-------
***Carleigh’s POV***
-
Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyang umatras si Hendrik palayo sa akin. Kita ko kung paano niya inayos ang pagkakatayo niya—parang walang nangyari, parang wala siyang ginawang ikinapako ko sa takot ilang segundo lang ang nakalipas. Saka siya napatingin kay Holland na kakapasok lang sa silid.
Gusto kong magsalita. Gusto kong ipaliwanag agad. Pero tila naumid ang dila ko. Nanatili akong nakaupo sa kama, magkahawak ang mga kamay ko sa ibabaw ng kumot, pilit kinakalma ang kinakabahan kong sarili. Sana… sana hindi bigyan ni Holland ng ibang kahulugan ang nakita niya.
“Relax, bro.” sa wakas sabi ni Hendrik. “Bigla raw kasing nanakit ang mga mata niya. I was just checking. Hindi ka naman siguro nag-iisip ng kung ano, right?”
Napalunok ako. Hindi nakabawas na kaba ko ang sinabi ni Hendrik.
Napatingin sa akin si Holland. Mas lalong lumakas ang t*bok ng puso ko. Parang mabibingi nan ga ako nito. Pagkatapos, binalingan niya ulit si Hendrik.
“Of course not.” sabi ni Holland, kaswal ang ngiti. “I’m not thinking anything bad.” Huminto siya sandali bago magpatuloy “Mahal na mahal ako ni Carleigh. I trust her. Wala akong rason para magduda.” may lambing sa tinig ni Holland. Ngumiti pa siya sa kakambal niya.
Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. Salamat naman at hindi nag- isip ng masama si Holland.
Pero hindi ko pa rin napigilang mapatingin kay Hendrik. Ngumiti rin siya kay Holland—pero may kung ano sa mga mata niya. Isang tinging hindi ko maipaliwanag. O baka masyado lang talaga akong kinakabahan sa presensya niya.
Bumaling muli sa akin si Holland.
Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama ko, paharap sa akin, parang wala nang ibang tao sa silid. “Babe,” malambing niyang sabi, sabay hawak sa kamay ko. “I’m sorry ngayon lang ako nakabisita. Alam kong dapat mas maaga pa akong pumunta dito.”
Sa sandaling iyon, tuluyang nawala sa atensyon ko ang presensya ni Hendrik. Si Holland na lang ang nakita ko. Ang boses niya. Ang init ng kamay niya. Miss na miss ko siya—higit pa sa inaamin ko sa sarili ko. Masaya ako. Totoong masaya, dahil nandito na siya.
“Okay lang,” sagot ko, ngumiti ako. “I understand naman kung bakit hindi ka agad nakapunta.” Nilambing ko ang tinig ko, sinadya kong iparamdam—lalo na kay Hendrik—na walang puwang ang kahit sino sa pagitan namin ni Holland. “I know how important your work is.”
Humigpit ang hawak ni Holland sa kamay ko. “Thank you for being so understanding,” sabi niya, may lambing at paghanga sa boses. “That’s why mahal na mahal kita. I’m so lucky to have you.”
Ngumiti ako, ramdam ko ang init sa dibdib ko. “Ako nga ang maswerte,” sagot ko. “Mahal na mahal din kita, Holland.”
Hindi na siya nagsalita pa. Yumuko lang siya at kinintalan ng isang marahang halik ang labi ko—maikli, pero sapat para iparamdam kung gaano niya ako pinahahalagahan.
“I’ll leave you too.” Singit ni Hendrik. “Love birds.”
Ewan ko, hindi maganda sa pandinig ko ang salitang “Love birds’ pag galing kay Hedrik. Alam kong hindi niya ako gusto para kay Holland, at ramdam ko iyon sa bawat salitang binibitawan niya, sa bawat kilos niya.
Agad na naglakad si Hendrik para umalis na. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nasundan ko siya ng tingin habang papalayo siya, palabas ng hospital room ko—hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
Sa wakas, umalis na rin ang nagdulot ng kaba sa akin.
------
Wala kaming ginagawa ni Holland kundi nag- uusap lang kami tungkol sa fashion show sa Macau at kung anong nangyari, bakit ako nasagasaan. Pero pagkatapos din ng ilang minuto, nagpaalam din siya agad.
“Babe, promise, ikaw talaga ang una kong pinuntahan pagdating ko galing Macau,” sabi niya, bahagyang bumuntong-hininga. “I just really need to stop by the office. May kailangan pa akong tapusin—urgent. I just wanted to see you first. To make sure you’re okay.”
Ngumiti ako, kahit may kaunting kirot sa dibdib ko. Hindi dahil nagagalit ako—kundi dahil ganoon talaga siya. Trabaho muna, palagi. Pero mahal ko siya. At kailangan kong tanggapin na mas marami siyang oras sa trabaho niya kaysa sa akin.
“I understand.” sagot ko agad. Pinisil ko pa ang kamay niya. “Thank you for coming kahit saglit lang. Enough na ’yon sa akin.”
“Thank you for understanding. I’ll come back later, okay? Or tomorrow, mas matagal na.”
Tumango ako.
“Go. I’ll be fine.”
Bago siya umalis, humalik siya sa noo ko—mabilis pero puno ng lambing—saka tuluyang lumabas ng kwarto. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa magsara ang pinto. Naiwan akong mag-isa… sandali.
Hindi nagtagal, bumukas ulit ang pinto. Si Elaiza na ang pumasok.
“Uy,” bungad niya, dala ang paborito kong coffee kahit alam niyang hindi pa ako pwedeng uminom nito.“Mukha kang pagod pero blooming. Mukhang nakadalaw na ang fiancé mo ah.”
Napangiti ako.
“Saglit lang.” sagot ko. “Pero okay na rin.”
Si Elaiza—ang stepmother ko sa papel, pero best friend ko sa totoong buhay. Dalawang taon na silang kasal ni Daddy. At kahit tanggap ko na iyon ngayon, hindi ko pa rin siya kayang tawaging ‘Mom.’ Elaiza lang talaga. Magkasing-edad lang kami, at sabay kaming lumaki. Tito pa nga ang tawag niya sa daddy ko noon.
Matalik ko na siyang kaibigan mula pa noong bata kami. Kaya nga noong una kong nalaman na may namamagitan sa kanila ni Daddy, parang gumuho ang mundo ko. Galit na galit ako—sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko, niloko nila ako.
Pero buntis na siya noon. Wala na akong magagawa.
Sa simula, hindi ko sila kinausap. Hindi ko matanggap. Pero habang tumatagal, unti-unti kong naintindihan. Na wala na akong magagawa pa. Ang bestfriend ko ay magiging stepmother ko.
Ang edad naming dalawa ni Elaiza ay halos kalahati lang ng edad ni Daddy. Hindi ko man lubos maintindihan kung paano nagsimula ang lahat, pero nakita ko kung paano nila pinanindigan ang desisyon nila.
“What happened?” kunot-noo na tanong ni Elaiza habang umuupo siya sa upuan sa tabi ng kama ko. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa, parang binabasa ang bawat emosyon sa mukha ko. “I mean… dapat masaya ka na. Dumalaw na sa’yo si Holland, pero bakit parang nakasimangot ka pa rin? Bakit parang may mabigat pa rin sa’yo?”
Huminga ako nang malalim. Hindi ko agad siya sinagot. Kilala niya ako—kapag tahimik ako, alam niyang may gumugulo sa isip ko. At siya lang talaga ang taong kaya kong pagsabihan ng ganito.
“Iniisip ko lang si Hendrik.” aminado kong sabi, halos pabulong.
Napatitig sya sa akin, seryoso ang mukha. “What about him?” tanong niya. “May ginawa na naman ba siya sa’yo?”
Napayuko ako sandali bago tumango. Hindi ko na kailangan pang magdetalye agad; sapat na ang reaksyon niya para malaman kong alam niya ang bigat ng sitwasyon. Si Elaiza lang ang may alam ng ilan sa mga pinakatinatago kong takot at pag-aalinlangan, sa mga sekreto ko. Best friend ko siya bago pa man siya naging asawa ng daddy ko.
“I need to talk to him.” sabi ko, mas buo na ang loob ko. “Like… kaming dalawa lang. Walang ibang tao. Kailangan naming magkaintindihan.”
Tumaas ang kilay niya. “Talk? About what exactly?”
“About boundaries.” sagot ko agad. “Kailangan kong ipaintindi sa kanya na magiging sister-in-law niya ako. Mahal ko ang kakambal niya. Nagmamahalan kami ni Holland, at wala siyang karapatang guluhin ’yon.”
Napatitig siya sa akin, tahimik lang. Hindi ko mabasa ang iniisip niya, at iyon ang mas lalo pang nagpakaba sa akin. Kaya agad akong nagpatuloy, parang kailangan kong ipagtanggol ang sarili kong desisyon.
“Alam mo naman,” dagdag ko, “sobrang close sina Hendrik at Holland. Mas close pa sila kaysa kay Hayden. So mas iniisip ko… kung magiging maayos kami ni Hendrik, mas magiging payapa rin ang lahat. Ayokong may tensyon sa pamilya nila. Ayokong may lamat.”
Tumahimik siya sandali, saka marahang tumango. “If that’s what you think is best, I’ll support you,” sabi niya. “Ikaw ’yan, Carleigh. Alam mong hindi kita pipigilan sa mga desisyon mo—lalo na kung ginagawa mo ’yan dahil mahal mo ang isang tao.”
Napangiti ako. Isang ngiting totoo, kahit may halong kaba. “Thank you,” sabi ko. “Alam kong kahit anong mangyari, nandiyan ka.”
Ngumiti rin siya. “Always,” sagot niya. “We’ve got each other.”
Sa isip ko, sana tama ang desisyon ko na kausapin si Hendrik. Sana sapat ang pag-uusap para tumigil na siya. Hindi ko na kaya ang mga ginagawa niya—ang mga salitang alam kong sinasadya para lang maglagay ng lamat sa relasyon namin ni Holland.
Mahal na mahal ko si Holland. At hindi ko hahayaan—kahit sino pa kahit na si Hendrik—na sirain ang lahat ng meron kami ni Holland.