CAMILLE
Isang bwan na ang lumipas ng matanggap kami sa ME. Magkakasama kami sa Department dahil parepareho naman kaming Marketing staff ang inapplyan ayun nga lang hindi kami parepareho ng Team or Assigned Business.
Ako at si Tala ang magkasama sa Hotels, tapos si Kim nasa Restaurant, si Nicole naman nasa Resort and Hotel.
"Sana nasa iisang business nalang tayo para mas maganda ung tandem." Sabi ni Kim.
"Sana nga." Sabi naman ni Tala na kumakain ng pasta.
Si Nicole, she just nodded dahil kumakain sya ng kanin. Nagtalo pa sila nyan ni Kim dahil kanin na naman daw ang kakainin nya. Buti nga at hindi sya tumataba.
"Pero atleast mag kasama kami ni Tala. Brainstorming kami." Sabi ko tas nakipag apir pa kay Tala.
Simula nung nagkita at nakapagkwentuhan kami parang sobrang close na naming lima, kasama si Danica. Nakakatawa lang na pagtapos namin sa interview, sinundo sila ni Danica tas pagkita sakin. Natuwa sya dahil nadagdagan daw ung mga kaibigan nila. Nakakatuwa lang talaga sila.
Natapos kaming kumain at bumalik sa trabaho. Teammates kami ni Tala kaya naman magkasama kami. And TL namin si Ate Marge, may mga kasama pa kami.
Madalas kaming magkita ni Keith, sa elevator, sa lobby. Pero ngiti lang ang nakukuha namin sa isa't isa. Naiiling na nga lang samin si Miggy dahil dun. Walang nakakaalam na kilala ko silang dalawa. Dahil ayoko ng isyu dito, kahit sabihin na nating maganda ang pagpapatakbo ng Monticlaro. Meron at meron pa ding bida bida na gagawa ng issue.
"Cams. May sinend ako sayo. Tignan mo nga." Sabi ni Tala. Tumango lang ako tapos tinignan ang sinabi nya. Nakalaptop naman kasi kami at provided un ng company kaya hindi namin kailangang bumili ng laptop.
"Okay guys. Kay Sanya nyo na ibigay ang mga naedit nyo na and ung mga proposal nyo. Sya na magkocompile. Rest day natin bukas so sana pagbalik natin kumpleto na, Sanya ah. Salamat." Sabi ni Ate Marge, before matapos ung office hours.
Yes! Rest Day! Makakasama ko din si Keith ng mahaba habang araw... Hay. Pero bago un kailangan ko munang ipasa kay Sanya ung gawa ko.
After ng pasahan. Sabay sabay na kaming nagligpit at sabay kaming lumabas ni Tala para puntahan ung dalawa.
Si Keith naman nagtext na pababa na sila kaya sakto lang din. Pagdaan namin dun sa dalawa. Mabilis lang dahil agad na din silang nakaayos ng gamit.
Naglakad lang kami papunta elevator at madaming nakaabang dahil lahat tapos na ang office hour.
Bumukas ung lift at andun sila Miggy at Keith. At walang pumapasok. Nagtinginan naman ung iba at kami nila Kim. Walang gustong mauna kaya naman humakbang na si Nicole. Matapang talaga pero paghakbang nya biglang nagsipasukan ung iba.
"Sabi ko nga mamaya na kami ih." Sabi nya at tumalikod. "Sasakay din naman pala aarte pa." Bulong nya kaya naman natawa kami.
Ilan na lang naman kaming natira. Kaya okay lang pero nagulat kami ng biglang bumaba si Keith at Miggy. Anong problema ng dalawang to?
"Go ahead. Mauna na kayo." Sabi ni Keith dun sa iba. Medyo na hiya sila kaya naman si Nicole na sana ang uuna kaso nga lang pinigilan ni Kim dahil dun hindi na sya nakapasok agad at iba na ung pumasok. Tinignan nya lang si Kim ng nakataas ang kilay. Nginitian lang naman sya ni Kim.
Kami ang naiwan. Kaming apat tapos ung dalawang boss tapos sila Olivia, si Olivia na malaki ang inggit kay Nicole. pareho silang sa R&H, nauna lang samin si Olivia ng 1 weeks.
"Okay ka lang?" Tanong ni Kim kay Nicole na nakanguso. Ang cute!
"Oo." Sabi nya at ngumiti. Nakatingin lang naman sa kanya si Kim.
"Namumula ung leeg mo." Sabi ni Tala sabay turo sa leeg ni Nicole. Kaya nilapitan namin syang tatlo at tinignan un. Nakamessy bun kaya kitang kita. Ay! Wag kayo! Maganda ang leeg nito! Asset nya yan! Akin kasi ang asset ko pisngi.
Tinignan namin un na halos mahuhubaran na sya dahil sabay sabay kaming tumingin na sya naman todo iwas.
"Huy! Ano ba?! Nahuhubaran ako... Andyan sila Sir oh. Parang mga sira!" Sabi nya kaya nahinto kami at oo nga pala bumaba sila.
"Sorry po." Sabi na lang naming apat. Nakita ko naman ung simpleng ngiti ni Keith. Yare ka sakin mamaya!
"Napababa pa po tuloy kayo, Sir. Pasensya na po." Sabi ni Olivia kaya naman kanya kanya kami ng irap. Well! Maliban kay Nicole na nakanguso pa din.
Hindi na namin pinakinggan ung usapan nila Olivia kasi maiinis lang kami. Tinignan na lang namin ulit si Nicole at ung leeg nya.
"Bakit ba namumula yan?" Tanong ko sa kanya.
"Ewan ko din ih. Basta paglagay ni Ryle ng nung pabango nya na hindi ko alam, nangati at namula. Sobra pa ba?" Sagot nya at tanong na din.
"Oo." Sabi ko tas hinawakan un. "Tanggalin mo kaya muna ung kwintas mo. Baka makadagdag irritation yan." Dagdag ko pa. Mukha naman syang nag isip.
"Ayoko kasing tanggalin kasi... Sige na nga." Sabi nya tapos umupo na parang bata kahit nakaskirt sya at naka stiletto sya. Tas may kinalkal sa bag pero nung hindi nya nakita tumayo na lang sya tapos tinanggal ung kwintas at inilagay sa bulsa ng skirt nya.
"Anong kwintas un, Nicole?" Sabay sabay kaming napatingin kay Olivia ng tanungin nya un.
"Pasalamat to may boss dito kundi ako sasagot." Bulong ni Kim tapos umirap.
Pinindot muna ni Nicole ung button bago nagsalita. Casual lang din ung mukha nya.
"I don't know." Sagot nya kaya napatingin kami sa kanya kasi sinagot nya ng maayos. Kung ako to! Babarahin ko talaga tong babaeng impakta na to.
"Oww... Baka dahil dun kaya namumula ung leeg mo?" Balik naman ni Olivia. Nakita naming nag isip si Nicole tapos ngumiti.
"Thank you sa concern pero hindi un ung dahilan." Sabi nya at ngumiti. Tapos tumingin ng diretso.
"Bida bida kasi porket may boss..." Bulong ni Tala kaya natawa ako. Bahagya kong nilingon sila Keith at Miggy na nakikinig at nakangisi.
Sasagot pa sana si Olivia kaya lang bumukas na ung pinto ng elevator. Tapos nauna na sila Keith na sumakay, tapos ung mga alipores ni Sanya at nahuli na kami na muntikan maipit si Tala. Kaya naman sabay sabay naming tatlo hinarang ung pinto.
Apat kaming tumingin ng masama dun sa grupo ni Olivia. Pero compose naman sila na akala mo walang ginawa. Ang lakas ng loob ng mga to mambully! Andyan lang sila Sir Miggy!
"Sarap sabunutan." Bulong ni Kim. Warfreak talaga.
Di na lang namin pinansin, ako naman dahil nasa gilid sumandal na lang ako sa pader pero may naramdaman ako kamay na nasa tagiliran ko at pinisil un. Kinurot ko naman ung kamay nya kaya napadaing sya pero mahina lang ay sapat ng marinig ko kaya natawa ako.
"Sana hindi trapik... Para maagang makarating... Ng aming bahay..." Kanta ni Nicole, sabay sabay naman kaming tumawa nila Kim. Ang ganda kasi ng boses nya kahit parang tamad na tamad ung boses.
"Parang tanga, Nicole." Sabi ni Kim na nagpipigil ng tawang malakas.
"Bakit? Wala namang mali dun ah..." Sabi nya at humikab pa. "Inaantok na ko." Natawa na lang kami sa kanya.
"Wag kasi magpupuyat sa maling tao." Sabi ni Tala.
"Baka may maling tao." Sabi nya tapos kinuha ung kwintas nya at kinabit ulit sa leeg nya.
"Bat ibinalik mo pa?" Tanong ko nung nakabit na nya tapos tinago ulit sa blouse nya.
"It gives me comfort. Hindi ako komportable ng wala sya." Sabi nya pero tinignan namin sya ng nakakaloko kaya umirap sya. "I mean ung kwintas! Ang OA!" Pagkaklaro nya. Natawa na lang kami at hinayaan un.
Sakto bumukas ung pinto ng elevator at asa ground floor na kaya lumabas na silang lahat. Hindi na nila ako napansin na hindi na pinakawalan ni Keith. Magugulat na naman un na nawala ako bigla.
"Binubully ba kayo nung babae kanina?" Tanong ni Miggy nung nagsara ung pinto at kami na lang tatlo dun.
"Hindi naman. Minsan lang talaga mahilig mang asar. May kasama kaming magaling magtimpi kaya nadadamay kaming maging mabait.." Sabi ko tapos sumandal na ung likod ko kay Keith kaya yumakap na din sakin si Keith.
"Wow! Dito nyo talaga ginawa yan?" Inis na sabi ni Miggy kaya natawa kami pareho.
"Inggit ka? Lapitan mo." Balik ni Keith sa kanya. Ano un? Hindi ko na nagets.
"Sorry, Camille ah." Sabi naman ni Miggy. "F*ck you!" Sabi nya kaya tumawa lang si Keith. Bumitiw din sakin ung isa ng bumukas ung pinto ng elevator.
"Sira ulo ka, Miggy!" Sabi ni Keith habang natawa pa din. Umiling lang si Miggy.
"Wala ka bang maipapakilala sakin dyan, Camille? Dun sa mga kaibigan mo kanina?" Tanong nya kaya natawa ako kasi parang nag mamakaawa na sya. . Sabi nya mahal nya ung babaeng hindi nya binabanggit.
"Bagay kayo ni Nicole! Pero hindi kasi nila alam na boyfriend ko to kaya hindi kita mapapakilala atska it's complicated ung status nya." Sabi ko sa kanya. Si Keith naman naiiling lang.
"Pag alam na nila pakilala mo ko. Okay lang na it's complicated. It's complicated din ung sakin. ." Natatawang sabi nya. Tapos humarap sa kotse nya.
"Gusto mo ba talaga?" Hamon na tanong ni Keith. "Madali lang naman un." Dagdag nya pa habang nataas baba ang kilay.
"Alam mo! G*go ka!" Sabi ni Miggy sabay pasok sa kotse nya. Tawa lang naman ng tawa si Keith. "Ingat kayo pauwi. Keith! Wag masyadong mabilis, dude!" Paalam nya ng ibaba nya ung bintana ng kotse nya..
"Oo. Ingat ka din. Wag masyadong mabilis magdrive. Hindi ka pa nya nakikilala. ." Habol na asar nitong isa. Abnormal talaga!
"F*ck you! Bye Camille, Keith." Paalam ni Miggy, nagpaalam na lang din ako at si Keith tapos umalis na sya.
Nung nakaalis na si Miggy, pumasok na din kami ni Keith sa kotse nya tapos umuwi na sa condo nya.
Yep! Dito na ko nakatira. 2 weeks na din. Dalawang linggo after kong matanggap. Nagpaalam si Keith kila Papa na kung pwede magsama kami sa iisang bubong.
Hindi nya muna sinabi sakin ung about dun basta nagpaalam sya kila Papa ng wala ako. Nalaman ko na lang nung sinabi nyang sa condo nya na muna ko uuwi. Alam daw nila Papa, so tinext ko si Papa na dito nga ako matutulog tapos ayun sinabi ni Papa. Sinabi na din ni Keith, sabi nya pa nun.
'we will go there, sa restday mo para kunin natin ung iba mong gamit. Pati para makurot ka ni Tita.'
Mukhang ewan ih. So ayun, magkasama na kami. Wala pa namang nangyayari. Kasal muna tapos tutulong pa ko kila Mama para kay Fatima.
"Anong gusto mong kainin, Babe?" Tanong nya habang ako nakaupo sa sofa at napaisip. Sya naman hinubad ung suit at necktie nya tapos sinampay sa likod ng upuan.
Naglakad sya papunta kusina habang itinataas ung sleeves ng polo nya. Ako naman nag isip kung anong pwede...
"Hm... Ano meron dyan?" Tanong ko tapos tumayo na at naglalakad papuntang kusina.
May grocery din dito. Simula nung sumahod na ko, naglagay kami ng toka toka. . Ako sa grocery, sya sa mga bills. Dahil hindi namamn kami laging andito. Maliit lang din naman un. Ung una ayaw nya pero syempre... . May alas tayo! . Sabi ko pag hindi sya pumayag, uuwi ako sa bahay. . Wala syang nagawa. Syempre ayoko naman iasa sa kanya lahat. May trabaho naman na ko.
Tinignan ko ung laman ng ref at nakita kong may chicken dun. Parang gusto ko ng fried chicken!
"Fried chicken na lang! Ako gagawa ng soup tapos kanin..." Masiglang sabi ko tapos umayos ng tayo.
"Okay. Ako na magprito." Sabi nya sabay kuha ng chicken sabay halik! Tsk!
"Tsk! Lumusot pa talaga ih!" Sabi ko at hinampas sya. Natawa lang naman syang tumatalikod sakin.
Inilabas ko na lang din ung mushroom at kinuha ung creamy mushroom soup dun sa cupboard. After nun nagbihis muna ko ng tshirt at cotton short, kinuha ko din ung suit ni Keith para iligpit, tapos bumalik na sa kusina.
Nagpiprito na si Keith at may sinaing na din na nakasalang sa cooker kaya naman inayos ko na ung mga gagamitin ko sa soup namin.
"Aray ko." Rinig kong sabi ni Keith ng tumalsik ung mantika.
"Dahan dahan kasi." Natatawa kong sabi sa kanya. Ngumuso lang sya tapos humarap sakin.
"Dahan dahan naman un ih. Pabantay muna ko. Bantayan mo lang ah! Wag mong gagalawin baka matalsikan ka. Papalit lang ako." Sabi nya bago lumabas ng kusina.
Hininaan ko na lang muna ung apoy ng niluluto nya para hindi masunog. Tapos kumuha ako ng small pot at inilagay na ung water at ung mixture tapos halo halo.
Dumating naman din agad si Keith para dun sa piniprito nya. Sabay kaming napasigaw ng biglang tumalsik ung piniprito nya.
"Waaah!"
"Sh*t!"
"Dahan dahan kasi, babe!" Natatawang sabi ko. Bigla kasi nyang binuksan ung takip kaya ung tubig na nag evaporate dun sa takip tumulo sa mantika.
"Sorry na. Natalsikan ka?" Tanong nya, umiling na lang ako tapos tinuloy ung ginagawa ko dahil nilagay ko na ung mushroom.
Sabay din kami halos natapos sakto din na naluto ung kanin kaya naghanda kami pareho para makakain na.
Nakaupo na kami pareho ng may nagdoorbell. Kaya sumama bigla ung timpla ng mukha ni Keith.
"Parang ang sarap itapon sa ibang lugar ng mga kaibigan ko." Sabi nya tapos tumayo, ako naman natawa lang. Minsan kasi ganyan dito. . Magugulat na nga lang ako may tao na kumakatok.
"Pakain!" Sigaw ni Theo ng makapasok sila ni Harold.
"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong naman ni Keith na naglalakad palapit sakin at naupo sa tabi ko.
"Makikikain kami." Sagot ni Theo. Si Harold naman natatawa lang. "Hi Camille! Pwede pakain. Mukhang masarap yan." Sabi nya ng makalapit na din at umupo.
"Sige lang. Madami naman ung niluto ni Keith ih." Sagot ko sa kanya.
"Ayos! Kuha na ko plato ah." Sabi ni Theo. Alam ko mayaman to si Theo ih... pero parang laging pakawala.
"Ang kapal ng mukha mo!" Sabi ni Keith tapos pinagsandukan na ko. "Kumain ka na, baka may dumating pa." Sabi nya at umiiling iling.
At hindi nga sya nagkamali. May dumating pa nga! . Si Henry at Miggy. Mukhang may parehong pinuntahan muna bago pumunta dito. Si Trev naman nasa ibang bansa daw.
------------