SI KIM na ang nasa kabilang linya mayamaya. Dinig na dinig niya ang pilyang tawa. "So, take care, Lara, okay? Kuya Jay cares for you. Ayaw niya lang aminin kasi torpe," kasunod ang pilyang tawa. Mas lumapad ang ngiti niya. Nakasubsob na siguro sa manibela si JR sa kalokohan ni Kim. "Thanks. Ingat din kayo!" Natatawa pa rin si Lara hanggang ipinapasok na ni Gabriel sa parking area ang kotse. Salamat sa magkapatid, natatawa si Lara. Nalipat sa iba ang focus niya. May dahilan siyang maging deadma sa dalawang parang honeymooners na. Kung makakapit si Myca kay Gabriel, parang sa kama didiretso ang mga ito pagdating nila sa condo. Kulang na lang ay magpabuhat si Myca kay Gabriel. Mukha namang gustong-gusto ng lalaki ang pagyakap-yakap ni Myca. Hindi nagrereact at hinahayaan lang ang babae. Pa

