Don't mind him!

1589 Words
--------- ***Carliegh’s POV*** - Nakuyom ko ang kamao ko. Ramdam ko ang panginginig ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa inis. Mukhang hindi talaga niya ako sineseryoso. Para sa kanya, parang laro lang ang lahat. Na ang sitwasyon ko ngayon dahil sa kanya ay isang malaking biro. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Ayokong sumabog. Ayokong magpaapekto sa bawat salitang binibitawan niya, lalo na sa paraan ng pang-aakit niya na parang wala lang. Na parang hindi ko fiancée ang kakambal niya. Napalanghap muna ako ng hangin, marahan, paulit-ulit, bago ako nagsalita. “Hendrik,” sabi ko, pinipilit panatilihing steady ang boses ko, “seryoso ako ngayon. Sana naman seryusuhin mo rin ako.” diretso ang titig ko sa kanya. “Gusto kong magkaayos tayo. Ikakasal na kami ng kakambal mo. Magiging pamilya na tayo.” Maingat ang bawat salita ko. Kalmado. Dahil iyon lang naman talaga ang gusto ko—ang magkaayos kami. Tahimik lang siya. Mariin ang titig niya sa akin, halos parang sinusukat ang bawat galaw ko. At kahit ayaw kong aminin, ramdam ko na naman ang kakaibang t*bok ng puso ko. Nakakainis. Ayaw ko talagang maapektuhan, pero lagi na lang ganito kapag kaharap ko siya. Parang may kung anong hatak na hindi ko maipaliwanag. “Sigurado ka ba talaga?” tanong niya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, mababa ang boses. “Sigurado ka bang pakakasalan mo si Holland? Is there no chance you’ll change your mind?” “Paano naman ako hindi magiging sigurado?” sagot ko agad. “Apat na taon kong hinintay na makasal kay Holland. Mahal na mahal ko siya.” walang alinlangan sa tinig ko. Bahagya siyang ngumisi. “Paano kung malaman mo,” dahan-dahan niyang sabi, “na hindi pala one hundred percent loyal si Holland sa’yo sa loob ng four years n’yo?” Parang may biglang sumabog sa dibdib ko. Hindi ko napigilan ang galit na umakyat sa lalamunan ko. “Huwag mong sisiraan si Holland,” mariin kong sabi, mas mataas na ang boses ko kaysa sa balak ko. “Tumigil ka na sa ginagawa mong paninira sa relasyon namin. Ikakasal na kami, at wala ka nang magagawa para sirain iyon.” Ramdam ko ang panginginig sa tinig ko, galit na galit ako. Lagi na lang syang ganito. Hindi ko na kaya. Mukhang hindi talaga kami kailanman magkakasundo. Bahala na. Hindi naman siya ang makakasama ko habang buhay—si Holland. Tumayo ako, desididong umalis. Pero halos kasabay ko siyang tumayo. Paalis na sana ako nang bigla siyang humarang sa gilid ko, sapat para mapahinto ako. Lumapit siya, masyadong malapit. “I really care for you,” pabulong niyang sabi. Mahina lang, pero ramdam ko ang kilabot na gumapang sa balat ko. “You should believe that.” Hindi ako nagpatalo sa kaba o galit. Tumingin ako sa kanya, diretso. “If you really care for me,” sagot ko, malamig pero malinaw, “tanggapin mo ako sa pamilya n’yo.” Saka ko siya nilampasan. Hindi na ako lumingon. Malalaki ang hakbang ako para hindi na nya ako magawang sundan. Napakalma ako kahit papaano pagkapasok ko sa kotse, pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Hendrik. Para akong sasabog sa galit. Ilang beses akong napailing habang mahigpit ang hawak ko sa manibela. Hindi mo siya dapat pinapansin, Carleigh, paulit-ulit kong paalala sa sarili ko. Wala siyang karapatang guluhin ang isip ko, lalo na ngayon na ilang araw na lang, ikakasal na ako. Huminga ako nang malalim, pilit kinokontrol ang emosyon ko. Ayokong dalhin ang galit na ’to hanggang sa bahay. Ayokong masira ang araw ko dahil lang sa kanya. Pero kahit anong gawin ko, bumabalik at bumabalik sa isip ko ang tanong niya—yong mga sinabi niyang pilit kong itinataboy. Biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako agad sa screen at parang bula na nawala ang inis ko nang makita ko ang pangalan ni Holland. Hindi ko napigilang ngumiti. Isang ngiting kusa, totoo, at puno ng lambing. Agad kong sinagot ang tawag. “Babe,” bungad niya, at parang sapat na ’yon para kumalma ang buong sistema ko. “Just calling to remind you about our dinner date tonight.” Napangiti pa ako lalo kahit mag-isa lang ako sa loob ng kotse. “Of course, I won’t forget,” sagot ko sa kanya, malambing ang boses ko. “I’ve been looking forward to it.” “Good,” sabi niya. “Medyo busy pa ako sa office. Meetings, paperwork, you know. Sa restaurant na lang tayo magkita mamaya, okay?” Hindi ko maikakaila na may konting disappointment na sumiksik sa dibdib ko. Lately, palagi na lang siyang busy. Palagi na lang trabaho. Pero agad ko ring pinigilan ang sarili ko. This is for us, paalala ko. Kailangan niyang tapusin ang lahat bago ang kasal namin. Isang linggo kaming mawawala para sa honeymoon— at alam kong ayaw niyang may maiwan siya mahalagang trabaho sa pag- alis namin. “Okay,” sagot ko, pilit pinananatiling maayos ang tono ko. “I understand.” “Thank you,” sabi niya, may ngiti sa boses. “Babawi ako, promise. Pagkatapos lang nito.” Tumango ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita. “I know. Ingat ka diyan.” Hindi na rin nagtagal ang usapan namin. Kailangan na raw niyang bumalik sa trabaho—marami pa siyang dokumentong kailangang tapusin. ----- Nasa loob kami ng isang five-star restaurant, tahimik pero elegante, yong tipong bawat kilos mo parang may nanonood. Malambot ang ilaw, may live soft piano music sa background, at mula sa floor-to-ceiling glass windows, tanaw ang city lights na parang bituin sa lupa. Nagkangitian kami ni Holland. Four years. Apat na taon na kaming magkasama. At ngayon---- ikakasal na kaming dalawa. “Happy 4th anniversary, babe!” nakangiting sabi ni Holland habang itinataas ang baso ng wine niya. May kakaibang ningning sa mga mata niya, yong pamilyar na tingin na palagi akong pinapangiti kahit pagod na ako. “You know,” dagdag pa niya, seryoso na ang tono, “the last four years of my life… they were the best. Because of you. Mahal na mahal kita.” Parang may humigpit sa dibdib ko—hindi sa sakit, kundi sa sobrang saya. Hindi ko kayang ipaliwanag ang naramdaman ko sa sandaling ito. Mahal ko si Holland. Mahal na mahal. At sa apat na taon na ’yon, hindi siya pumalya sa pagpapasaya sa akin. “Happy 4th anniversary din,” sagot ko, bahagyang nanginginig ang boses ko sa emosyon. “And honestly, the four years I spent with you… sila rin ang pinakamasayang taon ng buhay ko.” Napahinto ako saglit, may inaalala ako, saka ako nagsalita muli “You know… I was so broken when my mother died. I didn’t know how to breathe properly after that. Pero yong music mo—the way you played—parang ikaw ang naging liwanag ko. I fell in love with you the moment I heard you play.” Sandali---- parang may anino na dumaan sa mukha niya. Saglit nawala ang ngiti niya. Isang kisapmata lang. Mabilis. Pero nahuli ko. Bumalik din naman agad ang ngiti niya, pero… iba. Hindi ko maipaliwanag. May konting pagbabago. May konting lamig. Baka nagkamali lang ako, sabi ko sa sarili ko. Baka pagod lang siya. Don’t overthink, Carliegh. “Mahal na mahal kita,” dugtong ko, pilit ibinabalik ang init ng sandali. Kinuha ko ang baso ko at marahan naming pinagbangga ang mga ito. Isang mahina, elegante na tunog. Sabay naming ininom ang wine, sabay ding ibinaba ang baso, pareho pa ring may matamis na ngiti sa labi namin. Kumain na kami pagkatapos. Sweet kami—yong tipong parang walang ibang tao sa paligid. Nagsusubuan kami, nagtatawanan sa maliliit na biro, nagkukwentuhan tungkol sa future namin. Parang kaming dalawa lang talaga ang nasa mundo. “Tell me,” bigla niyang tanong habang hawak ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. “What’s your wish?” Ngumiti ako. “Simple lang,” sagot ko. “Sana magkasama tayo habang buhay.” “Mangyayari ’yan,” sabi niya agad. “Because that’s my wish too.” Sandali nyang hinalikan ang labi ko. “Really?” tanong ko, hindi ko napigilang ngumiti nang mas malapad. Tumango siya. “Really.” Pero kahit gaano ka-perfect ang sandali, may isang bagay pa ring bumabagabag sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko. “Kahit…” nag-alinlangan ako saglit, “kahit na hindi kami magkasundo ng kakambal mo? Kahit na ayaw ni Hendrik sa akin?” Sa totoo lang, natatakot ako. Takot na baka si Hendrik ang maging dahilan ng pagkasira namin ni Holland. Ayaw kong aminin, pero andoon ang takot. Napakunot ang noo ni Holland. “Ginugulo ka pa rin ba niya?” tanong niya agad. “May sinabi ba siya? May ginawa? ” Umiling ako. Hindi ko kayang sabihin ang totoo. Hindi ko kayang aminin na madalas akong sinusubukang i-seduce ni Hendrik. Na marami siyang sinabing kasinungalingan para sirain kami ni Holland. Ayokong mag-away silang magkapatid. Ayokong ako ang maging dahilan ng hidwaan nilang dalawa. Ako na lang ang mag-aadjust. Hindi naman ako naniniwala kay Hendrik kahit kailan. “Don’t mind him,” sabi ni Holland, mas kalmado na. “Huwag mo na siyang pansinin. Huwag mo na siyang patulan. Ang mahalaga, mahal natin ang isa’t isa. At pareho nating alam ’yon.” Tumango ako. Tama siya. Ito lang naman ang mahalaga. At ang Hendrik na yon---- hindi niya kami masisira ni Holland. Bahala ang asshole na yon. Hindi ko na siya iisipin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD