--------
***Third Person’s POV***
-
Hendrik paused sa doorway, napahinto siya sa paghakbang nang marinig ang galit na boses ng kakambal niya. Pinagalitan na naman ni Holland si Zamantha, ang sekretarya nito. Hindi niya mapigilan ang mapailing. Ano na naman kaya ang mali sa paningin nito at pinagalitan na naman nito ang sekretarya?
Marami ang nagsasabi na sa kanila daw triplets, si Holland yong mabait, approachable and harmless. But the truth is, Holland is not that they think he is. He is rude, cruel, and relentlessly calculating, the kind of businessman who sees people as assets and emotions as liabilities. Siguro, dahil naka-line ang business nito where he has to face clients personally, kaya kailangan nitong laging nakangiti at approachable sa paningin ng mga ito. Pero behind those—talagang nahihirapan ang mga taong e-deal ang ugali nito. Masyadong mainitin ang ulo nito. Sobra.
Umatras siya nang kaunti, napagpasyahan niya na hintayin na lamang kung kailan lalabas sa opisina si Zamantha. Humakbang sya palapit sa cubicle ni Zamantha at tahimik na umupo sa upuan nito. Kalmado, naka-de-kwarto pa siyang nakaupo, tila ba walang pakialam sa nangyayari sa paligid.
Mayamaya, lumabas na si Zamantha mula sa opisina ng kapatid niya. Halatang galit din ito.
“He really is a devil, at ako pa ang may kasalanan. Siya naman ang may kasalanan, heartless, asshole. Kung gaano siya kagwapo, ganun din kasama ang ugali niya,” galit na sabi ni Zamantha, mahina lang ang boses nito. Hindi siya nito napapansin.
Hinipan nito ang sarili. Tila pinilit nito ang maging kalmado.
“Stay calm, Zam. Ilang linggo na lang at hindi mo na makikita ang demon mong boss. You’re going to have a good time in a new company. Basta tandaan mo, ang unang gagawin mo pag-alis mo dito, ay maghanap ng mangkukulam para makaganti ka sa Holland Aragon na yon.” Dagdag pa nito, “You deserve to be happy, at ang demon na iyon—deserves to rot in hell.”
Nakaupo lang si Hendrik, tahimik na nakikinig sa bawat salita nito. Napangiti siya at napataas ang isang bahagi ng labi habang nakatingin dito. Saka sumeryoso sya.
Sa wakas, napatingin si Zamantha sa kanya, at muntik na itong mapitlag. “What the—! Sir Hendrik? Is that you? Please tell me, that you are Sir Hendrik,” sambit nito, namumutla. Natatakot itong malaman ni Holland ang mga pinagsasabi nito.
Ngumiti siya.
“Relax, honey—” kumindat pa siya rito. “Mukha ba akong si Holland? Paano naman ako magiging siya kung mas handsome at lovable pa ako kaysa sa kanya?”
Dito siya magaling—ang mang-uto ng babae. Ngunit sa totoo lang, gusto niya si Zamantha. Kaya hindi niya ito inaakit sa parehong paraan na ginagawa niya sa ibang babae na nauuwi sa kama. Pinapakilig lang niya ito, basta para masaya ang vibes sa pagitan nila.
“Right?” Napangiti si Zamantha. “Sir Hendrik, good timing ka talaga. Ang nagdidilim kong isip, biglang lumiwanag.” Napatawa siya sa sinabi nito. Talagang maganda ang vibes nila. Alam niya na may crush ito sa kanya, crush lang, at hindi seryoso. “Pero hindi mo naman siguro sasabihin kay Sir Holland ang mga pinagsasabi ko? Lagot na talaga ako,” nagsumamo ang mga mata nito. “Joke lang ang plano ko na ipakulam siya.”
“Don’t worry, honey. Do as you please. I don’t mind,” sagot ni Hendrik habang kumindat muli dito. Tumayo siya at dahan-dahang tinapik ang balikat ni Zamantha bago niya ito nilampasan para pumunta sa opisina ng kanyang kakambal.
------
“Sinabing ayaw ko—” naputol ang sasabihin ng kakambal niya nang makita nitong siya ang pumasok sa opisina nito.
Kumunot ang noo ni Holland habang nakatitig kay Hendrik, hindi nito inaasahan ang pagdating niya.
“What are you doing here, bro?” malamig at diretso ang tanong nito, halata pa rin ang irritasyon. Malamang dahil sa nangyari kanina, na kung ano man ang dahilan na pinapagalitan nito ang sekretarya.
Hindi nag-aksaya ng oras si Hendrik. Isinara niya ang pinto sa likod at dumeretso sa loob ng opisina. “We need to talk,” diretsong sabi niya, walang paligoy-ligoy. Malinaw ang intensyon, walang alinlangan sa boses at kilos niya.
Umupo siya sa upuan sa harap ng mesa ni Holland, pa-de-kuwatro, parang siya ang may-ari ng opisina. Sanay na siya sa ganitong klaseng posisyon—relaxed sa anyo, ngunit mabigat ang presensya na nagpaparamdam na hindi basta-basta makakalimutan.
Napabuntong-hininga si Holland bago umupo rin, halatang nagpipigil ng pagkainip at galit. “About what?” tanong nito, may halong pang-uuyam sa tono, ngunit halata ang tensyon. “Busy ako.”
“About your wedding,” sagot ni Hendrik nang direkta, hindi umaatras sa titig.
Agad na kumunot ang noo ni Holland. “My wedding?” Umangat ang tingin nito, tila hindi makapaniwala sa tanong. “Anong gusto mong pag-usapan sa kasal ko?”
“Sigurado ka ba?” tanong ni Hendrik, diretso ang titig. “Sigurado ka ba na talagang magpapakasal ka na?”
Hindi nagdalawang-isip si Holland. “Mahal ko si Carleigh,” mariin nitong sagot. “Paano ako hindi magiging sigurado?”
Bahagyang tumaas ang kilay ni Hendrik, may halong panunuya. “Mahal?” ulit niya, dahan-dahan, parang pinipilit pukawin ang isipan ng kakambal. “Paano mo nasasabi na mahal mo siya kung nagsisinungaling ka sa kanya?”
Napakunot-noo si Holland, halatang naguguluhan. “Anong pinagsasabi mo?” Kita sa mukha nito ang pagkalito, kasabay ng bahid ng tensyon.
“Alam mo kung ano ang sinasabi ko,” sagot ni Hendrik nang malinaw at matatag. “Alam mo ang totoong dahilan kung bakit natagalan ka sa Macau. Alam mo kung bakit hindi ka agad nakabalik kahit na nasa ospital ang fiancée mo—dahil may inuuna ka.”
Tila napaurong si Holland sa kinauupuan nito. Saglit itong natahimik, halatang hindi inaasahan na alam ni Hendrik ang dahilan kung bakit hindi agad ito nakabalik. Nakuyom nito ang mga kamao, na para bang may internal na laban sa galit at pagkabigla.
“Wala kang pakialam diyan,” madiin nitong sabi, halata ang pagkabanas. “This is my life.”
Ngumisi si Hendrik, malamig at mahinahon, ngunit malinaw ang intensity sa tingin. As long as may nakikita siyang butas, may pakialam siya—lalo na kung may kinalaman ito kay Carleigh. Hindi niya ito palalampasin nang basta-basta.
“Tell me,” dagdag niya, may diin sa boses, “totoo bang minahal mo talaga si Carleigh? Or pinili mo lang siya kasi siya lang ang babaeng pasado sa standards ng pamilya natin? Sa lahat ng babaeng naka- relasyon mo? Siya lang ang nagustuhan ni mommy.”
Biglang tumayo si Holland, kuyom ang kamao.“Ano bang gusto mong palabasin?” galit na galit na sigaw nito, halos umuungal ang opisina. “Ano? Gusto mo bang sirain ang relasyon ko?”
Tumayo rin si Hendrik, at ngayon ay halos magkapantay na sila. Parehong galit, parehong mabigat ang hininga. Ang tensyon sa pagitan nila ay halos matamaan na ang kisame. “Gusto ko lang ang totoo,” mariin ang sagot niya. “Kung mahal mo si Carleigh, bakit patuloy ka pa ring nakikipag-ugnayan sa ex mo? At huwag mo akong lokohin—nagkita kayo ni Cheryl sa Macau.”
Nanigas si Holland. Kita sa mga mata nito ang init ng emosyon, ngunit pilit nitong kinokontrol ang sarili. Huminga ito nang malalim bago nagsalita. “Wala kaming ginawang masama,” mahina ngunit mariing sagot nito. “We’re just friends. At last na ’yon. Hindi na ako makikipagkita kay Cheryl. I’m done. Magpo-focus na ako kay Carleigh.”
Bahagya itong huminto, at mas mababa ang boses bago nagpatuloy. “Mahal ko siya. I’ll be a good husband to her.”
Huminga nang malalim si Hendrik. Sa loob-loob niya, alam niyang hindi niya hahayaang masaktan si Carleigh. Galit na galit siya sa ideya na habang nasa ospital ang babae—naghihintay at umaasa—may ibang babaeng kinikita ang kapatid niya sa ibang bansa.
Kinontrol niya ang sarili bago pa niya masuntok si Holland.
“Kung totoo ang sinasabi mo,” mariin niyang sabi, tumititig sa mata ng kakambal, “aaminin mo ang lahat ng itinatago mo sa loob ng apat na taong relasyon n’yo—bago mo siya pakasalan. Walang lihim. Walang kalahating katotohanan. Kasi kung hindi—” Huminto siya sandali, huminga nang malalim, at nagdagdag ng diin sa huling salita. “Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.”
“F*ck, bro!” sigaw ni Holland, nanginginig sa galit, halatang hindi makapaniwala sa tindig ni Hendrik. “Ano ba talagang problema mo?”
Hindi na sumagot si Hendrik. Humakbang na lang siya palayo, dahan-dahang binuksan ang pinto, at tuluyang umalis. Habang naglalakad palabas ng opisina, rinig pa rin niya ang sunod-sunod na pagmumura ni Holland, umuungol at nagbabaga sa galit, na para bang patuloy na sumusunod sa kanya sa buong corridor.
Kailangan niyang umalis bago pa siya mawalan ng kontrol at mabugbog ang kakambal. Kinalma niya ang sarili, huminga nang malalim, isa-isa, sunod-sunod.
Mayamaya, tumunog ang cellphone niya. Mukhang may text message siya. Kinuha niya ito, iniangat sa liwanag ng screen, at nakita niyang may isang mensahe. Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa kung sino ang nag-text. Walang iba kundi si Carleigh.
“Magkita tayong dalawa.”
Ito lang ang text message nito sa kanya. Pero napangiti pa rin siya. Isang ngiti na alam niyang aayon ang lahat sa plano niya.