------- ***Carleigh’s POV*** - Gusto kong sumigaw. Gusto kong humingi ng tulong kay Holland. Pero hindi ko magawa. Natakot ako. Hindi lang sa sitwasyon… kundi sa kung anong mangyayari kapag mahuli niya kaming dalawa ni Hendrik na ganito. Natatakot ako na baka magkamali si Hendrik na sabihin kay Holland ang muntikan nang mangyari sa aming dalawa. “Carleigh? Okay ka lang ba?” ani muli ni Holland, ramdam ko ang pag- alala niya. Nilakasan ko ang loob ko. Pinilit kong pakalmahin ang boses ko kahit pakiramdam ko dudurog ang dibdib ko sa lakas ng t***k ng puso ko. “I’m fine!” sagot ko, pinilit kong maging steady lang ang boses ko. Kasabay nito, binalaan ko si Hendrik gamit ang mga mata ko. Tinitigan ko siya nang mariin—isang tahimik na utos na sinasabi ko na tumahimik siya, wag siyang m

