Chapter 26

1349 Words
Camille's POV Ilang araw na ang makalipas ng nalaman ko ung about kay Ate. Hindi ko na lang inisip dahil ayokong maapektuhan ung relasyon namin ni Keith. Ayokong makitang magalit ulit si Keith ng katulad nung galit nya nung araw na un kaya inalis ko na lang muna. Lalo na pag andyan sya sa paligid. Nag aalala lang din talaga ako kay Ate dahil baka iwan na naman sya ni Lloyd pero choice nya un kaya papabayaan ko na lang muna sya. Naputol ang pag iisip ko ng mag salita si Kim. Kaya napatingin kami sa kanya. "So bukas wala kayo dahil pupunta kayo ng resort sa Naic? Pwede ba kaming sumama?" Tanong ni Kim kay Nicole. Andito kasi kami sa coffee shop sa baba at nagcoffee break at nakwento ni Nicole na wala sila bukas dahil nakuha nila ung project na inassign sa kanila. Kaya may bonus sila at libreng bakasyon. Since sa Naic ung resort na ginawan nila ng strategy dun sila pupunta pero hindi trabaho kundi bakasyon. "Yep. Nasa Naic kami bukas. Ahm... Pwede naman basta sagot mo ung sarili mo. Hahahaha. Atska makakapagleave ka kasi kami nakaautomatic na VL." Sabi nya tapos uminum ng frappe nya. "Ay andaya! Hahaha. Pwede bang magpalipat ng team! Hahaha. Para may bakasyon din." Sabi ni Tala na ikinatawa namin pareho. Nalipat kasi kami ni Tala ng Team. Ang TL na namin si Sanya. Okay naman sya. Magaling din naman kasi si Sanya. At! Speaking of Sanya, nagresign na pala si Olivia. Hahahaha. Nung hindi sya nakuhang TL nagresign. Paano ba naman, ipinagkalat na nya agad na magiging TL sya. Ayun napahiya. Hahahahaha. Nagresign! Hahahaha. "Sira! Ilang araw kayo dun?" Tanong ko kay Nicole. Nag isip naman sya. "3 days. Tuesday na balik namin dito sa office." Sabi nya at ngumiti ng sobrang saya. "Kainggit! Gusto ko rin ng bakasyon!!! Hahaha. Ano pala gagamitin nyo papunta dun?" Tanong ni Tala. Sasagot sana si Nicole ng may magsalita sa likod nya. "Sana sinabi nyo na andito kayo para bumaba kami kanina pa." Rinig naming sabi ni Keith kaya napalingon kami sa kanya... Ay kanila pala. "Hello po." Sabay sabay naming bati habang nauupo na din sila sa bakanteng upuan. Nakasanayan na din namin na minsan silang nakakasabay. Dahil minsan lumalabas kami na kasama sila pati sila Theo. "Wala bang isang 'hi babe' dyan, Cams?" Tanong ni Nicole kaya nahampas ko sya ng as in malakas! "Awww... Putik ang sakit! Nagtatanong lang ako." Sabi nya kaya tumawa naman sila Kim. "Epal ka kasi minsan. Alam mo un. Pag ginawa ko naman un, ung itsura mo halos hindi maipinta." Sabi ko sa kanya kaya tinawanan lang nya ko habang hinihimas ung braso nya kaya tinignan ko naman un at napasigaw ako nung nakita ko. "Ay hala!" Bumakat ung kamay ko tapos namumula ng sobra. Patay tayo nito! Baka magpasa yan. Pasain pa naman to si Nicole. "Okay lang yan. Wag ka na mag alala. Mawawala din yan." Sabi nya tapos dinampian ng frappe nya ung braso nyang namumula. Napa'aw' pa sya ng gawin un. "Sorry." Sabi ko at tumingin kila Keith na natatawa dahil sa itsura ko. Di ko din naman sinasadyang mapatingin kay Miggy na nakatitig sa braso ni Nicole. Sorry na. "Okay na un." Sabi nya at ngumiti sakin tapos uminum ng frappe ulit. Tahimik na naman sya, pagtalaga. Kasama namin sila Keith. Tahimik sya hindi nagsasalita. "Ms. Nicole. Balita ko may VL kayo ng Team mo ah." Biglang singit ni Keith. Habang kinukuha ung hot chocolate ko tapos uminum. "Ah.. opo. Hehehe. Salamat po pala." Sabi nya at natatawa kami kasi ung itsura nya. Hahahaha. Nagkakamot pa ng kilay. Tapos biglang yumuko. "Deserve nyo naman." Sabi ni Miggy kaya tahimik akong natawa at kagat kagat ang ibabang labi. "Salamat po Sir." Sabi nya sabay yuko at inum. Awkward! Hahahahaha. Pag sila talaga nagtatapos ng usapan laging awkward. Hindi na kasi susundan pa ni Miggy. "So ung tanong ko kanina. Sagutin mo na." Sabi ni Tala. Tumingin naman si Nicole ng seryoso. "Anong tanong?" Maikling sabi nya. "Ano sasakyan nyo papunta dun?" Pag uulit ni Tala sa tanong nya. "Ah. Hiniram ko ung isang kotse ni Dani." Sabi nya at napawow ako kaya tumingin sila sakin na parang nagtatanong. "Turuan mo ko magdrive, Nics! Malupit ka magdrive ih." Sabi ko at nagpacute pa kaya natawa sya bigla. "Bakit sakin? Ayan si Sir Keith oh. Hahaha. May kotse yang sarili, ako wala." Natatawang sabi ni Nicole. Napanguso naman ako. Tapos tumingin kay Keith na nakatingin sakin ng nakakaloko. "Ayaw ni Cams kasi baka daw iba ang ipadrive sa kanya. Hahahaha." Sabi ni Kim kaya natawa sila Keith, Miggy at Tala. Ako namula. Si Nicole! Ayun mukhang walang alam. "Bakit Kim, pinagdrive ka na ba ni Papi Hens ng iba?" Tanong ni Keith kaya mas natawa sila. Ako naman hinampas si Keith dahil nagegets ko ung usapan nila. "Ay! Wis pa Sir! Wala pang ganun ah! Hahahahaha. May bantay kami. Kaya wala pang ganun. Hahaha." Sabi ni Kim na tumingin kay Nicole na naguguluhan na sa usapan namin. "Ano na, Nics? Kaya pa ba natin sumabay today? Hahaha." Sabi nya kaya ngumiwi si Nicole. "Ahm.. wala naman iba dun sa pinagdrive ng iba ah. Paano kung may ibang kotse? Edi pinagdrive ng iba." Sabi nya. Halos malaglag si Tala at Kim kakatawa dahil sa sinabi ni Nicole. Our Bebe Nicole! Hahahaha. Natawa na lang din ako. Habang sila Keith at Miggy naubo lang. "Kim kasi! May baby tayo dito. Umayos ka!" Sabi ko. Napanguso naman si Nicole at uminum na lang. "Cute." Rinig namin na sabi ni Miggy kaya napatingin kami sa kanya pero patay malisya ang loko! Hahahaha "Hay naku! Hahaha. Wag ka mag alala Kim. Sabihin ko kay Papi Hens na gusto mo magdrive." Sabi ni Keith. Halos tumili naman si Kim sa sinabi ni Keith at gustong magsalita pero inunahan ni Nicole. "Naku! Hindi po marunong magdrive yan. Ang alam lang nyan sumakay at magpasarap." Inosenteng sabi ni Nicole pero dahil iba ung sinasabi nila Kim. Pigil kami ng tawa dahil dun. Wala naman syang alam. Hahahaha "Ah. Si Papi Hens naman pala ang magdadrive." Sabi ni Keith na nagpipigil ng tawa. Hindi kami makapagsalita dahil pigil na pigil ung tawa namin. "Keith. Enough. Too much. Hahahaha." Sabi ni Miggy na namumula sa kakapigil ng tawa. Kinalma na lang muna namin ung mga sarili namin bago nagpasya na umakyat na. Di pa din mawala sa usapan ung drive drive na yan. Kaya naman habang nasa elevator kami. Biglang napapalakpak si Nicole at hinila ang dulo ng buhok ni Kim. "Bwisit ka! Nagets ko na ung pinag uusapan nyo!" Sabi nya kaya naman kahit may tao tumawa si Kim, kami naman pigil pa din ang tawa. Bigla din naman syang nahiya dahil nga may ibang tao. "Ay. Sorry po." "Ngayon mo lang nagets kanina pa tapos ung usapan na un. Hahaha." Sabi ni Kim at umiling naman. Di naman muna nagsalita si Nicole at pinalabas muna ung ibang tao. Yumuko pa sya at humingi ng paumanhin dahil sa ingay nya. Nung wala na dun sya nagsalita. "Malinis kasi ung utak ko. Binabahiran mo lang ng kadumihan." Sabi ni Nicole. Natawa lang si Kim tapos inangkla ung kamay sa braso ni Nicole. Tumahimik kami saglit para mawala ung usapan na un. "San pala kayo bukas Ms. Nicole?" Tanong ni Keith habang hawak ung kamay ko. "Nicole na lang po, Sir. Hehehe. Dun po sa resort sa Naic." Sabi nya kaya tumango tango si Keith. "Tapos kelan uwi nyo?" Tanong nya ulit. "Monday po ng hapon." Sabi nya. Ngumiti naman ng malapad si Keith. Anong meron?! "Okay. See you." Sabi nya kaya napatingin kami sa kanya. "On Tuesday." Habol nya. Ngumiti lang si Nicole pero confuse at hindi na magsalita. Sakto din naman na nasa floor na kami kaya bumaba na kami ng paalam lang kami dun sa dalawang bago lumabas na. Hindi ko na lang pinansin un dahil wala naman samin un dahil paglabas namin agad na sinermonan ni Nicole si Kim kaya natatawa kami sa kanilang dalawa. Drive pa! Hahahahaha ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD