---------
Marriage was meant to be the union of two people who truly love and choose each other. It should be a promise made from the heart, not something decided by pressure or circumstances. It should be sacred and full of hope, not something that feels like a punishment.
Buong akala ko, ito ang magiging kasal ko. Na maglalakad ako sa aisle habang naghihintay sa harapan ng altar ang lalaking mahal na mahal ko. Na ang pakakasalan ko ay ang lalaking pinili ng puso kong mahalin, hindi dahil kailangan, hindi dahil napilitan, kundi dahil gusto ko. Dahil siya ang taong pinangarap kong makasama habang-buhay.
We planned it. We spent months preparing for what was almost a perfect wedding.
Masaya ako. Excited sa araw na ito. Sa isip ko, ito na ang magiging simula para tahakin namin ng lalaking mahal ko ang bagong yugto ng pagmamahalan namin. Ito ang pangarap namin na nabuo sa apat na taong relasyon namin. Handa na kaming tahakin ang daan na ito at bumuo ng sarili naming pamilya.
Pero lahat ng pangarap naming dalawa ay parang bula na mabilis na inilipad ng hangin.
This day, exactly at this time, I was supposed to marry the love of my life. Pero sa altar, ibang lalaki ang naghihintay sa akin.
The man that waiting me there is the man that I despised. The man that I never thought to marry. Ang lalaking nagdulot na ng pamimigat sa dibdib ko simula noong makilala ko siya.
The man I am about to marry right now is not only the man I hate the most, he is also the twin of the man I was supposed to marry.
At nangyari ito, dahil sa gabi na maingat niyang plinano. Ang gabing sumira sa apat na taong pag-iibigan namin ng kakambal niya. Ang pag-iibigan na ipinaglaban namin sa gitna ng maraming unos sa apat na taon.
Sa gabing iyon, nagbago ng lahat. Bigla akong tinanggalan ng karapatang pumili kung sino ang pakakasalan ko. Sa gabing iyon, ninakaw sa akin ang kinabukasan akala ko kasama ko ang lalaking pinili ng puso ko.
Sabi niya, he would never accept me as his sister-in-law, na hindi kami bagay ng kakambal niya. Sa isip ko, baka hindi lang nya ako matanggap bilang bahagi ng kanilang pamilya. Galing sila sa angkang Montreal, pinakamayamang angkan ng bansa, multi-billionaire. Samantalang ako, galing lamang ako sa isang simpleng pamilya. Hindi masasabing mayaman pero hindi din naman naghihirap.
Pero ngayon----- sa kanya pala akong ikakasal. Anong klaseng biro ng tadhana ito?If this is just a nightmare, I hope I wake up before this nightmare completely destroys me.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi dahil masaya ako kundi dahil parang unti-unti nang nababasag ang puso ko. Bawat hakbang ko papunta sa kanya ay nagdulot ng panibagong crack sa puso ko. Pakiramdam ko, sa bawat lapit ko sa altar, may bahagi ng sarili kong tuluyan ng mawawala.
Gusto kong bumitaw mula sa pagkakahawak ng ama ko. Gusto kong tumakbo palayo sa lugar na ito. Gusto kong magtago kung saan hindi na niya ako makikita, kung saan hindi na niya ako maaabot, pero hindi ko magawang gawin ito. Hindi. Wala na akong magagawa. Tuluyan ko nang dinala ang sarili ko sa impyerno.
This is supposed to be the happiest day of my life, but it turned out to be the worst one.
“Umayos ka, Carleigh, kasal mo ngayon. Huwag kang gumawa ng bagay na mas lalo pang magdadala sa pamilya natin sa kahihiyan." bulong ng ama ko sa akin. “Alam kong hindi siya ang gusto mong pakasalan, pero nangyari na ang nangyari at kailangan mong harapin at panindigan ito.”
Hindi ko magawang magreklamo. Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko. Wala akong nagawa kundi hayaan lang ang luha kong tumulo. Wala akong kasalanan sa nangyari. Ako ang biktima pero ako ang nagdusa. Ako ang kailangang magsakripisyo, ako ang kailangang manahimik, ako ang kailangang magtiis.
Hanggang sa tuluyan na kaming nakalapit ng ama ko sa groom ko.
“Ikaw na ang bahala sa anak ko. Ipinagkakatiwala ko na siya sa’yo.” ani pa ng ama ko. Pakiramdam ko, ang ama ko mismo ang nagtulak sa akin papasok sa pinto ng impyerno, at isinara iyon sa likod ko.
“Don’t worry, sir. I will take care of her—more than any other man ever could. I’ll make sure she forgets about the other man.”
Nakuyom ko ang kamao ko sa narinig. Ang kapal talaga ng mukha niya. Kinamumuhian ko talaga siya. Paano niya nasasabi ang mga salitang iyon na parang wala siyang sinirang buhay, na parang wala siyang inapakang damdamin? Na parang hindi niya kakambal ang inagawan niya?
Umalis na ang aking ama at naiwan kaming dalawa. Pero bago pa kami maglakad palapit sa pari, may binulong muna ako sa kanya. Ang vow ko na hindi ko pwedeng sabihin mamaya, na hindi ko pwedeng isigaw sa harap ng lahat.
“Hendrik, paulit-ulit mo man makuha ang katawan ko, pero hindi ang puso ko.” mariin ang tinig ko kahit bulong lang. Nanginginig ang boses ko. Galit ako. Natatakot din ako sa magiging kahihinatnan nito. At nasasaktan ako sa nangyayaring ito.
Napangisi siya sa sinabi ko. At hindi ko nagustuhan ang mapaglaro niyang ngisi. Inilapit din niya ang bibig sa tenga ko saka din sya bumulong sa akin.
“It’s okay, I don’t need your heart anyway. Your body is enough for me. Don’t worry, I’ll make sure you enjoy every moment that I—f*ck you.”
Ngumisi siya muli, parang nananadya, parang sinasadya niyang ipaalala sa akin kung gaano ako kawalang-kalaban sa kanya.
Nagtaas-baba ang dibdib ko sa galit. Gusto ko siyang sampalin. Gusto kong isigaw sa lahat ng tao kung anong klaseng demonyo siya. Pero wala akong magawa. Nakatayo lang ako , nakasuot ng puting gown na para bang nililibing ako sa sarili kong kasal.
Demonyo talaga siya. Paano ba siya nakapasok dito sa simbahan? Kung iyong sungay niya ay sobrang haba na, dapat matagal na siyang naharang sa pintuan pa lang. Pero heto siya, nasa harap ko, handang itali ang sarili ko sa kanya habang buhay, at wala akong lakas ng loob, wala akong karapatang tumanggi.
At sa bawat tunog ng kampana, sa bawat hakbang papunta sa altar, alam kong hindi ito simula ng isang masayang buhay mag-asawa. Ito ang simula ng isang bangungot na ako mismo ang sapilitang pinapasok—nakadilat, mulat, at walang takas.
-
(Salamat sa mga readers ko nito and Godbless.)