Chapter 18

2695 Words
CAMILLE 2 weeks ng makalipas ng matapos ang graduation. Kaya eto na ako at may interview sa ME. Hindi nga alam ni Keith na may interview ako ngayon sa ME. "Ma! Pa! Alis na po ako." Sigaw ko at lumabas na ng bahay. Bumiyahe ako papuntang ME at pagdating ko dun nagbigay lang ako ng CV ko sa receptionist ng nasabing lugar tapos pumasok na sa loob. "Hi! Ako si Kim. Anong pangalan mo?" Tanong sa akin ng katabi ko ng nakaupo ako, agad ko syang tinignan at nanlalaki naman ung mata ko ng makita ko sya at ung mga kasama nya. "Hi Kim, Camille pala." Sabi ko at nakipagshake hand sa kanya. "Hi Camille! Krystal. Tala na lang." Sabi naman nung isang katabi nya at nakipagshake hands. "Camille." Pakilala ko. "Hi Cams. Ay may panickname! Nicole." Pakilala naman sakin nung katabi ni Tala. Well kilala ko naman na sya. Natawa naman sila dahil sa tinawag nya sakin. "Beshie kayo?! Panickname agad te!" Biro ni Kim sa kanya. "FC si Nicole." Biro din ni Tala kaya nagtawanan kami. Ang cute talaga nila! "Bwisit kayo! Para kunwari close na kami, okay lang naman diba?" Sabi nya tapos ngumiti sakin. Ang ganda nya! "Okay lang. Hi Nicole." Sabi ko naman. Nagkwentuhan lang kami dun after ng pakilala habang hindi pa nag uumpisa ung interview. Nalaman din nila na galing akong AHC. Nasabi pa ni Nicole na kaya daw pala pamilyar ako. . Magaan sila kausap at kwentuhan. Sabi ko na masaya sila kasama e "Kinakabahan ako. Sabi nila si Mr. Monticlaro daw ang magiinterview pati ung assistant nya. Katakot! " sabi naman ni Kim. Dapat ba kong kabahan dahil sila ung mag iinterview o dapat akong kabahan dahil hindi nila alam na andito ako. "Hindi naman siguro sila masungit o magtatanong ng hindi related sa papasukan natin. Relax lang." Sabi naman ni Nicole na nakangiti at ginagalaw galaw ung kwintas nya. "Tss! Oo nga. Madali lang kasi sayo. Ano ba meron dyan sa kwintas mo at pagkinakabahan ka ginagalaw mo?" Tanong naman ni Tala. "Wala lang nakakagaan ng pakiramdam e. Nakakarelax." Sabi nya at ngumiti. "Sus! Bigay yan ng jowa mo ‘no? Patingin nga!" Sabi naman ni Kim. "Baka may jowa?! Epal kayong dalawa." Sabi nya tapos itinago ung kwintas nya. "Wag kang gagaya sa mga to ah. BI yang dalawang yan. . Aray Kimberly masakit!" Sabi nya kasi biglang hinila ni Kim ung buhok nya sa dulo. Natawa na lang kami dahil nagsagutan silang dalawa. Patingin ko sa paligid. Parang kami lang ang natawa at parang lahat kabado. Mababait naman ung mag iinterview samin. Di naman nagtagal unti unti ng tinatawag ung mga kasama namin. Dalawa kada interview ang tinatawag kaya panigurado maghihiwahiwalay kami. "Lovely Kimberly Santos and Krystal Jane de Guzman. Pwede na po kayong pumasok." Sabi nung nagtatawag kaya tumayo ung dalawa. "Sh*t! Hindi ko kasabay si Nicole! Hindi ako makakakopya." Sabi ni Kim kaya tinawanan sya nung mga kasama namin pati kami ni Nicole natawa. "Hayop talaga to si Kimberly! Pag ikaw hindi nakapasa bahala ka sa buhay mo." Sabi lang ni Nicole habang tumatawa at umiiling. Pumasok na nga ung dalawa tapos kami ni Nicole nagkwentuhan lang. "Blockmates mo ung isang lalaki na akala mo gwapo, kwago naman! Pasalamat sya at may reputasyon kaming dapat mapanatili kung hindi... . Joke lang." Biro nya ng maalala nya si Migo. "Oo nga e. Ang arte kasi nun... Sasama din naman pala." Sabi ko at sabay kaming natawa Di naman nagtagal lumabas ung dalawa pinapasok kanina na nakangiti. "Anong nangyari?" Tanong ni Nicole. Tumawa naman si Kim at umiiling iling si Tala. "Girls! Bukod sa nakapasa kami. Ang gwapo ng nag iinterview, te! Nakangiti sila samin! Gusto kong tumili kaso nakakahiya! Kinamayan pa kami! Gusto ko na dito ang gwapo ng boss natin!" Sabi ni Kim kaya hindi namin maiwasan na tawanan sya. Ang cute kasi nya. "Kimberly! Pag gwapo spotted agad! Pero akala ko ba kay ano ka lang kakalampag?" Sabi naman ni Nicole na naiiling. Bago pa makasagot si Kim ulit tinawag ung pangalan naming dalawa ni Nicole. "Camille Faith delos Santos and Denzie Nicole Ferrer. Pasok na po kayo." Sabi samin kaya nagtinginan kami ni Nicole at sabay na natawa. "Kabado bente ako, Cams. Parang gusto kong umurong sa sinabi ni Kim." Sabi nya sakin habang naglalakad kami. Napaka formal nya pero natawa ako sa sinabi nyang kabado bente. Bago kami makapasok sumigaw pa samin sila Kim ng goodluck. Goodluck talaga sakin. Di ko sinasadyang mahawakan ung kamay ni Nicole ng buksan nya ung pinto kaya nahinto sya at tumingin sakin sabay ngiti na naging ngiwi. "Tara na? Nakatingin na sila sakin." Sabi nya kaya natawa ako sa itsura nya. "Sorry." Sabi ko at lumakad na papasok na hawak ung kamay nya. Hindi naman din nya binitawan ung kamay ko kaya magkahawak kami ng kamay na naglakad sa upuan. Mukha kaming magjowang ayaw maghiwalay Magaan lang talaga sya kasama. Nagbitaw lang kami ng pareho na kaming nakaupo at bahagya pang natawa. Pero ang galing nyang magcompose ng sarili! Bumuga lang sya ng hangin tapos seryoso na sya. KEITH Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa nakikita ko pero nakakahiya naman kung ganun ang gagawin ko. Nakakatuwa silang pagmasdan dalawa! Simple din akong tinignan ni Miggy na nagpipigil ng ngiti. Nakakatawa kasi talaga lalo na ung pagpasok nilang dalawa. . Sinong mag aakala na ung babaeng tumanggap ng offer ko ay andito sa harap namin at hawak kamay sila kanina ng girlfriend ko– na hindi ko alam na may interview dito. Kanina ko lang nalaman nung tinignan namin ung mga Curriculum Vitae nila. Nakaupo sila sa harap namin. Mukha silang professional talaga. I mean kung hindi ko lubusang kilala si Camille. Hahanga talaga ako sa kanya sa pag compose ng sarili nya lalo naman dito kay Ms. Ferrer ay mali! Mrs. Monticlaro pala dapat pero hindi pa ko sure e. . Pero pati kasi boses nya pareho. Ung parang nakanta, sya nga ata un pero kailangan ko makita ung kwintas nya kung suot nya. Napaayos ako ng upo ng tumikim si Miggy at mukhang nacompose na nya ung sarili nya dahil sumeryoso na sya. Sus! Mukha mo! Kung alam ko lang. Umaasa ka din na yan ang asawa mo! . Maganda naman kasi yung babae, as in! Walang tapon, nakita ko na sya somewhere ih. Hindi ko lang matandaan kung saan. Tsk! Bakit ba hindi ko sya tinignan nung pumipirma sya ng kontrata, iniisip ko kasi nun si Camille dahil galit sakin. "Welcome to Monticlaro Enterprise. I'm Miggy Monticlaro, CEO and President of the Company and this is my assistant Jan Keith Ramos. I personally want to do the interview to know more about my potential employees." Paumpisa ni Miggy at ngumiti. Tinignan ko ung dalawang babae sa harap namin at nakangiti din sila pareho. Tsk! Takte! Ang ganda ng mahal ko! Hindi nagpapatalo sa kasabay nya! "So maybe introduce yourself first para naman mas makilala namin kayo." Sabi nya at tumingin sa CV kahit kilala naman na nya. . "You go first Ms. delos Santos. Tell us more about yourself." Nakangiting bati nya kay Camille. Huminga muna sya ng malalim tapos tumingin kay Ferrer, ngumiti lang naman sa kanya ung girl kaya ngumiti din sya. Magkaibigan ba sila? Bakit parang close sila? "I'm Camille Faith delos Santos, you can call me Cami or Cams." Nakangiting pakilala nya. Oh... May bago syang pangalan ah. I like it! And I love her. Nagpakilala lang sya at nagsabi ng mga bagay na kunwari hindi namin alam. "Thank you, Camille." Sabi ko at tumingin dun sa babae na nagulat ako dahil para syang may iniisip na kung ano... Nabobosesan nya ba ko? Tumikim muna ko bago nagsalita. "Ms. Ferrer, tell us more about yourself." Sabi ko at nagpakurap kurap muna sya tapos ngumiti. Walang halong biro. Maganda talaga sya, kung sya man ang asawa ni Miggy. Boto ako sa kanya. "I'm Denzie Nicole Ferrer, you can call me Nicole," Nakangiting pakilala nya at nagtuloy tuloy lang sya. Magaling syang magsalita, hindi utal utal, makikita mong matalino talaga sya. We ask them some questions na kadalasang tinatakong ng nag iinterview. After nun, some not so personal questions like their likes and dislikes, strength and their weakness at iba pa. Nakakapagtaka lang na sa CV ni Nicole. Walang nakalagay na magna cumlaude sya, kay Camille, meron. "At somehow, kanina ko pa napapansin at pagpasok nyo pa lang you hold each others hand. Magkaibigan kayo?" Tanong ni Miggy at sa wakas tinanung nya din ung kanina ko pang gustong itanong. "No Sir, we're just acquaintance back in our college days. Then we saw each other sa labas po." Nakangiting sabi ni Nicole tapos tumingin kay Camille na kagat kagat ung ibabang labi nya. Tumango tango naman si Miggy sa sagot nya. "Okay. I see but you two look so close. Anyway! Welcome again sa ME, congratulations to the both of you. I'm looking forward to work with you, Camille and Nicole." Nakangiting sabi ni Miggy kaya napangiti din ako. Meaning nakapasa sila! "Congratulations." Sabi ko at kitang kita ko ung saya sa mata ni Camille. "Thank you po." Sabi nilang dalawa at tumayo. "Stay for a while sa labas. HR staff will tell the details for the requirements and other concerns. For now thank you again." Sabi ko at ginaya si Miggy na tumayo para kamayan ung dalawa. Naglakad sila papalapit samin at saktong nahulog ung panyo at ballpen ni Camille. Kaya yumuko si Nicole para kunin ung ballpen na nasa tapat nya halos at dun lumabas ung kanina ko pang hinahanap na proof! Kitang kita ko ung binili namin ni Miggy na kwintas at andun din ung singsing. Matalino! Ginawa nya ding pendant ung singsing. Buti nga at nakita nya sa sobre na binigay ko. Dun ko kasi nilagay para hindi halata. Napatingin ako kay Miggy at nakatingin din sya kay Nicole at dun sa kwintas na hindi pa naayos ni Nicole. Nakalabas pa kasi at hindi nya pa nababalik sa loob ng blouse nya. Mukhang hindi naman nya napansin dahil kahit naabot na nya kay Camille ung ballpen, hindi nya pa binabalik. "No offense but are you single, Ms. Ferrer?" Deretsong tanong ni Miggy sa kanya ng tumapat sya dun at kamayan ni Nicole. Natigilan saglit si Nicole at hindi pa din napuputol ung kamay nilang magkahawak. Nakatingin din si Miggy dun sa kwintas at singsing. Alam na nya. "Bagay sila." Bulong ng magandang nilalang sa harap ko. Napangiti na lang ako sa kanya. "Yeah. Congrats." Sabi ko. "Bagay din tayo, Ms. delos Santos." Biro ko tapos kumindat. Tinawanan lang naman nya ko at sabay kaming tumingin dun sa dalawa. "Ahm. I don't know po. It's complicated. Sorry Sir." Nakangiting sabi ni Nicole na more on ngiwi. "Okay. Thank you again. You may go." Sabi nya kaya tumalikod na ung dalawa. Nakangiti pa silang dalawa na naglakad palabas. Narinig ko pang pinuri ni Camille ung kwintas ni Nicole kaya napansin nyang nakalabas kaya pasimple nyang tinago. Paglabas na paglabas ng pinto nung dalawa, humarap sakin si Miggy. "Tell me you saw the necklace and the ring." Sabi nya na parang humihingi ng kakampi. "Yeah. I saw it! T*ngina pre! Ang ganda ng asawa mo!" Bulong ko sa kanya. "Ngayon ko lang makita ng maliwanag ung babaeng yun." "Yeah. I want to tell her but i also want to know if she will find me." Sabi nya at ngumisi. "Antayin ko na lang na hanapin nya ko." Dagdag nya pa. Umiling na lang ako sa kanya at sakto dumating ung HR at sinabing last 2 pairs na lang ang asa labas. Nagtuloy tuloy ang interview namin hanggang sa matapos. At dumaan kami sa mga nakapasa, nakita ko ung apat na babae na nagkukwentuhan at parang close na close na sila dahil nagtatawanan sila. Ngayon ko lang nakitang ganyan si Camille. Sa totoo lang sila lang ung malakas ang loob na magtawanan. . Sila lang ung nakikita namin nagtatawanan eh. "I thought kakakilala lang nila bakit parang close na sila." Sabi ni Miggy at tumango naman ako. "Ngayon ko lang sya nakita na makipagbiruan at tawanan sa ibang babae." Sabi ko at nagderederetso na. Umakyat kami sa office ni Miggy. Pag dating dun pumunta na ko sa table ko at sya naman pumasok na sa opisina nya. I get my phone and immediately message Camille. I want to eat lunch with her. To: Babe Done with your orientation? Sabay tayo maglunch. After i compose my message, I hit the send. Hindi agad sya magreply, maybe busy pa sa orientation un. Ginawa ko na lang ung mga dapat ko pang gawin para makabawas ng ibang gawain. My phone chimed 2 times at parehong galing kay Camille. Napasalubong naman agad ung kilay ko ng mabasa ko ung text pero okay na un kesa sa iba at least alam ko naman na matitino ung kasama nya. From: Babe Done na sa orientation, Babe. From: Babe Ahm... . Kasama ko sila Nicole, we're going to celebrate dahil sa nakapasok kami sa trabaho. Dinner na lang tayo sabay. Punta ko ng condo mo. I love you. Minsan lang yan kaya hahayaan ko na. Pupunta naman daw sya sa condo mamaya. Kaya makakasama ko sya. And yep! Nakacondo na ko. Kasama sa benefit ko sa ME ang condo na un kaya tinirhan ko na. Sinisipa na din ako ni Mama paalis ng bahay. Kaya dun na ko tumira. To: Babe Okay. Ingat kayo. I love you too... Di naman na sya nagreply kaya hinayaan ko lang. Naglakad na lang ako papasok ng office ni Miggy at nagpapatugtog na naman sya ng hindi nya pinagsasawaan na kanta. Kanta to ng banda... Banda! Sabi ko na! Nakita ko na si Nicole! "Ay P*ta! Sabi ko na e!" Sigaw ko ng makapasok ako sa office nya. Bahagya naman kumunot ung noo nya. "Pinagsasabi mo Jan Keith?!" Sabi nya at parang naistorbo ang pagmumuni nya.. Sorry naman. Naexcite ako e! "Sabi ko na nakita ko na ang asawa mo! Si Nicole! Sya ung babae dun sa bandang kumanta nyan. Sya ung nasa festival." Sabi ko at parang naamaze. Tinaasan lang naman ako ng kilay ni Miggy na parang sinasabing 'alam ko. Ano ngayon?' Hayop! "Sya nga." Un lang ung sabi nya sabay pumikit ulit at sumandal dun sa swivel chair nya. "Sabay kayo mag lalunch ni Camille?" Tanong nya "Hindi. Mukhang nakapalagayan nya ng loob ung asawa mo at dun sumabay." Sabi ko at umupo sa visiting chair nya. Nakarinig ako ng mahinang tawa galing sa kanya. "Patay ka! Etchapwera ka na!" Pang aasar nya sakin. Bwisit to! Balikan ko nga! "Ikaw din naman! Ay! Hindi ka pala kilala. Pero pre! Pwera biro! Ang ganda ng asawa mo. Totohanin mo na lang kaya ang sa inyo. Wag mo na habulin ung dun sa babaeng mahal mo na hindi ka naman kilala." Sabi ko. "Eto kahit hindi ka kilala may alas ka. Kasi kasal kayo, legal." Habol ko pa. "Ayun nga balak ko. Teka nga! Bakit ang chismoso mo ngayon?!" Tanong nya at umayos ng upo. "Para kang si Theo ngayon.. Parang gusto ko tuloy pauwiin si Caleb dito para may pumigil sa kadaldalan mo.." Sabi nya at umiling. Ako at si Miggy, matagal na kaming magkakilala. Simula ng maging assistant/secretary ni Tito Miguel si Mama naging magkaibigan na kami. Parang magkapatid ang turingan kaya kahit ganto kami mag usap, okay lang pero pag nasa workplace kami o may nakaharap, boss at assistant ang gawa namin. May isa pa, si Caleb. Kaso nasa Canada. Nagpasakal. Tsk! Kaya nga ako nagselos kung paano nya kausapin si Camille noon dahil iba talaga at hindi sya ganun sa ibang babae. Pero okay na ko dun, pinaliwanag naman na nya sakin. "Boto kasi ako! Kahit wala pa! Boto ako dude! Saan tayo maglunch?" Tanong ko para maiba ung usapan namin. "Dito na lang. Tas order ka kay Ate Melvs ng pasta." Sabi nya kaya tumango na lang ako. "Sige. May meeting ka pala ng 4pm. Sa Miklé." Sabi ko at tumayo na para tawagan si Ate Melva at para mag order ng lunch namin. Tumango lang sya kaya lumabas na ko. --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD