Twenty one months later… NAKATUTOK ang buong atensiyon ni Gabriel sa business plan na pinag-aaralan. Si Tito Carlos ang naghanda ng plan. Sa kanya galing ang concept na mula mismo sa isa sa mga restaurants at café ng ancestors niya sa Spain, Mexico at America. Ilang linggo na niyang pinag-aaralan ang magiging kaibahan kung magbubukas sila sa Pilipinas. Ang suggestion ng ama at ni Tito Carlos—fashion and café combined. Shop and dine—sa iisang place lang. Inihanda ni Tito Carlos ang business plan. Ang ama niya katulong ito ang bumuo ng mga menu. Pinag-iisipan at pinag-aaralan niya ngayon ang mga produktong iniisip nilang papatok sa mas malaking populasyon ng mga Filipino. Huli na lang ang location. Kailangan niyang bumalik sa Pilipinas para i-check ang mas competitive. May tatlong option na

