ng mga plato, nagtapon ng mga basura at naglinis ng mesa. "Ako na'ng maghuhugas ng mga 'yan, Gab," si Lara nang nasa lababo na si Gabriel. "Mabilis na lang 'yan. Sige na, 'tulog ka na." Kitang-kita na niya ang pagod nito, parang pinipigil na lang ang sariling ibagsak ang katawan sa kahit saang may space. Tumango lang ito at iniwan na siya. Mga thirty minutes pa si Lara sa kusina. Dumiretso din agad siya sa sariling kuwarto pagkatapos. Ang kama agad ang inayos niya. Nag-toothbrush lang at nagpalit lang ng pantulog, nag-dive na siya sa kama. Napapapikit na siya nang may kumatok. Warning knock lang. "Bukas 'yan, Gab!" Hindi na siya bumangon. Hinintay na lang na pumasok si Gabriel. "Gift ko," si Gabriel, seryoso ang ekspresyon nang iabot sa kanya ang Spongebob balloon. Napangiti si Lara. Malala din talaga mag-trip minsan ang lalaki. Seryoso sa naisip na gift sa kanya! Bumangon si Lara at naupo sa gitna ng kama. Hindi na niya pinansin ang nagulong buhok. Niyakap lang niya ang unan. "Cute naman. Akin na." Ang naisip niya ay ilagay lang sa isang sulok si Spongebob. "Happy birthday, Lara." "Thank you!" Hindi na niya pinansin ang paglabas ni Gabriel. Paglingon niya, nasa kuwarto pa rin ang lalaki. Hindi pa naman pala lumabas. Nakasandal ito sa dingding, nilalaro ng isang paa ang tiled floor na parang gustong tuklapin ang tiles. Nahulaan na ni Lara na may sasabihin ang lalaki. "Gab?" Nag-angat ito ng tingin. "I'm leaving," ang mababang sinabi ni Gabriel na nagpaawang sa mga labi niya. "Okay ka lang ba mag-isa rito?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD