Chapter 17

3445 Words
KEITH Kinabukasan, maaga akong umalis para makapunta sa dapat kong puntahan. Pinuntahan ko na din si Judge Hermosa na syang mag lilegal ng kasal ni Miggy. Pwede sanang gumawa ng fake. Ang iniisip lang ni Tito Miguel baka may maghalungkat kaya gusto na lang nilang gawin legal. Kaya katulad ng napag usapan, gagawing legal. Well, marami namang kapit si Tito Miguel dahil sa negosyo kaya mabilis lang nilang magagawa un. After kong puntahan si Judge Hermosa at nakuha ko na din ung legal document nung babae. Nagtext na lang ako kay Miggy na magkita kami sa mall. s**t! Hindi ko pa nakakausap ung girlfriend ko. Alam kong kahit sinasabi nyang okay lang, nagkakaroon pa din sya ng tampo o agam agam sa isip nya kaya hangga't maari gusto kong alisin un pero katulad nga ng sabi ko sa bawat halik na ginagawa nya sakin. Alam kong may tiwala sya sakin. Pagdating ko sa mall kung saan kami magkikita ni Miggy. Tinext ko na lang si Camille na sobrang busy ko kaya ngayon lang ako nakapagtext. After nun pumunta na lang ako sa Jewelry shop na pagkikitaan namin ni Miggy dahil andun na daw aya. Di naman sya gaanong excited nuh? "Tol." Agaw ko ng atensyon nya dun sa tinitignan nya. Nakatingin sya sa isang kwintas. Silver necklace with heart and infinity pendant. Ang ganda! Nasa loob ng heart ung infinity sign. Nakakatawa lang kasi habang tinitignan ni Miggy un nakangiti sya. Baka ibigay nya yan dun sa kinababaliwan nyang babae. Tsk! Sino kaya un at hindi sya makalapit lapit dun. "It's beautiful. I'll get it." Sabi nya tapos humarap na sakin. "Are you done? Tumingin ka na ng wedding ring nyo ni Camille. Diba after graduation, yayaain mo na syang magpakasal? Sana sinabay mo na ung documents nyo." Sabi nya sakin at napakachismoso din talaga nito minsan. Yep! May balak talaga akong pakasalan na agad agad si Camille after ng graduation nya. Siguro mga 1 month after nun. I want her to be officially mine and i want her to stay with me. Kahit tago lang muna sa parents nya. Hindi pala kasi I talk to Tito about that and he seems okay with it basta magtapos lang muna si Camille. Katulad ng sabi ni Miggy, tumingin ako ng wedding ring ganun din naman sya. Kaya sabay kaming nakakita ng gusto namin. Ewan ko nga bakit nag abala to bigla. Bahala sya pagkagastusan ung magiging asawa nyang hindi nya kilala. "Can i see this one?" Turo nya dun sa gold wedding ring. It has a small diamond, parehong meron ung panglalaki at pangbabae. Simple pero alam mong mamahalin. "Thank you." Sabi nya nung inabot sa kanya. Tinuloy ko na lang din ung pagtingin ng para samin ni Camille. Tinuro ko naman ung nakita ko na alam kong babagay sa kamay ng mahal ko. Silver/gold wedding ring hati ung kulay. Simple lang pero maganda at alam kong babagay un. Kaya naman tinanong ko kung magkano tapos binili ko. Buti na lang minsan ko ng natanong kay Camille kung anong size ng daliri nya kaya madali na lang. After kong bayaran, binalikan ko si Miggy. "Not done yet? Tagal mo pumili!" Biro ko sa kanya pero tinawanan lang ako. Medyo matagal ung pagpili nya pero sa huli ung unang tinignan nya ung kinuha nya pati ung necklace. Binayaran nya un tapos nagyaya na kumain. Hindi pa din naman ako naglalunch kaya pumayag na ko, pero inilagay muna namin sa kotse ung mga binili namin, kinuha nya lang ung singsing na para dun sa babae tapos inilagay dun sa box ng kwintas ska inabot sakin at bahala na daw ako mag bigay dun sa babae. Nakakapagtaka lang na ung necklace na tinignan nya kanina, un pala ung ibibigay nya. Akala ko pa naman para un dun sa babaeng lagi nyang pinapantasya. Habang naglalakad kami papunta sa kakainan namin. May nakita akong dalawang babaeng dapat naming takbuhan at mukhang nakita din ni Miggy. "T*ngina! Tago." Sabi nya kaya naman pumasok kami sa isang. ! Baby clothes store! Hayop! Dito talaga kami napadpad! Buti na lang at nakapolo lang ako ngayon, sya naman naka button down polo din. Kaya casual lang! At talagang hindi kami makakatakas dahil kahit hiwalay na si Miggy at Sofia minsan pa ding tumatawag at pinupuntahan sya sa condo. Nung minsang tumawag un sa kanya, nakikipagbalikan. Well! Sorry na lang sya dahil binigyan nya ng malaking dahilan si Miggy. "Buti nakita mo din si Sofia at Amethyst! Lagot talaga. Wala tayong kawala." Sabi ko habang nag iikot sasagot sana sya pero biglang may nagsalita sa likod namin na kinabahan naman ako. "Sino si Amethyst?" Tanong ni Camille kaya napalingon kami pareho at ngayon ko lang nakita ung mukha nyang malamig at walang emosyon. "Babe." Tawag ko sa kanya pero tinaasan nya lang ako ng kilay. s**t! Paano mo ipapaliwanag to. "Kaibigan ni Sofia. Tinataguan namin, we're starving." Sagot ni Miggy. Tapos tumingin sa labas kung andun pa sila Sofia. Si Camille naman, nakatingin pa din sakin. Pero teka?! Anong ginagawa nya dito? "Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko. Pero tumalikod lang sya at lumabas. Patay! Hinabol ko naman sya pero mali pala dahil saktong dumaan sila Sofia at nakita ako ni Ame. T*ngina talaga! I once used her for my own. Minsan ng may nangyari samin. Sh*t! Hindi ko naman itatanggi na hindi na ko virgin at may experience na din. Pero nahinto na un matagal na. Simula nung nakita ko si Camille, nawalan na ko ng interest. Maloko ako dati. Pero iba na ngayon, nagseseryoso na ko! At kaya kong patunayan un. Ayan na nga oh! Bumili ako ng sing sing para sa kasal na gusto ko! "JK! Omyghad! Ikaw nga! I miss you." Sabi nya sakin at nakita kong lumingon si Camille sa gawi namin kaya nakita nyang hinalikan ako sa pisngi ni Ame. At nasasaktan sya! Ung mga mata nya! "Amethyst... Leave me alone please. May kailangan akong habulin." Sabi ko at lalagpasan sana sya kaso bigla nyang kinawit ung braso nya sa braso ko. Nakatingin pa din si Camille samin. "Ame, please!" Inis na sabi ko dahil nakita kong may tumulo ng luha sa mata ni Camille at nagmadaling naglakad paalis. Shit! No... Camille's POV Kahit nanlalabo ung mata ko pilit kong nilisan ung lugar kung saan andun si Keith pati ung babaeng linta na kung makalingkis sa braso nya akala mo sawa! Takte ang sakit! Dun pa lang sa nagtago sila bigla, masakit na kasi sabi nya busy sya tapos nasa mall sya. Sino si Amethyst?! Bakit nya hinalikan si Keith sa pisngi. Bakit? Ex nya ba un? Siguro dahil kaibigan ni Sofia e. Tss! Mas maganda naman ako dun. Para mawala ung sakit na nararamdaman ko. Umuwi na lang ako ska ko na bibilhin ung dapat na bibilhin ko. Bibili lang naman ako ng dress na susuoting ko sa graduation. Pag uwi ko ng bahay pumasok ako ng kwarto at pinatay ung phone ko. Hindi na ko nag-aksaya ng oras na tignan kung tumawag ba si Keith o hindi basta ko na lang pinatay tas nagtalukbong ng kumot. Mag isa lang ako sa kwarto dahil si Ate nasa school pa na pinagtuturuan nya. Mag graduation na din kasi kaya abala sya. Ang sakit talaga! Inintindi ko ung sinabi nyang busy sya at madaming ginagawa. Bakit pakiramdam ko, hindi talaga sya busy at kaya lagi sya hindi tumatawag o nagtatetext ay dahil dun sa babae. May ginagawa kaya sila?! Pero ayokong isipin na ginagawa nila un. Ang sakit!!! Iyak lang ako ng iyak at naalala ko ung pag halik nung babae kay Keith. Kakaiyak ko, di ko na namalayan at nakatulog na ko. --------- Isang linggo ang lumipas. Walang Keith na nagpunta sa bahay para mag explain at manghingi ng sorry. Hindi ko din pinubuksan ung phone ko. Hinayaan ko lang. Miss ko na sya pero ayokong maging martyr! Sya ang lumapit sakin dahil sya ang may kasalanan. Pero dapat ba pinakinggan ko sya? Pero kasi! Hindi nga sya makaalis dun sa hawak nung babaeng un! Tsk! Naiinis ako pag naalala ko kung paano nya halikan si Keith sa pisngi na hindi naman tinutulan nung isa. Kainis! "Hoy! Kawawa naman yang unan sayo... Bumaba ka at may naghahanap sayo. Ayusin mo nga sarili mo. Mukha lang pinag bagsakan ng langit at lupa. ." Sabi ni Ate ng pumasok sya sa kwarto. Okay na si Ate. Nagtatrabaho na at okay na rin sa bahay. Wala ng magagawa dahil nagawa na nila. Ayusin na lang daw nya ang buhay nya para hindi balikan ng karma sabi ni Mama. Okay na din kami. Hindi naman ganun ka okay pero kahit paano bumabalik kami sa dati. "May naghahanap? Sino?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang sarili tapos nagpunas ng luha. "Ewan. Bumaba ka na lang dun. Tatlong lalaki ih." Sabi nya tapos umupo sa harap ng table nya mukhang may ipafinal na report. Pagkatapos kong ayusing ung sarili ko. Bumaba na ko at halos lumuwa naman ung mata ko ng makita ko si Sir Henry, Harold pati si Miggy! Hala! Anong ginagawa nila dito! Kausap nila si Papa. "Matalino po yan si Cami. Pagdating po sa recit sawak ung mga sagot." Rinig kong sabi ni Sir Henry. "Naku! Maganda naman kung ganun at hindi napapabayaan ang pag aaral kahit magpapart time." Sabi ni Papa. Ung mga kapatid ko, nakatingin sa kanila. Napansin ako ni Chester kaya kinalabit si Papa at tinuro ako. Ngayon na sakin na ung atensyon nila. "Hi Cami." Bati ni Sir Henry. "Hi Camille." Parehong bati ni Miggy at Harold. Buti pa sila andito ung kaibigan nilang babaero wala! Bwisit! "Kaibigan pala ni Keith ung prof mong isa, anak." Sabi ni Papa ng makalapit ako. Ngumiti lang naman ako ng hilaw kay Papa. "Opo. Small world po." Sabi ko sabay baling kila Sir Henry. "Bakit kayo anditong tatlo?" Tanong ko pero nagulat naman ako ng makaramdam ako ng kurot galing kay Papa kaya tinignan ko sya ng nagtatanong. "Gumalang ka naman." Sabi nya at pinanlakihan ako ng mata. Ang sakit nung kurot! . Natawa lang sila Harold sa ginawa ni Papa. "Okay lang po. Sanay na po kami." Sabi naman ni Harold at ngumiti. "Hala! You smil- aray Pa! Sorry na." Sabi ko dahil kinurot na naman ako. Ang sakit talaga. Maliit kasi! "Bakit PO kayo andito?" Sabi ko at pinagdiinan ung po. Para dama ni Papa… Pagksabi ko nga nun tumingin pa ko kay Papa at ngumiti ng matamis. "Yayain ka namin magcoffee." Sabi ni Miggy. Ang hilig sa coffee ng mga to pero mahilig din sa alak. . Ewan ko nga ih! Hindi sila nagsasawa sa pagmumukha ng isa't isa. May times na gabi gabi mag kakasama sila. Bakit alam ko? Kasi pag hinahatid ako ni Keith. May tatawag na lang bigla tas mag yayaya. "Ah..." Sabi ko at tumingin kay Papa na mukhang alam na ganun nga ang ipinunta nila. "Ahm. Wait lang po. Bihis lang ako." Sabi ko at umakyat sa taas para magpalit. Nagsuot lang ako ng jeans at nagpalit ng tshirt tapos nagflat shoes tapos sa unang pagkakataon kinuha ko ung phone ko at inilagay sa maliit kong bag. Tapos bumaba na. Nang makita naman ako nung tatlo tumayo na sila sabay paalam kay Papa. Ganun din ang ginawa ko. Paglabas namin, isang kotse lang ung andun at alam ko kung kanino to! Parang gusto kong bumalik sa loob ng bahay at magkulong ng kwarto! "Oh. Walang atrasan. Sakay." Sabi ni Sir Henry at tinutulak tulak pa ko. "Bakit hindi sya pumasok ng bahay? Parang tanga." Bulong ko na narinig naman ni Harold kaya napatawa sya ng unti. "Hindi ka daw kasi sasama pag pumasok sya. Kaya sinama nya kami." Sabi naman ni Miggy. Nakatingin lang ako sa kotse at alam kong nakatingin din si Keith. "Opo. Eto na..." Sabi ko at naglakad na. Sa likod sana ako uupo pero si Harold pinagbuksan ako ng frontseat. "Girlfriend ka dapat sa unahan ka. Kaming sabit dito sa likod." Sabi nya kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok sa harap. Langhap ko agad ung pabango nya. Ang bango... Namiss ko to! Kainis! Nakaupo na ko at nag ayos ng seatbelt pero hindi ko sya nililingon. Inaantay ko lang ung pagpasok nung mga kasama namin ng bigla syang umandar. "Hoy! Ung mga kaibigan mo." Sabi ko at tinignan pa ung likod namin. "May mga kotse silang dala kaya okay lang yan. Uuwi na din sila." Sabi nya at ou nga! May mga kotse sila! Tsk! Naisahan ako dun ah! Tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita pa. Nadaya ako ng mga magkakaibigan na to. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Keith pero mukhang alam ko na din. Dahil pamilyar na din sakin ung daan at hindi nga ako nagkamali ng ihinto nya ung kotse. "Babe. Camille." Tawag nya sakin hindi pa din kami bumababa sa kotse nya dahil nakachild lock un. "Camille. Hey... Pansinin mo naman ako..." Sabi nya at kinuha ung kamay ko. Tinignan ko lang naman sya ng walang emosyon pero ang totoo, namiss ko sya. Walang araw na hindi ko sya iniisip, nananalangin na sana, sana pumunta sya at magpaliwanag, pero isang linggo ang lumipas... Wala syang paramdam. "Sino si Amethyst?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong pumikit sya at hinawakan ng mahigpit ung kamay ko. "I'll tell you but don't judge me because that was my past... Please..." Sabi nya kaya tumango ako at hinayaan syang magsalita. Nakita kong bumuntong hinga sya bago magsalita. "Amethyst is not my ex but just a fling. Dahil kaibigan sya ni Sofia na ex ni Miggy, nakilala ko sya and we have each other when we need someone to warm... Hindi ko itatanggi o itatago sayo na may experience na ko pagdating sa ahm... S*x. At isa si Ame sa nagalaw ko." Sabi nya at yumuko. Hindi ako nagsalita at pilit ipinapasok sa isip ko ung sinabi nya. Isa ung Amethyst, ibig sabihin meron pang iba bukod kay Amethyst. Umiwas ako ng tingin ng bigla syang mag angat ng ulo. "Pero babe. Natigil na un matagal na. Simula nung nakita kita, natigil na yun. Wala na kong babaeng nakafling tanging ikaw lang ung gusto ko. Totoo un." Sabi nya kaya naman tinignan ko sya at mukha naman sincere sya. "Sinabi ko sayo minsan na tarantado ako, pero seryoso ako sayo. Ngayon lang ako nagseryoso ng todo, sayo lang, Camille. Kaya din tinutulungan ako nila Harold dahil ngayon lang nila ako nakitang nagseryoso. I'm really sorry. Kung nakulangan ako ng oras para sayo, i was busy. May dahilan kung bakit kami parehong nasa mall ni Miggy. Hindi namin kasama sila Sofia dahil Miggy and Sofia are no longer a couple. Kaya din namin sila tinataguan. Please ... Babe... Maniwala ka sakin. Wala akong ibang babae o mahal kundi ikaw lang." Sabi nya at ngayon ko lang sya nakitang umiyak. "I'm sorry... Babawi ako. Tapos na ung problema namin ni Miggy sa kompanya nya. Ikaw naman ang aasikasuhin ko. Hindi kita pinuntahan sa bahay dahil ayokong magpaliwanag habang inaayos pa namin un pero tapos na. Kaya eto ako at nagpapaliwanag na sayo. I'm sorry... I love you so much... And i miss you..." Sabi nya pa at hinalikan ung kamay ko ng paulit ulit. "Wala talaga kayong relasyon nung Amethyst?" Tanong ko sa kanya kaya napaayos sya ng upo. At tumingin sakin ng deretso "Wala talaga, Camille. Pangako!" Sabi nya sabay punas sa luha nya. May tiwala naman ako sa kanya. Nasaktan lang talaga ako dahil ngayon lang may ibang humawak at humalik sa kanya. "I trust you, Keith. Nasaktan lang ako dahil dun sa ginawa nya tapos hindi mo pa ko pinuntahan nun. Akala ko pupunta ka ng bahay at susundan ako pero hindi. Kaya nagtampo at nainis ako sayo." Sabi ko at yumuko. "I tried to call your phone pero feeling ko pinatay mo ung phone mo. I'm sorry kung hindi kita pinuntahan nun. May appointment ako sa hospital kaya hindi kita napuntahan. I'm sorry. Babawi talaga ako ngayon." Sabi nya at humalik ulit sa kamay ko. "Miss na miss kita. Kung alam mo lang kung paano ko murahin si Miggy dahil sa nangyari satin. Baka awayin mo ko bigla." Sabi nya at mahinang tumawa. "Sya may kasalanan nito ih. Sya nakipagkita sa mall." Habol nya pa. "Ano bang ginawa nyo sa mall?" Tanong ko dahil curious na ko. Hindi naman na ko galit. Mabilis naman maglaho ang galit ko. Katulad na lang kay Ate. Sandaling tumahimik si Keith parang pinag iisipan kung anong isasagot nya. Kaya napataas ang kilay ko. Mahirap bang sagutin un? Napansin nya ata kaya tumingin sya sakin ng deretso. "Hindi mahirap sagutin ung tanong mo pero hindi ko pwedeng sabihin. Nangako ako kay Miggy na walang makakaalam kaya... I'm sorry, babe. I will keep it confidential not because he is my friend but because he is my boss. I'm really sorry." Sabi nya at mukha naman totoo kaya huminga na lang ako ng malalim. At hinawakan ung pisngi nya. "Sige. Hindi na kita pipilitin. But please... Don't cheat on me." Sabi ko. "Thank you sa pagintindi, babe. And i will never cheat on you." Sabi nya naman at hinawakan ung kamay kong nakahawak sa pisngi nya sabay pikit. "I miss you." "I miss you too." Sabi ko at tinanggal ung seatbelt ko at ako mismo ang umupo sa lap nya kaya nayakap nya ko sa bewang. Explanation lang naman nya ang inaantay ko. At ngayon ngawa na nya. Okay na ko. "I'm sorry. Pagpwede na, ako mismo ang magsasabi sayo kung bakit kami nasa mall ni Miggy." Malumanay na sabi nya. Ngumiti na lang ako at humalik sa labi nya. Namiss ko talaga sya. "Okay na un." Nakangiting sabi ko kaya ngumiti na lang din sya tapos humalik sa labi ko. Matagal na magkalapat ung mga labi namin bago ko naramdaman na gumalaw ung labi nya. At eto ang unang beses na ginawa nya to. Kaya hindi ko alam ung gagawin ko. "Just kiss me back." Sabi nya habang humahalik sakin. Kaya naman kahit hindi ko alam ung gagawin ko ginaya ko sya. At wow! Nakakasunod ako. Bilib ako sa sarili ko na nakakasabay sa kanya. Napaigtad ako ng bigla nyang himasin ung likod ko at ipababa taas un. May kiliti akong naramdaman... Matagal magkahugpo ung mga labi namin ng biglang may kumatok... Kaya pareho kaming napabitaw sa isa't isa. "T*ngina! Panira talaga tong mga to. Sabi ko umuwi na ih! Sumunod pa talaga! Pagtalaga sila ang may gantong moment. Di ako titigil hanggat hindi nasisira un." Inis na sabi ni Keith kaya natawa ako. Napangiti naman sya dahil sa tawa ko. "I love you." "I love you too. Pero mukhang kailangan na nating lumabas dahil hindi sila titigil paghindi pa tayo lumabas." Sabi ko sabay turo dun sa mga kaibigan nya. Kumpleto sila this time. Galing! "Ikaw lang mag isang babae. Mga single kasi ih. . Ako pa lang kasi ang nagseseryoso.. ay mali! Tatlo kami kaya lang complicated ung dun sa dalawa. " sabi nya habang dahan dahang inaayos ang upo ko sa kotse nya. "Tara na, babe." Yaya nya sakin kaya naman bumaba na kami pareho. "Mukhang okay na kayo nuh? Congrats pala, Camille. cumlaude! ." Bati ni Sir Henry. "Salamat." Sabi ko lang habang naramdaman ko ung mga braso ni Keith sa bewang ko. "Tara dun." Yaya ni Theo samin ng makitang kumpleto na kami. May bitbit silang mga inumin. Tsss! Sabi coffee! "Sabi nyo coffee?" Natatawang sabi ko. Natawa naman si Sir Henry at Miggy. "Baka hindi ka payagan ng Papa kung sasabihin kong sa inuman ka namin yayayain. Kaya coffee ung sinabi ko." Sabi naman ni Miggy. May point. . I tried once pero ung mild lang kaming dalawa ni Ate pag special occasion. Like, Christmas and New Year. Lumakad na lang kami papunta dun sa pwesto namin dati. Ah! nasa overview city light ulit kami, kasama ung apat. Sana next time madagdagan ng girls. Mahirap din kasama tong mga to. Naglatag lang sila ng blanket tapos naupo kami, katabi ko si Keith sa kanan ko tapos wala akong katabi sa kaliwa ko. Nasa likod ko ung isa nyang kamay at nakapatong ung ulo nya sa balikat ko. Nagkwentuhan lang sila about sa buhay nila, habang ako nakikinig lang. Nalaman jo na after pala ng graduation, hindi na ulit magtuturo si Sir. Hanggang nabaling na kay Miggy ung tanong. "Kumusta ang problema mo, Miggy?" Tanong ni Theo. "Problem solved." Sabi nya tapos tumingin kay Keith at nakipagcheers na tinanggap naman ni Keith. At sabay silang uminum dalawa. Kung ano man un atleast matapos na ung problema nila. Pati pala namin ni Keith. -------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD