-------
Hendrik Montreal Aragon.
Isa siya sa mga kilalang Montreal– Aragon triplets. Hindi man ganoon kakilala ang apelyido ng kanyang ama kumpara sa apelyidong dala ng kanyang ina, pareho namang galing sa mga pamilyang bilyonaryo ang kanyang mga magulang. Ang kanyang ina ay ang bunso sa pitong magkakapatid na Montreal at siya rin ang nag-iisang babae. Mayroon ding half-brother ang kanyang ina na kinilala bilang bahagi ng unang henerasyon ng Montreal clan.
Isa siya sa dalawampu’t pitong kinilalang miyembro ng Montreal clan sa generasyong ito. Dalawa sa mga ito ay ampon ng kanilang angkan na kalaunan ay pareho ring nagpakasal sa isang Montreal.
Mayroon siyang tatlong kapatid: ang eldest nila ay babae, at mayroon naman siyang dalawang kakambal—sa madaling salita, triplets sila: siya, si Hayden, at si Holland. Sa kanilang triplets, si Hayden ang madaling makilala dahil sa pagiging kamukha nito ng kanilang ina. Silang dalawa naman ni Holland ang magkamukha dahil pareho silang kamukha ng kanilang ama. Pero kung tititigan talagang mabuti, mapapansin din ang pagkakaiba nila ni Holland—he is darker than his brother and has a dark personality too. At mapapansin agad iyon sa kanyang aura.
Sabi nila, sa kanilang magpipinsan, siya lang daw ang walang nararating, walang maipagmalaki, at naghihintay lang sa mana ng bilyonaryong angkan—siya ang black sheep sa angkan nila. Well, he admitted, he might be the black sheep, pero nagkakamali sila sa isang bagay. Bagkus, he is the most powerful among the members of the Montreal clan in his generation, and the richest too, pero sekreto lang iyon.
Dahil siya—isa siyang boss. And in the Montreals, only the elders (titos) know this. Sa pamilya niya, tanging ama lang niya ang nakakaalam nito. Walang alam pati ang mga kakambal niya. And he didn’t care at all. Hiding his real status and his identity as a boss is what he enjoyed most. He is free to do whatever he wants without the enemies noticing him.
So, who really, he is?
He was born into a billionaire family, but power was something he built on his own.
Sa mata ng lipunan, isa lang siyang tahimik na tagapagmana—walang opisyal na negosyo, walang posisyong ipinagmamalaki, at bihirang makita sa mga social events. Pero sa likod ng marangyang mundo ng mga mayayaman, kilala siya bilang shadow head ng sub-group na itinayo ng Saavedra Empire—ang grupong humahawak sa mga trabahong hindi pwedeng ilabas sa liwanag.
Arms trade, protection services, at private operations para sa mga gobyernong tahimik na nakikipagnegosasyon sa kanya. Deals are made in private rooms, not in boardrooms. At kapag may tumawid sa kanya, hindi lang sila tinatanggal sa daan—binubura ang buong impluwensiya nila.
Six feet and three inches tall, with a presence that could silence any room, he was almost physically perfect—pero mas delikado ang isip niya kaysa sa anyo niya. Calm, calculated, and merciless. He doesn’t threaten. He delivers.
Sa ilalim ng Saavedra Empire, siya ang mismong sandatang hindi pwedeng kalabanin. At para sa kanya, sa sandaling may mahalin siya, hindi lang ito basta pag-ibig—ito ay magiging obsession, possession, at isang digmaang handa niyang ipaglaban hanggang sa huli.
In a world ruled by power and secrets, he is not just part of the empire—
he is the shadow that protects it… and destroys for it.
Pero tulad ng iba na kilalang black sheep, he doesn’t care about doing things that cause trouble. Kilala rin siya bilang playboy, womanizer, and heartbreaker. Hindi na niya mabilang kung ilang babae ang halos lumuhod sa harapan niya, para lang sa atensyon at pag-ibig niya. Those women are the ones who don’t follow his rules. He’s not capable of loving them. He just wanted them to warm his bed. Lalaki siya, may mataas na likido, he needs women.
However—no one knew that he was obsessed with one woman. Every time he saw her, a dangerous fire flared inside him; her nearly perfect body, the way it effortlessly drew him in, and that innocent face with a subtly intoxicating allure—it all stirred a craving he knew he shouldn’t give in to.
Sitting alone in his car, staring at her picture, he felt both a pull and a pang of guilt. Desire and restraint clashed within him, each glance at her igniting a hunger he couldn’t satisfy yet couldn’t ignore.
Her name was Carleigh, but she was his twin brother Holland’s girlfriend, soon to be married, and every thought of it made the forbidden even more irresistible.
Kaya, isang plano ang nabuo sa isip niya. He doesn’t care about causing trouble anyway. He’s going to make Carleigh his. Stealing her from his twin brother, for him, is just a piece of cake.
But for now…
Nakarinig siya ng katok sa bintana ng kanyang kotse. Napatingin siya sa kung sino ang gumawa nito. Isa ito sa mga tauhan niya. Agad niyang binuksan ang bintana ng kotse.
“Boss, nakahanda na po.” anito, may bahid ng paggalang sa tinig.
Hindi na siya nagsalita. Agad niyang isinara ang bintana ng kotse niya. Hindi na niya kailangang magsalita pa para maintindihan siya ng tauhan. Sanay na ang mga ito sa kanyang katahimikan, sa mga utos na hindi na kailangang bigkasin.
Maya-maya, lumabas siya sa kotse with his dangerous and domineering aura. Matalim ang mga mata. Taas-noo. Isang taong hindi mo gugustuhing kalabanin, lalong-lalo na kung ikaw ay may kasalanan.
As of now, he is going to avenge his baby Carleigh. Nasa ospital kasi ngayon si Carleigh dahil sa nasagasaan ito. Hindi naman malala, pero napuruhan pa rin ito. Ito ang ikinagalit niya nang sobra, ang dahilan kung bakit halos pumutok sa galit ang dibdib niya.
No one can escape his wrath when it comes to his baby’s well-being. Especially when it almost cost her life.
Hindi rin naman nakulong ang lalaki. Nakapagpiyansa kasi ito, at hindi rin itinuloy ng pamilya ni Carleigh ang kaso dahil pamilyado ang lalaki. Naawa siguro. Pero iba siya. Lalo pa at nalaman niya na lasing itong nagmaneho, at hindi lang si Carleigh ang naging biktima. Ilang beses na rin itong nakabangga pero hindi nakulong. Maliban pa rito, hindi rin ito mabuting ama at winawaldas lang ang pera ng asawang nasa abroad.
Sa madaling salita, isa itong dumi sa lipunan. Mga duming gustung-gusto niyang burahin, pero hindi naman niya puwedeng gawin sa lalaking ito. Bawal siyang pumatay kung walang direktang utos mula sa Saavedra Empire. Ang magagawa lang niya sa ngayon ay bigyan ng leksyon ang lalaking ito, para magtanda at hindi na magmaneho nang lasing, at maging mabuting asawa’t ama na rin.
Bago niya hinarap ang lalaki, isinuot muna niya ang maskara niya para hindi siya makilala nito. Kalahati ng mukha niya ang natatakpan—isang maskarang akmang-akma sa isang boss, sapat para itago ang identidad niya ngunit hindi ang takot na dala ng kanyang presensya.
“S-Sino ka? A-Anong kailangan mo sa akin?” takot na takot na tanong ng lalaki. Nakaupo ito sa isang silya, nakagapos ang dalawang kamay sa likod nito. Pawisan ang noo, nanginginig ang buong katawan.
“Let’s just say, I am your punisher,” ani niya, matalim ang tinig, iyong tipong nakakatayo ng balahibo. “Marami ka nang ginawang kasalanan. I think you need to be taught a very important lesson.”
“No… p-pangako, magbabago na ako. W-wag mo lang akong patayin,” takot na takot na sabi ng lalaki, halos pabulong. Nanginginig ang boses nito sa labis na takot. Hindi naman niya ito papatayin, titirhan pa naman niya ito ng kaunting hininga. “N-nakikiusap ako… wag mo akong p-pa—”
Hindi na natuloy ang sasabihin ng lalaki nang isang malakas na suntok sa mukha nito ang bumaon. Napaungol ito sa sakit, halos maputol ang hininga. Hindi pa man ito nakakabawi, isang suntok na naman ang isinunod niya. Sinipa rin niya ito kaya natumba ang silyang inuupuan nito at bumagsak ito sa sahig nang may kalabog.
Mabilis naman itong itinayo ng mga tauhan niya at muling pinaupo sa silya. Nagpatuloy naman siya sa ginagawa niya, walang bahid ng awa sa mga mata. Kinulwelyuhan niya ito, halos maangat ang paa nito sa sahig. Puno na ng pasa at dugo ang mukha ng lalaki, halos hindi na makilala. Umuungol ito sa sakit na nararamdaman, pilit humihingi ng awa na hindi niya kailanman ibibigay.
“You’re messing with the wrong person, kaya isa ka sa mga taong nakatikim ng parusa mula sa akin.” mariin niyang sabi. “This is not only for that person, but also sa iba mo pang nabiktima. If you don’t want me to send you to hell directly, magbago ka, asshole. Dahil baka sa susunod, hindi ka na masisikatan pa ng araw.”
Marahas niya itong binitawan. Natumba na naman ang upuan nito at muling bumagsak sa sahig ang lalaki. Umungol ito sa sakit, halos hindi na makagalaw.
Kinuha naman niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang kamao niyang nabahiran ng dugo ng lalaki. Walang emosyon ang mukha niya habang ginagawa iyon. Pagkatapos, itinapon niya ang panyo sa lalaking nakahandusay sa sahig, patuloy na umuungol sa sakit at takot.
Humarap siya sa mga tauhan niyang nakatayo lang sa gilid, naghihintay ng utos mula sa kanya, walang kahit anong ekspresyon sa mga mukha ng mga ito.
“Just throw him anywhere. Make sure he’s still alive to pay for all his wrongdoing.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon, humakbang na siya palayo. Hindi na niya kailangang lingunin pa ang lalaking iniwan nila sa loob ng madilim na lugar. Para sa kanya, tapos na ang parte niya roon.
Pupunta pa siya sa ospital to visit his baby Carleigh.
At kahit gaano pa karami ang dugong dumikit sa kanyang mga kamay, iisa lang ang laman ng isip niya ngayon—ang makita ito, ang masigurong ligtas ito, at ang iparamdam dito na may isang taong handang gawin ang lahat… kahit ang magkasala, para lang maprotektahan ito. Na sya lang ang may kakayahan para gawin ito para kay Carleigh. Wala ng iba pa.