CAMILLE
[Tapos na kayo? I'll be there in a minute.] Sabi ni Keith ng tawagan nya ko para sunduin.
Nagpafinalize na kasi kami ng thesis namin dahil sa friday na ang deadline nito para mapasama kami sa 1st batch ng magdedefense.
Ilang months na lang din at gagraduate na kami kaya naman. Sobra na ung hagad namin dahil malapit na mag aannounce na ng Graduating Partial List.
"Oo. Pero andito pa kami sa loob ng bahay. Tawag ka ulit pag andyan ka na sa labas." Sabi ko, sumang ayon naman sya bago ko binaba ung tawag.
Pagbalik ko sa pwesto namin nila Bea, nagkwentuhan lang kami at nag usap kung saan kami mag aapply pag graduate. Katulad ng una kong sabi noon pa man. Sa ME ako mag aapply, may iba kasama ko katulad na lang ni Krisha sa ME din sya mag aapply. Madami pa kaming napagkwentuhan pero naputol un ng tumawag na si Keith, nagpasya na kaming umuwi lahat at bukas namin ipapabind un Thesis namin.
Nakita ko naman agad si Keith na may kausap na naman sa phone nya. Ngayon lang ulit kami magkikita nito dahil bigla syang maging sobrang busy nitong mga nakaraan. Hindi ko din alam kung bakit pero nung huli naming kita may narinig ako scandal ata. Basta ganun, hindi ko naman na inalam.
Nagpaalam na ko kila Bea at lumapit na kay Keith. Hindi naman nya ko napansin dahil busy talaga sya dun sa kausap nya.
"Dude! Mahirap talaga humanap lalo na ang hanap natin ih, desente at pagkinalkal ang background walang kung anong makikita.... Yeah. I know.... I'll try to find... Oo, sige na. Maya na lang ulit tayo mag usap. Bye." Madali nyang binaba nung nakita nya ko. Tapos ngumiti sya kaya ngumiti na lang din ako.
"Okay ka lang? Mukha kang pagod na pagod." Sabi ko sa kanya. Niyakap naman nya ko.
"Okay lang ako. Yakap mo lang, okay na ko. Hatid na kita." Sabi nya sabay bitaw. Di na ko nag abala na tignan sila Bea. Basta pumasok na din ako kotse.
Habang nasa byahe tahimik lang sya at parang may iniisip.
"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ko ulit dahil hindi ako mapakali sa kanya. Sinulyapan nya lang ako saglit tapos bumalik ulit sa daan ang tingin..
"Opo. Okay lang ako. Pagod lang at masakit ang ulo pero ayos lang ako." Sabi nya at kinuha ung kamay ko.
"Sure ka ha. Pwede mong sabihin sakin kung may problema." Sabi ko sa kanya at ngumiti kahit hindi nya makita.
"Salamat. May problema lang sa kompanya kaya nahahagad kami ni Miggy." Sagot nya. Tumango tango na lang ako.
Speaking of Miggy. . Hindi na gaano nagseselos si Keith sa kanya. Mukha namang nagkaintindihan na silang dalawa. . Sabi kasi ni Miggy, ako ang pinakaunang babae na sineryoso ni Keith kaya natutuwa sya but it doesn't mean daw na type nya ko. He treat like how he treat Keith kaya wala daw dapat ipag alala dun. Dahil nga din, may mahal na iba ung tao.
Minsan ko din nakasama si Sofia, nung nakilala ko sila Tita Klea at Tito Miguel. Pakiramdam ko nga hindi welcome si Sofia ih. Kasi hindi sya gaano kinakausap ni Tita tapos hindi naman talaga sya invited nagpunta lang sya dahil gusto nya.
Nakarating kami ng bahay at nagpaalam na sa isa't isa.
"I'm sorry kung kulang ang oras ko sayo ngayon. Matapos lang tong problema. Babawi ako. Pangako." Sabi nya at hinawakan ung mukha ko.
"Okay lang basta asikasuhin mo muna yan. Hindi naman ako mawawala." Sabi ko at yumakap sa kanya. "I love you... Ingat ka sa byahe. Wag ng uminom... Magpahinga ka na. Okay?" Pagsisigurado ko. Tumango lang naman sya, nagulat naman ako ng bigla nya kong hilain at buhatin pa punta sa kandungan. Ahm... Nag isang taon na kami pero... Ngayon nya lang ginawa to sakin. Kaya nagulat ako.
Nakayakap pa din ako sa kanya habang sya yakap ako sa bewang at nakasubsub ung mukha nya sa balikat ko. Matagal kaming nasa ganong posisyon bago sya mismo ang humiwalay.
" I love you..." Malambing sabi nya habang ung mga kamay nya ay nasa likod ko at hinihimas himas un.
"I love you too... Okay ka lang ba talaga?" Tanong ko. Ngayon lang kasi sya naglambing ng ganto. Parang pagod na pagod pa sya. Ngumiti lang naman sya at tumango.
"Okay lang talaga ako, babe." Nakangiting sabi nya. "Pwede pakiss?" Tanong nya kaya matawa ako at ako na ang nagkusa. Mabilis lang pero puno ng pagmamahal.
"Pahinga ka na pag uwi mo. Okay? I love you." Sabi ko ng maghiwalay ung mga labi namin. Tumango lang sya at dahan dahan akong ibinalik sa upuan ko.
Bumaba na ko at kumaway kahit nakasara ung bintana alam kong nakatingin sya sakin. Tapos naglakad na ko papasok. Bumusina lang sya at umalis na.
Pumasok na ko sa bahay, umakyat sa kwarto, nagbihis at natulog.
-----------
Lumipas ang ilang linggo at madalang talaga kaming magkita ni Keith. Magkikita man kami, sobrang saglit lang, hahatid nya lang ako sa bahay tapos maghihiwalay na ulit kami.
Tatlong linggo na lang din at Graduation na. Kaya excited din kaming lahat. Dahil walang maiiwan samin.
"delos Santos! Sakay na kayo dito." Sabi ni Ms. Cruz sabay turo dun sa Van nakaassign samin.
May company tour kasi kami at ME ang unang pupuntahan namin. Syempre bilang nakapag OJT na dun. Tanging ang alam ko lang ay Marketing Department at hindi ang iba pang department na ngayon ay malalaman namin.
Pumasok na kami ng Van. Hindi naman nagtagal umandar na ung sinasakyan namin at dumeretso sa ME. Inilibot lang kami sa iba't ibang department hanggang sa sinabi na pupunta kami sa pinakamalaking conference room at makikita namin sila Tito Miguel at Miggy.
Habang papunta dun nagulat naman ako ng biglang may nalaglag sa likod namin.
Paglingon namin si Ferrer nakaupo sa lapag at umiiyak. Bigla syang niyakap nung kaibigan nya since malapit ako halos kay Sir Henry. Nilapitan ko sya.
"Sir Hens. Si Nicole po." Sabi ko sabay turo kay Nicole at Kim. Nagulat naman sya tapos tinapik ung balikat ko saka nilapitan sila Nicole.
Pinaalis na lang kami ni Sir Henry at sinabing dumeretso na sa conference room. Nakakakaba naman un. Ano kayang meron?
Nakarating na kami sa conference room at malaki talaga. Hindi ako nakapasok dito ng nag OJT kami dito ih... Pinaupo na kami at ang cozy ng upuan.
Di naman nagtagal pumasok na sila Tito Miguel, Miggy at Keith, may iba pa silang kasama na hindi ko na kilala. Napatingin naman kaming lahat din ng pumasok sila Sir Henry kasama ung mga kaibigan ni Nicole na mapupula ang mata. Tahimik lang silang naupo. Pero wala si Nicole.
Nakatingin lang din naman sila Miggy sa kanila. Ewan ko pero parang may hinahanap sya... Si Keith din parang may hinahanap at alam kong ako naman ang hinahanap nya.
Bago nya pa ko makita nagsalita na si Tito Miguel kaya nagfocus na kami dun. They just welcome us to their company. Tapos ipinakilala ung mga benefactor ng AHC. Pati si Miggy ipinakilala bilang CEO/President at nagsalita. Nakakatawa lang na nakakarinig ako ng komento na ang gwapo daw nya at mukhang hot. Friend kami nyan!
Tapos ang meeting sa conference at medyo hinayaan kaming magstay dun ng kahit saglit lang. Nakita ko ung mga kaibigan ni Nicole na kausap si Sir Henry. Habang nakatitig ako, nagvibrate bigla ung phone ko kaya kinuha ko at tinignan kung sinong nagtext.
From: Babe
Sakin ang tingin. Kung saan saan nakatingin. . I miss you beautiful.
Sabi sa text kaya naman hinanap ko agad ung taong nagpadala nun at nakita kong nakatingin sya sakin. At ngumiti ng malapad, ngumiti na lang din ako. Hindi naman na ko nahihiya. Gagraduate na ko kaya okay na siguro un.
Nawala ung atensyon nya sakin ng kausapin sya ni Miggy at parang seryoso ung pinag uusapan nila. Nabaling din naman ung atensyon ko ng kalabitin ako ni Bea.
"Okay ka lang? Titig na titig ka kila Sir Miggy ah! Type mo?" Tanong nya sakin. Natawa naman ako.
"Oo. Ung kausap nya. Type ko. Gwapo ‘no!" Sabi ko ska sya tumingin sa gawi nila Keith at Miggy. Bigla naman nya kong hinampas.
"G*go! Ang gwapo din! Jowain mo na!" Sabi nya kaya mas natawa ako dahil jowa ko naman talaga yan. Lumapit ako kay Bea tas bumulong.
"No need. Boyfriend ko na yan." Sabi ko at lumayo sa kanya. Halos lumabas naman ung mata nya sa gulat tas nagpabalik balik ung tingin nya sakin at dun kila Keith na ngayon at nakasalubong ang kilay na nakatingin sakin. . Nagkibit balikat lang naman ako tapos sya naman umiling lang.
Di naman nakarecover agad si Bea at talagang nagulat sya. .
"G*go! Camille! Totoo ba? Sira ulo to!" Sabi nya sakin.
"Totoo nga. Tignan mo!" Sabi ko sabay pakita ng phone ko sa kanya. Tapos dinial ung number ni Keith. Nakatingin lang naman kami kila Keith. Kumunot ung noo ni Keith nung nakita nyang tinatawagan ko sya, tapos tumingin sakin. Parang magtatanong kung bakit. Umiling lang ako tapos pinatay na ung tawag.
"Hayop! Totoo nga!" Amaze na sabi nya tapos hinampas hampas ako. Sakit! Minsan lang ako magyabang kaya lulubusin ko na.
KEITH
Ano na naman kaya ang naiisip na kalokohan ni Camille at tumawag bigla.
"Mukhang sinabi nya sa kaibigan nyang boyfriend ka nya." Sabi ni Miggy sa gilid ko. Mukha ngang ganun ung ginawa nya.
"Baka nga." Natatawa kong sabi. "Hatid ko muna sya bago ako pumunta ng hospital para kunin ung mga reports." Sabi ko dahil namimiss ko na si Camille ng sobra.
"Sige lang. Kung kaya mong dalhin sakin mamaya sa bahay, dalhin mo na lang para kahit naman paano bago ako maalis sa pwestong to, may nagawa naman ako." Sabi nya. Mukhang nawawalan na sya ng pag asa.
Kahit naman ako nawawalan na ng pag asa na makakahanap kami ng babaeng papakasalan nya. Tsk!
Naputol ang pag uusap namin ng lumapit samin si Henry.
"May nahanap ka na?" Tanong nya samin.
"Wala pa, Tol." Sagot ko sa kanya.
"Hay naku! Ang hirap nyan..." Naiiling na sabi ni Henry. Tumahimik kami saglit pero binasag din ni Miggy.
"Madali lang sana kung hahayaan mong kausapin ko ung isa mong estudyante." Sabi nito kaya napatitig ako kay Henry.
"No. She's too innocent for you. And i know you like her." Sabi ni Henry tapos tumalikod. Hindi ko naiintindihan ung sinasabi nila.
"I didn't like her. I actually love her. That's why i want to talk to her. I want to marry her. Mukhang tanga si Henry! Hindi makisama." Inis na sabi ni Miggy. Ska bumaling sakin. "Just do what you need to do, dude. Una na ko sa taas." Sabi nya.
Naglakad na sya papunta kay Tito Miguel tapos nagpaalam, may mga gagawin pa kasi sya. I just text Camille na sa parking kami magkita dahil dun na ko dumeretso nang magpaalam ako.
Nang makarating na ko ng kotse, saglit ko lang syang inantay dahil nagpapaalam pa daw sya. Sabi ko naman kay Henry na lang magpaalam para mas mabilis.
Pagdating nya sa kotse pumasok naman agad sya at humalik sa pisngi ko. Ang bakla pakinggan pero kinikilig ako pag ginagawa nya to.
"I miss you." Sabi nya.
"I miss you too." Sabi ko lang din bago tinapik ung hita ko. "Dito ka. Payakap muna ko." Sabi ko lang.
Umupo naman sya sa lap ko, nung nakita kong komportable na sya dun na ko yumakap at sinubsob ung mukha ko sa leeg nya. Comfort zone ko na ata tong leeg at balikat nya. Or mas magandang sabihin comfort zone ko na sya. Hinahanap hanap ko to pag pagod ako ng sobra.
"Ang bango mo, babe." Sabi ko habang inaamoy ung leeg nya. Ang bango nya talaga seryoso. Nakarinig lang ako sa kanya ng mahinang tawa tapos hinimas nya ung likod ko na nakadagdag ng kagaanan ng loob ko kaya mas hinigpitan ko ung yakap sa kanya at mas sumiksik sa leeg nya.
"Pagod na pagod ka? Natutulog ka pa ba?" Tanong nya kaya inangat ko sya ng tingin.
"Natutulog naman. Malapit na pala graduation mo." Sabi ko at ngumiti ng malapad. "Pwede na kitang pakasalan." Biro ko sa kanya kaya naman nakatikim ako ng hampas sa braso.
"Sira ulo! Magtatrabaho muna ko bago ako magpakasal. Tutulungan ko pa sila Papa pag aralin si Fatima." Sabi nya naman.
"Tss... Edi tutulungan kita dun. Ayun lang pala. Saan ka pala mag aapply pag graduate mo? Dito na lang sa ME para naman nakikita kita." Sabi ko dahil baka kung saan sya mag apply ih.
"Dito naman na talaga. Since dito na din ako nag OJT." Sabi nya at hinawakan ung pisngi ko tapos hinalikan ako sa noo.
Sarap talaga pagginagawa nya yan. Lalo na alam ko ung background ng nangyari sa ate nya. Kaya pag sya ang unang humahalik, yumayakap, kumukuha ng kamay ko at umuupo sa lap ko. Natutuwa ako kasi alam kong panatag na ung loob nya at hindi na sya takot.
"Okay. Tara na. Punta ako ng hospital at may kukuning reports. Hatid lang kita ulit." Malungkot na sabi ko na nahalata naman nya.
"Wag ka ng malungkot dyan. Okay lang sakin kahit ihatid mo lang ako atleast nakasama kita." Nakangiting sabi nya at yumakap. "Charge ka na muna ng energy.."
Natawa lang ako pero yumakap na din. She is my cup of coffee. Pampagising at pampasigla sa napapagod at natutulog kong kaluluwa. . Ilang minuto lang humiwalay na ko.
"Nakacharge na ko. Thank you, babe." Nakangiting sabi ko ska sya dahang dahan ibinalik sa upuan nya. Ako na din nag ayos ng seatbelt nya, tapos inayos ko din ung akin.
Habang nasa byahe kami pareho, nahahawa na ata kami kay Miggy na laging nagpapatugtog pag kasama namin.. Maganda lang boses nya– ung samin kasi ni Camille. Palyado!
"Ang taas! Di ko kinaya!" Birong sabi ni Camille kaya kahit magdadrive ako, natawa na lang.
"Sino ba kumanta nyan? Isa yan sa laging pinapatugtog ni Miggy pag nagrerelax sya. Dahil sa pagod." Tanong ko sa kanya. Tinawanan naman nya ko bigla.
"Adhika. Exclusive to sa mga taga AHC ih.. nagtataka nga ako bakit meron syang kopya." Sabi nya at ako naman ang tumawa.
"Babe. Si Miggy un, malamang meron sya nun dahil sila ang main benefactor at may ari ng school…" Sarkastikong sabi ko sa kanya at napaisip naman sya bigla tapos hinampas ako.
"Ou nga pala. . Yabang nito." Sabi nya lang tapos kumanta ulit.
Nakarating kami ng bahay nila. Bumaba lang ako saglit para mag hi kila Tito. Tapos umalis na din agad dahil bukod sa kukuha ako ng report, ihahatid ko un kay Miggy tapos maghahanap na naman ng Babaeng pwedeng pakasalan ni g*go.
Kailangan naming makahanap hindi lang para mailigtas sya sa posisyon nya kundi para din hindi sya madamay sa scandal ni Sofia. Tsk! Hindi na lang kasi makipaghiwalay si Sofia. Ayaw na pala, hindi na rin naman sya pinapatos ni Miggy. Buti na lang talaga at nahuli ni Miggy na nakikipags*x sa pinsan nya kung hindi. Yare talaga! Pati ang pinaghirapang pera ni Tito Miguel mawawala dahil kailangan pang bayaran ung kinuhang pera kay Herbert! Hay naku!
Pagdating ko ng Hospital agad akong pumunta sa Office ni Dr. Nerva at nakipag usap lang saglit tapos inantay ing ibang report na hingi ko. Pagbigay sakin agad akong bumaba.
Napalingon ako ng may narinig akong iyak at nagrarant. Anong problema ng babaeng to?! Dito talaga sya naiyak?!
"Paano na ko pagnawala si Mama? Paano na ko pag di sya naoperahan? Pero san naman ako kukuha ng pera pampaopera. Masyadong malaking halaga ang kailangan para maoperahan sya." Iyak nya at nakikinig lang ako. Wala naman syang kausap o baka meron hindi ko lang makita? Who knows nakakakita pala sya ng multo.
"Ibenta ko na lang kaya kaluluwa ko? ung parang ghostbride? waaaah! hindi pwede takot ako sa multo! Pwede ko sanang sabihin kay Danica kaso nakakahiya sa kanya. Masyadong malaking halaga un. buti sana kung 100 lang.. hindi ih! 500 thousand? masyado na un.." Sabi nya kaya naman napatingin ako, wala syang kausap na multo kasi takot daw sya... Pero hindi un?! Kailanagn nya ng pera! Tama naman diba? Kailangan nya daw ng pampaopera sa Mama nya ba?
Alangan man ako. Dahil hindi ko gaano kita ung mukha nya dahil nakayuko sya. Nilapitan ko na din. Baka eto pa ung kumuha ng deal ko... Sana naman po, Lord! Pagod na kami! Ayoko din makulong si Miggy. Kahit tarantado un kaibigan ko pa din un.
Tumayo lang ako sa harap nya at alam kong ramdam nya un kaya nag angat sya ng ulo. Pag tingin ko... Hm! Simple, maganda. Pasok na sa standard na maganda.
I just tell her something at p*ta! Napagkamalan pa kong Kidnapper! Buti na lang kailangan kong gawin to. Kung hindi iwan ko to. . Joke lang! Kailangan kong ipush.
Mukha naman unti unti ko na syang nakukuha at mapapayag! T*ngina! Pumayag ka na para naman gumaan na ung trabaho namin parepareho. . Please!
Habang pinapaliwanag ko sa kanya ung iba bigla syang tumayo ng deretso at tumakbo. May nag alarm kasi sa ER. Because of my curiosity, sinundan ko sya ng hindi nya alam at dun ko nakita na umiiyak sya, mukhang malala ung mother nya. Di na ko nakinig tama na ung nakita ko. Unting push pa mapapayag ko na sya kaya aantayin ko na lang. Sana lang pumayag. Base naman sa itsura nya, mukha syang desente at magandang babae. Mukha ding matalino kaya pakiramdam ko papasa to sa standard.
Medyo matagal ang inantay ko bago ko sya nakitang tumayo at habol hiningang lumapit sakin. At Sa wakas!!! Tapos ang pag hihirap! Hindi ko pinakitang nagdidiwang ako pero sobrang pagdidiwang ang nasa loob ko dahil tinanggap nya ung offer! Takteng yan!
Agad akong tumawag kay Dr. Nerva at sinabi ung pangalan ng mother nya. Nakakapagtaka lang dahil hindi sila pareho ng surname pero baka anak sya ng tatay nya sa pagkabinata tapos hndi naman kasal. Ganun? Pero paki ko ba?!
Sinabi ko lang na makipagkita sya sakin bukas ng gabi dito din sa lugar na pinag usapan namin. Tapos umalis na. I need to go to Monticlaro. Kailangan naming maresearch ung pangalang ng babae tapos ako na ang aayos bukas. Sh*t! Sana okay sya dahil hindi ko talaga alam at san hahanap ng babae pag hindi pa to okay.
Pagdating ko kila Miggy, wala sila Tita at Tito kaya dumeretso na ko kay Miggy.
"Migs!" Bahagya pa syang nagulat ng pumasok ako.
"Oh? Andyan na ung reports? Akin na." Sabi nya lang tapos nilahad ung kamay nya.
"G*go! May good news ako." Sabi ko at mukhang nahalata nya ung excitement ko. Kaya nag angat agad sya ng ulo. "Someone agree to our deal pero kailangan kong iresearch kung walang criminal records or something pero base sa itsura nya mukha syang desente." Sabi ko at ibinigay ung papel ng pinagsulatan ko ng pangalan nung babae. Bigla syang napatayo kaya nagulat din ako.
"Denzie Nicole Ferrer?" Takang tanong nya. "Eto ung pangalan nung babae?" Tanong nya ulit. Nagtataka naman akong tumango.
"Bakit? Kilala mo?" Tanong ko. Dahan dahan naman syang umupo ulit habang umiiling pero kagat kagat ung ibabang labi.
"Hindi. Pero wag mo na syang iresearch. Kunin mo na lahat ng credentials and legal documents nya. Kung sabi mo naman mukhang desente. Tiwala na ko sayo." Sabi nya at nakangiti. "Hay! Sa wakas!" Sabi nya at parang sobrang saya nya.
"Nakahinga ka na ng maluwag. Pero sure ka hindi ko na ireresearch ung babae? Kasi kung hindi na maaga akong pupunta ng NSO para makuha agad yan at mapapirma sya sa Marriage Contract nyo. Wala ng takas yan kasi in a minute ooperahan na ung mother nya." Sabi ko sa kanya.
"Okay na ko. Pero wait! She's okay? The girl?" Tanong nya nagtataka naman ako pero tumango ako.
"Mukha namang okay sya nung nalaman na ooperahan na ung Mama nya." Sabi ko at tumango sya.
"Okay. Pag uwi mo. Galing NSO samahan mo kong bumili ng kwintas at wedding ring." Sabi nya. Gets ko ung ring dahil kailangang mapaniwala nila ang board pero bakit may kwintas?
"Bakit kailangan ng kwintas?" Tanong ko dahil hindi ko talaga mapigilang hindi mag tanong.
"A thank you gift because she accepted the offer. Atska para malaman kong sya ung pinakasalan ko. Baka may magpakilala na iba e." Sabi nya habang nakatingin sa reports na binigay ko. "Wag mong sasabihin kahit kanina kung sino ung napakasalan ko ah. Kahit kanino, kahit kila Henry at Camille." Dagdag nya pa
Tumango na lang ako at nag usap pa kami ng matagal about sa ibang bagay at sa bagay na un. Tapos umuwi na ko.
-----------