Cannot be explain!

2053 Words
------- ***Carleigh’s POV*** - Agad kong ipinalinga ang mga mata ko nang magising ako, at napangiti ako nang makita ko si Holland na nakatagilid mula sa bungad ko habang nakatingin sa bintana, tila malalim ang iniisip niya. Kita ko ang reflection ng liwanag ng hapon sa salamin, tumatama sa maayos niyang gupit na buhok at sa matikas niyang balikat na balot ng tailored suit—kahit nasa ospital, parang galing pa rin sa fashion shoot ang itsura niya. Mula noong ma-ospital ako dahil sa nasagasaan ako apat na araw na ang nakalipas, ngayon pa lang siya nakabisita sa akin dito sa ospital. At hindi dahil sa wala siyang pakialam, kundi dahil nasa Macau siya para sa isang fashion show na kailangan niyang daluhan. Isang fashion designer si Holland, mga suit ang dini-design niya, may sarili siyang suit shop para sa bespoke designs niya, pero CEO din siya ng Safarra’s Collection—ang fashion house na pag-aari ng mommy niya, na isa ring fashion designer, pero mas tutok sa women’s wear, gowns, couture, mga ganong level. Four years na ang relasyon naming dalawa. I was 22 at that time nung naging kami—graduating student pa lang ako sa accounting. Isa na akong accountant ngayon sa isang kilalang finance company na pagmamay-ari ng pinsan niya, si Mr. Yashir Montreal. At isang buwan pa lang ang nakalipas nang mag-propose siya sa akin. On one knee, sa rooftop ng isang hotel na may skyline view, champagne, roses—lahat ng cliché na sobrang pinaghandaan. Tinanggap ko naman. Paano ko hindi tatanggapin? Apat na taon kaming magkasama, at mahal na mahal ko siya. Pero kahit 22 na ako nang maging girlfriend niya, 18 pa lang ako, nagustuhan ko na siya. Wala lang talaga akong lakas ng loob para magpakilala sa kanya noon, hanggang sa isang hindi sinasadyang pagkakataon, nagkakilala kami at niligawan niya ako agad. At sinagot ko rin siya agad. At hindi ko pinagsisihan iyon kahit kailan. Senior ko siya sa university kung saan ako nag-aaral ng college, at kilala siyang magaling na pianist sa school namin. Naalala ko pa kung paano ko siya unang nagustuhan—kung paano ako nagkaroon ng crush sa kanya noong 18 ako. I was so sad at that time. Kakamatay lang ng mommy ko dahil sa cancer. I am the only child of my parents, kaya kahit hindi kami mayaman, spoiled ako, treated like a princess. Kaya sobrang laki ng dagok sa akin ang pagkawala ni mommy. Nanood lang ako ng concert sa school namin noon, para lang may ma-distract ako sa sarili ko. Isa si Holland sa mga nag-perform. The way he played the piano… parang may humaplos sa dibdib ko, parang may nagbukas ng bintana sa loob ng utak ko na matagal nang sarado. Sa bawat pindot ng mga daliri niya sa keys, pakiramdam ko, unti-unting humihinga ulit ang puso ko. Simula noon, hindi ko na talaga siya maalis sa isip ko. Ngayon, hindi ko na siya naririnig na nagpi-piano. Sabi niya sa akin, trip lang talaga niya noon na gamitin ang talent niya sa pagtugtog sa university, pero nang grumaduate siya, he focused on other things—business, designs, meetings, contracts, shows. Pero kahit ganun pa, I can’t forget how he made me calm at that time. Doon ko sinasabi sa sarili ko, he is my dream man. Gusto kong siya ang maging asawa ko. At ngayon, matutupad na. Huminga ako nang malalim at bahagyang ngumiti, ramdam ang kirot sa tagiliran ko habang iginiya ko ang sarili ko para mas maging komportable sa kama. “Holland…” mahina kong tawag, may halong lambing at pananabik sa boses ko. Dahan-dahan siyang lumingon. At sa mismong sandali, bigla akong napaurong sa unan at nanigas ang buong katawan ko. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa likod ko. Ramdam ko ang mabilis na t*bok ng puso ko, ang tensyong parang biglang sumikip ang hangin sa kwarto. Sapagkat ang nakikita ko ngayon ay hindi ko si Holland. Kilala ko ang boyfriend ko. Kilala ko ang malambot niyang mga mata kapag nakatingin sa akin, ang bahagyang ngiti na parang laging may kasamang lambing at pag-aalala. Pero ang mga matang nakatingin sa akin ngayon… matalim. Mapag-usisa. Parang sinusukat ako mula ulo hanggang paa. May bakas ng nakakalokong ngisi sa gilid ng labi niya, at ang titig niya… parang kaya niyang basahin ang bawat lihim na tinatago ko. Parang nakikita niya ang kaluluwa ko. “Carleigh.” sambit niya, mababa at kalmado ang boses, pero may kakaibang diin na hindi ko maipaliwanag. Hindi ako nakasagot agad. Parang nawala ang lahat ng salita sa lalamunan ko. Pinilit kong ipikit at imulat ulit ang mga mata ko, iniisip na baka nahihilo lang ako, baka epekto lang ng gamot, baka nagkakamali lang ang paningin ko. Pero hindi. Ang lalaking kaharap ko ngayon, kamukha man ni Holland—pareho ang tindig, pareho ang porma ng ilong, pareho ang kulay ng mata—pero hindi siya ang boyfriend ko. Siya si Hendrik. Isa sa mga kakambal ni Holland. Sapagkat may dalawang kakambal si Holland. “A– Anong ginagawa mo dito? B– Bakit nandito ka na naman?” hindi ko mapigilan ang tanong ko, sabay biglang bumangon at naupo sa kama. Ramdam ko na naman ang sobrang lakas ng t*bok ng puso ko, parang gusto nitong lumabas sa dibdib ko. Napatingin si Hendrik sa akin, halatang nagulat sa tono ko pero agad din niyang itinago iyon sa likod ng malamig na ekspresyon. “I’m here to visit you.” sabi niya, medyo alanganin ang boses, parang pinag-iisipan ang bawat salitang lalabas sa bibig niya. “Masama bang bisitahin ka?” Nilunok ko ang laway ko, pilit nilalabanan ang kaba. “B– Bumisita ka na kahapon… at nung isang araw.” sagot ko, pilit pinapanatiling kalmado ang boses ko kahit nanginginig na ang mga kamay ko sa ibabaw ng kumot. “Sapat na ’yon, Hendrik.” Napasinghap siya nang mahina, saka bahagyang ngumiti—hindi iyong ngiti na nakakagaan ng loob, kundi iyong ngiting parang may itinatagong ibig sabihin. “Since wala ang kakambal ko, ako ang nandito para sa’yo. You should be grateful, Carleigh. Kahit busy ako, I still make time to check on you.” Lihim akong nagngitngit sa sinabi niya. Ayaw kong nandito siya. Ayaw kong makita ang mukha niya, ayaw kong maramdaman ang presensya niya lalo na kung kaming dalawa lang. Pakiramdam ko, may masamang mangyayari sa akin kapag ganito—kapag siya lang ang kasama ko sa isang lugar. Tulad ngayon. Napalingon ako sa pintuan, hinahanap ang mga nagbabantay sa akin. Nasaan ba sila? Bakit hinahayaan nila akong mapag-isa kasama ang Hendrik na ’to? “At saka,” dagdag pa niya, na para bang hindi pa sapat ang nauna niyang sinabi, “unlike my brother, nandito ako para i-check lagi ang kalagayan mo. It’s already four days since nandito ka sa ospital, pero hindi pa rin siya nagpapakita.” Parang may kumurot sa dibdib ko sa narinig ko, pero imbes na masaktan, inis ang nanaig. “Alam mo naman kung nasaan siya.” mabilis kong sagot. “Mahalaga ang dahilan ni Holland kung bakit nasa Macau siya. Fashion show ’yon, Hendrik. Hindi basta-basta lang.” Napatawa siya. Pero hindi iyon tawang nakakatuwa—mapanuyang tawa, may halong paghamak. “Really?” sabay taas ng kilay niya. “Kung ako ang nasa kalagayan ng twin brother ko, wala nang mas mahalaga pa sa babaeng sinasabi kong mahal ko. I don’t mind work. Uuwi ako agad as soon as nalaman kong may nangyari sa fiancée ko—especially when it almost cost her life.” Nakuyom ko ang kamao sa ibabaw ng kumot. Nandito na naman siya. Nagsisimula na naman siya sa mga salitang kayang maglagay ng lamat sa relasyon namin ni Holland. He did this ever since Holland and I got together. Pakiramdam ko, sinisira niya ang relasyon namin ni Holland dahil hindi niya ako tanggap para maging bahagi ng pamilya nila. Sabi sa akin ni Holland, ang kakambal niyang si Hayden ang laging tumitingin sa estado ng isang tao, mapanuri ito at mataas ang tingin sa sarili. Samantalang itong si Hendrik, wala raw pakialam sa ganitong bagay. Pero sa akin, kabaliktaran ang pakiramdam ko. Kay Hayden, ramdam kong welcome ako sa pamilya nila. Pero kay Hendrik… ramdam na ramdam kong ayaw niya ako para sa kapatid niya. At sa isip ko, alam ko ang dahilan. They are billionaires. Angkang Montreal. Mga apelyidong lumalabas sa business magazines, sa society pages, sa kung saan-saan. Samantalang ako… ordinaryong accountant lang. Walang generational wealth. Walang family empire. Wala akong kahit anong maipagmamalaki maliban sa pagmamahal ko kay Holland. “Tumigil ka.” mahina pero matigas kong sabi. “Ikakasal na kami ni Holland. Huwag ka nang gumawa ng mga bagay na pwedeng makasira sa amin. Itigil mo na ’to.” Tumingin ako diretso sa mga mata niya, pilit pinatatatag ang sarili ko. “Kahit ayaw mo ako para sa pamilya mo, wala ka nang magagawa doon. At saka alam kong mahal na mahal ako ni Holland. Kaya wala siya dito… dahil ako mismo ang nagsabi sa kanya na okay lang ako at huwag na siyang mag-alala.” Kasabay ng huling salita ko, may kumirot sa dibdib ko. Dahil alam kong nagsisinungaling ako. Naintindihan ko man kung bakit wala dito si Holland pero sa loob ko, umaasa talaga ako na unahin niya ako kaysa trabaho niya. Masyadong workaholic si Holland at ito ang karibal ko sa atensyon at panahon niya. Biglang nagbago ang ekspresyon ni Hendrik. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya, pero hindi ko napaghandaan ang sumunod na ginawa niya. Bigla niyang nilapitan ang kama ko. Isang hakbang, dalawang hakbang—hanggang sa naramdaman ko na ang bigat ng katawan niya nang ipatong niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ng kutson, nakaplant sa mattress, hinaharangan ang daan ko. Yumuko siya, at ang mukha niya… napakalapit na sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Parang may sumabog sa loob ng dibdib ko sa sobrang bilis ng t*bok ng puso ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makasigaw. Para akong napako sa kinauupuan ko. “A– Anong ginagawa mo?” kinakabahan kong tanong, halos pabulong. Ramdam ko ang init ng katawan niya, ang presensya niya na parang sinusunog ang hangin sa pagitan namin. Nang-init ang balat ko, at hindi ko alam kung dahil ba iyon sa takot o sa kung anong hindi ko maintindihang sensasyon. Ngumisi siya. Kinilabutan ako sa ngisi niya. Ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa batok. “Sino’ng nagsabi sa’yo na ayaw kita para sa pamilya ko?” mababa niyang sabi. “I just don’t want you to be with my brother.” Madiin ang titig niya sa akin. “I want you to be mine.” Para akong biglang nakuryente sa sinabi nya. Ramdam ko yong pagdaloy ng bultahe nito sa loob ng katawan ko. Mas lalo akong kinabahan. Hindi ko alam kung paano ako hihinga nang maayos. Naamoy ko ang mabango niyang hininga, ramdam ko ang init na nanggagaling sa kanya, at mas lalo lang nitong dinagdagan ang tensyong bumabalot sa buong katawan ko. “A– Anong p– pinagsasabi mo?” nanginginig kong tanong, halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses. “Hindi pa ba obvious?” sagot niya, hindi inaalis ang tingin sa akin. “Alam mo naman na may kakaiba, ’di ba? Sa kung paano kita tratuhin. Hindi mo ba nakikita sa titig ko na pinagnanasaan kita?” Gusto kong umiling. Gusto kong itulak siya palayo. Gusto kong sabihing mali siya. Pero ang totoo… matagal ko nang nararamdaman na may kakaiba sa kanya. May kung anong tensyon na hindi ko maipaliwanag, may kung anong kuryenteng dumadaloy tuwing magkalapit kami. At kinamumuhian ko ang sarili ko dahil doon. “What happened here?” boses na bumasag sa tensyon. Napatingin ako dito at nanigas ako nang makita kung sino ang nagsalita. Walang iba kundi ang kinasabikan kong si Holland. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang posisyon naming dalawa—si Hendrik na naka- lean sa akin, at ako na halos nakasiksik sa headboard, at sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Ang kaba ko ay napalitan ng purong takot. Takot na takot ako sa kung ano ang iisipin ni Holland. - To the readers: Please read the author's note!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD