--------
***Carliegh’s POV***
-
Tumunog ang cellphone ko—isang maikling vibration na sapat para gambalain ang isip kong puno na ng kung anu-anong tanong. Hindi ko agad tiningnan ang screen. Sa totoo lang, wala sa plano ko na sagutin ang tawag, lalo na nang makita ko ang pangalan ni Hendrik na kumikislap sa display. Ngunit matapos ang ilang segundong pag-aalinlangan, napabuntong-hininga ako. Kailangan ko nga pala siyang makausap. Kailangan naming magkaintindihan. Malapit na kaming maging pamilya, at ayokong may bahid ng tensyon sa pagitan naming dalawa.
Kaya sinagot ko ang tawag.
“You want to talk to me?” agad niyang bungad—malamig, diretso. “Pwede mo akong puntahan sa condo ko,” dagdag niya agad, hindi pa man ako nakapagsasalita.
Parang may biglang humigpit sa dibdib ko. Nakuyom ko ang kamao ko. Kahit sa paraan pa lang ng pagsasalita niya, pakiramdam ko ay may tinatapakan siyang hangganan. Pakiramdam ko, nanganganib ang sarili ko sa kanya.
“Hindi ako pupunta sa condo unit mo,” mariin kong sagot. “Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung may makakita?”
“Why do you care so much about what people will say?” balik niya, may halong panunuya. “What—are you scared? Natatakot ka ba na may gawin akong masama sa’yo?”
Mas humigpit ang pagkuyom ko sa kamao ko. Ramdam ko na ang inis na gumagapang sa bawat ugat ko. “Hendrik, hindi ako nakikipagbiruan sa’yo,” sabi ko, may diin sa bawat salita. “Seryoso ako.”
“Ganun din ako,” sagot niya agad. “Hindi ako nakikipagbiruan. Wala naman akong gagawin sa’yo na hindi mo magugustuhan.”
Napapikit ako sandali. Kailangan kong kontrolin ang sarili ko bago pa tuluyang tumaas ang boses ko. “You don’t get it,” mahina ngunit matalim kong sabi.
Bigla siyang nagbuntong-hininga. “I’m not feeling well,” dagdag niya. “Hindi ako makalabas. Ang init ng pakiramdam ko—sobrang init, parang masusunog na ako.”
Muntik na akong maawa. Muntik lang.
Dahil bigla kong narinig ang ungol at boses ng isang babae sa background. Doon ko agad naintindihan ang lahat. Kaya pala “naiinitan” siya.
“Bweset,” bulong ko. Naiinis ako sa isipin na parang pinapawisan ako.
Humigpit ang hawak ko sa cellphone. “Listen carefully,” mabilis kong sabi. “Hindi ako pupunta sa condo unit mo.”
“Carleigh—”
“Magkikita tayo sa lobby,” putol ko sa kanya. “Papunta na ako. Hihintayin kita roon—hanggang sa matapos ka sa kung ano man ang ginagawa mo ngayon.”
Ibababa ko na sana ang cellphone nang magsalita siya muli.
“Carleigh… alam mo bang ini-imagine kita ngayon.”
Bweset. Napakabastos.
Mabilis kong tinapos ang tawag. Nanginginig pa ako sa sobrang inis. Ramdam na ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa batok. Kinilabutan ako sa sinabi ni Hendrik.
-------
Inis na inis na ako. Kanina pa ako naghihintay kay Hendrik sa lobby—halos dalawang oras na—at pakiramdam ko, nauubos na ang pasensya ko kasabay ng battery ng phone ko. Ilang beses ko nang ni-refresh ang messages, nag-scroll kung saan-saan, naglaro ng kung anu-ano—kahit ano para lang hindi ako mabagot.
Saan na kaya ang lalaking iyon? Hindi pa rin ba siya tapos sa kung ano mang ginagawa niya kasama ng kung sino na namang babae? Kainis.
Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. This place is too elegant para magwala ako. Crystal chandeliers, marble floors, soft music sa background—lahat screams class, control, money. Hindi ako pwedeng magmukhang cheap dito.
Pero parang nakisama pa ang katawan ko sa inis ko. Nakaramdam ako ng utos ng kalikasan. Kailangan kong mag-restroom—like, now. Tumayo ako at lumapit sa front desk, maayos ang postura, nakataas ang baba, parang walang nangyayari sa loob ko.
“Excuse me,” sabi ko, polite pero firm. “Where’s the restroom?”
Ngumiti ang staff, professional. “Ma’am, the restroom here in the lobby is a bit far. You’ll need to go around. But there’s one on the first floor, just near the elevator.”
I nodded. “I’ll take the one upstairs. Thanks.”
Mas mabilis. Mas convenient. At honestly, ayokong maglakad pa nang malayo. Lumapit ako sa elevator at naghintay. Sandaling katahimikan. Isang minuto. Dalawang segundo. Tapos—ding.
Bumukas ang elevator.
At nanlaki ang mga mata ko.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko, parang biglang may humawak sa mga paa ko at idinikit sa sahig. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung paano ako hihinga, kung paano ako kikilos.
Si Hendrik. Siya mismo. At may ka-make out siya.
Nakasandal ang babae sa wall ng elevator, ang ulo niya ay bahagyang nakatagilid, habang si Hendrik ay malapit na malapit sa kanya. Hinalik-halikan niya ang leeg ng babae—slow, confident—parang walang pakialam sa mundo. Ang isang kamay niya ay nasa dibdib ng babae, gumagalaw na para bang sanay na sanay sa ganitong eksena. Hindi sila nakahubad—pero masyado pa rin itong nakakahiya. Nakakasuka. Nakaka- eskandalo.
Biglang napatigil ang babae at napanguso. “Hendrik,” sabi nito, mahina pero iritado. “The elevator’s open. Someone saw us.”
Napalingon si Hendrik. Diretso sa akin.
Nagtagpo ang mga mata namin, at doon ko naramdaman ang hiya—ako pa ang nahiya dahil sa nakita ko siyang ganito.
Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita.
At ang gago—ngumisi pa. Isang mabagal, kumpiyansang ngiti, parang natutuwa pa sa reaksyon ko. Parang natutuwa pa siya na makita ko ang kababuyan niya.
------
Parang biglang umurong ang ihi ko. Isang segundo lang, at nawala ang pakiramdam na gusto kong maihi. Napalitan iyon ng hiya, galit, at matinding inis na parang sabay-sabay na sumabog sa dibdib ko.
Napakalma ako sa sarili ko.
“Carleigh,” nakangiting sambit ni Hendrik sa pangalan ko, parang wala lang ang lahat. May kung anong kumpiyansa sa boses niya. “Sorry kung natagalan ako. Didn’t mean to keep you waiting.”
Napataas na lang ang kilay ko. Hindi ko siya sinagot. Sa halip, tinalikuran ko siya at naglakad pabalik sa couch kung saan ako nakaupo kanina. Ramdam ko ang init sa pisngi ko. Masyado talagang nakakahiya ang Hendrik na ito. Nakakaeskandalo ang ginawa nila ng babaeng kasama niya.
Sa likod ko, narinig ko ang boses ng babae. “Who’s she?” tanong nito, walang bahid ng hiya. “Another woman of yours?”
Napahinto ang hakbang ko. Gusto kong lumingon, harapin ang babae, at itama ang maling akala niya. Nakakasuka ang mapagkamalan akong another woman—at kay Hendrik pa. Parang insulto iyon sa pagkatao ko.
Pero bago pa ako makapagsalita, narinig ko ang sagot ni Hendrik. “You don’t have the right to ask,” malamig niyang sabi.
Napapikit ako saglit. Napaka-ungentleman. Matapos ang lahat ng ginawa nila kanina, iyon ang sasabihin niya? Hindi man lamang niya sinagot nang maayos ang babae. Nakakagulat pa na mukhang hindi na-offend ang babae. Sa halip, tumawa pa ito nang mahina at malandi pang nag-goodbye kay Hendrik bago tuluyang lumayo.
Nang makalayo na ang babae, humakbang si Hendrik palapit sa akin at umupo sa couch sa harap ko. Relaxed. Parang walang bigat ang eksena. “Sorry about what you saw,” sabi niya, pero hindi ko ramdam ang sinseridad.
Tumingin ako sa kanya, diretso. “Wala akong pakialam sa kung ano ang ginagawa mo sa buhay mo,” sagot ko, malamig. “Pero huwag mo akong gawing tanga. Halos dalawang oras akong naghihintay sa’yo, tapos malalaman ko na hindi pa pala kayo tapos ng girlfriend mo sa condo mo. At inulit niyo pa sa elevator.” Huminto ako sandali, huminga nang malalim. “Hindi na ba talaga kayang maghintay ng libog mo? Pati sa elevator—”
“Gosh,” bulong ko. Hindi ko na kayang ituloy.
Imbes na mainsulto, napatawa lang siya. Isang maikling tawa, parang aliw na aliw pa. “She’s not my girlfriend,” sagot niya. “At hindi rin siya ang kasama ko kanina. I don’t have a girlfriend. Why would I focus on one when I can have many?”
Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Talagang napakawalang hiya. Ano bang tingin niya sa aming mga babae? Mga laruan? Mga option lang na puwedeng palitan anumang oras?
Magkamukha lang sila ni Holland, pero sobrang layo nila sa isa’t isa. Sa apat na taon naming magkasama ni Holland, ako lang ang babae niya—loyal. Talagang hindi ko magawang pagdudahan iyon. Pero itong Hendrik na ’to—stress ang aabutin ng girlfriend niya. Halos oras-oras siguro, hindi mapakali ang girlfriend niya sa kakaisip na baka may kasama na naman siyang ibang babae.
Napasimangot ako, at hindi ko namalayan na tumalim na pala ang titig ko kay Hendrik.
“Why are you looking at me like that?” tanong niya, may bahid ng amusement.
“Because parang wala sa vocabulary mo ang salitang loyal,” hindi ko napigilan at ito ang isinagot ko.
“Loyal?” ulit niya, tila napaisip. Tumahimik siya sandali, saka ngumisi. “If you get rid of my twin brother and be with me,” sabi niya nang walang alinlangan, “baka pag-isipan kong gawin na lang na daily word ang salitang loyal. Pwede naman. But the price is too high.”