BAGO mag-hatinggabi, pumasok na sina Lara at Gabriel sa tent. Inayos niya ang higaan nila para maging comfortable. Pinatay naman ni Gabriel ang emergency light bago isinara ang tent. Pareho silang mahabang minutong nanahimik lang. Nagdasal si Lara. Base sa tahimik na pagpikit ni Gabriel at pag-sign of the cross, sinabayan siya nito sa panalangin. Sabay silang bumaling sa isa't isa. "Good night, love," bulong nito. "G-Good night..." Nagpaubaya siya sa maingat na halik nito sa labi niya. Naunang nahiga si Gabriel. Paghiga ni Lara, braso nito ang naging unan niya. Tahimik na tahimik na sila pareho. Pinakiramdaman ni Lara ang sarili. Hindi pa siya inaantok. Hindi niya alam kung aantukin siya o gising lang hanggang magliwanag. Naramdaman niyang hinaplos-haplos ni Gabriel ang buhok niya. Hi

