Camille's POV
Many months had passed at araw ngayon ng day off ko. Balak kong umuwi ng bahay ngayon nasabi ko na din kay Keith un. Bibisita lang naman ako.
"Ano oras ka uuwi dito sa bahay?" Tanong sakin ni Keith habang nag aayos ng necktie nya. Lumapit naman ako para ako na ang mag ayos.
"Hm.. mga hapon na siguro. 5pm? May gagawin ka ba or meeting na iba? Sunduin mo ko?" Tanong ko at kinuha ung necktie nya at inayos sa kanya, napangiti naman sya at parang tuwang tuwa sa ginawa ko.
"Ang sweet ng asawa ko. Hahaha. Sige. After ng meeting ni Miggy sa isang resto, dun na ko deretso." Sabi nya tapos humalik sa labi ko dahil tapos naman na ayusin ung necktie nya.
"Okay. Ingat ka. I love you." Sabi ko at tumingkayad para humalik tapos bumitaw.
"I love you too. Ingat ka ha. Alis na ko. Baka mag hurumintado na naman un si Miggy. May nakita na namang lalaki na kasama si Nicole. Hahaha." Sabi nya kaya natawa din ako.
Ayaw pa kasi umamin ni Miggy! Type nya si Nicole ih. Lagi un pag may nakikita syang kasama si Nicole na lalaki. Mainit ang ulo at ang daming inuutos. Hahaha. Nakwento un ni Keith sakin kaya eto at binaback fire namin si Miggy! Hahahaha. Joke lang!
"Sabihin mo kaibigan lang ni Nicole un. Hahaha. Masyado syang selos. Edi lapitan nya. Hahaha." Natatawang sabi ko. Tumawa lang din si Keith at umiling iling.
"Natotorpe kay Nicole. Tss. Sige na. Mag ingat ka ha. Tawagan mo ko." Sabi nya, tumango na lang ako para sagutin sya.
Nung nakaalis si Keith, ako naman naglinis lang saglit ng condo tapos nag asikaso na papunta sa bahay. Bibili ako ng pasalubong sa bahay. Hindi din naman ako nagsabi na uuwi ako dahil isusuprise ko sila. Hehehe
After kong mag ayos, umalis na ko ng bahay at pumunta muna ng grocery para bumili ng grocery nila Mama tapos bumili din ako ng take out food para meryenda namin tapos bumyahe na ko.
Nakangiti akong dumating ng bahay namin. Sila naman nagulat ng bahagya ng dumating ako.
"Surprise! Hahaha. Off ko kaya dumalaw ako." Sabi ko at nagmano kay Papa, ganun din ang ginawa ko kay Mama tapos inabot ko ung mga binili ko.
"Ay naku! Mabuti nga at napadalaw ka. Miss ka na namin." Sabi ni Papa.
"Miss ko din kayo. Asan po sila Ate?" Tanong ko dahil hindi ko sila nakikita. Nagulat din naman ako ng biglang marahas na huminga si Mama at madaling pumunta ng kusina. Kaya bumaling ang tingin ko may Papa na napayuko bigla. "Pa? Asan si Ate?" Ulit kong tanong.
"Wala na ang Ate Caith mo dito, Cami." Sabi nya kaya napataas ang kilay ko..
"Ano ho? Asan si Ate?" Nagtatakang tanong ko dahil san pupunta un?
"Nakipagtanan." Mahinang sabi ni Papa kaya natawa ako ng pagak.
"Nakipagtanan? Kanino naman? Hahaha. May boyfriend ba si Ate? Hahaha. Eh, parang last week lang din nakipagkita sya sakin. Nung off ko din un. Tinanung ko pa kung kumusta kayo." Sabi ko dahil ayokong maniwala.
"2 weeks na silang umalis. Nag iwan ng sulat at magpapakalayo layo na daw sya kasama si Lloyd." Sabi ni Mama galing kusina. Halata sa boses na hindi sya natutuwa at puno ng galit..
Wala naman talagang matutuwa kung ung anak mong pinagbigyan ng second chance ay umulit sa kasalanang un ulit... Makakaramdam ka talaga ng inis at galit. Nag init din bigla ung ulo ko.
At putik! Si Lloyd na naman?! Hindi man lang sya pumili ng iba?! Dun talaga sa basura na un?! Nakakainis to si Ate?! Maganda naman pero eto at hinahabol ung mukhang paa na un?! Sayang ung diploma nya!!
"Nagkabalikan ho sila ni Lloyd?! Kelan pa?" Inis na tanong ko.
"Hindi ko alam, Anak. Basta bigla na lang umuwi dito ang Ate mo at kasama si Lloyd. At nagkabalikan daw sila. Gustong magsama pero pinigilan ng Mama mo ang Ate mo. Sinumbat pa bakit daw kayo ni Keith ih pwede at ayos lang." Paliwanag ni Papa kaya naman napapikit ako bigla dahil sa sinabi nya.
"Ipinaliwanag naman namin na papayag kami pero kung hindi si Lloyd at kaya humaharang kami dahil si Lloyd na naman ung gusto nyang samahan. Ayokong mangyari na naman sa Ate mo ung nangyari sa kanya noon. Dahil kahit ako nahirapan nun." Paliwanag naman ni Mama. "Pero sadyang matigas talaga ang ulo ng Ate mo ay hindi nakikinig kaya ayan, nakipagtanan." Dagdag nya.
Ayaokong maniwala dahil nagkita pa kami ni Ate pero imposible namang magsinungaling sila Papa, naki pagkita sakin si Ate para manghiram ng pera dahil kinapos daw sya dahil maraming binayaran. Nagtataka man ako nun pinahiram ko sya dahil sabi ko baka nahihiya lang mag sabi kila Papa pero takte! Wala na pala sya sa bahay at nagsasama na sila ni Lloyd.
Huminga muna ko ng malalim bago sumagot sa kanila. Tsk! Si Ate talaga!
"Hayaan nyo na po si Ate sa gusto nya. Wala na po tayong magagawa dahil umalis na sya. Sana lang maging masaya sya sa ginawa nyang desisyon at sana magtino si Lloyd this time. Ipagdasal na lang po natin sya." Sabi ko habang nakayuko. "Sorry po. Dahil pa po ata sa pagsama ko kay Keith sa condo nya, natrigger si Ate." Hingi ko ng paumanhin sa kanila.
"Wala kang dapat ikahingi ng tawad dun. Dahil papayagan namin sya kung hindi si Lloyd ang kasama nya. Kung katulad lang ni Keith na responsable at matured na lalaki ang ihaharap ng Ate mo samin baka pumayag kami agad. Pero hindi, isang irresponsable at minsan ng nanakit sa kanya ung gusto nyang samahan kaya pilit naming pinigilan. Wala kang kinalaman dun." Sabi ni Papa at hinawakan ung kamay ko. Ngumiti lang naman ako sa kanya.
Gusto kong magalit kay Ate dahil sa ginawa nya at sa sinamahan nya pero nakakapagod, wag lang sana syang umuwi ng bahay na umiiyak dahil iniwan na naman sya ni Lloyd dahil hindi ako magdadalawang isip na sumbatan sya sa ginawa nya.
Tumahimik kami nila Papa bago napagpasyahan na kumain ng dinala ko. Nalaman ko na may mga pasok pala ung mga kapatid ko kaya wala. Nakipagkwentuhan na lang din ako kila Mama, wala pala silang mga pasok kaya sila lang ang andito ngayon. Tinanong din nila ako kung kumusta ang trabaho at kami ni Keith. Umalis saglit si Mama para magluto ng tanghalian namin. Kaya kami na lang ni Papa ang naiwan sa sala.
"Magkakaapo na ba ako sayo, Cami?" Tanong ni Papa. Kaya bigla akong namula sa tanong nya.
"Pa! Baka marinig ka ni Mama. Hindi pa move on yan kay Ate. Kahit na sabihin kong kasal naman kami ni Keith baka magalit yan." Saway ko sa kanya kasi naman apo agad. "Pero wala pa po kaming balak. I mean ako po pala. Hindi pa po ako ready." Sabi ko kaya tumango lang si Papa.
Dumating naman na sila Chester at Filan dahil half day lang naman ang pasok ng elementary. Kasabay namin silang naglunch tapos nanghingi ng pasalubong. Sabi ko pagdating nila Fatima , mamamasyal kami tutal andito din sila Papa. Malungkot din kami na wala si Ate pero desisyon nya un kaya hahayaan na lang namin sya nila Papa.
Kinahapunan nga pagdating ni Cheska at Fatima, nagpahinga lang muna ung dalawa tapos pumunta na kami ng mall. Tatawagan ko na lang si Keith at sasabihi na asa mall kami. Kaya naman kinuha ko ung phone ko at tinawagan si Keith.
"Babe." Masiglang bati ko.
[Ops. Not your babe, Cams because he is driving pinasagot nya lang.] Malumanay na sabi ni Miggy sa kabilang linya.
"Ow. Sorry. Pasabi naman nasa mall kami. Kung susunduin nya ko sa mall na lang sya dumeretso dahil wala kami sa bahay." Sabi ko, mukha namang narinig na ni Keith ung sinabi ko kaya sya na ang sumagot.
[Sure babe. Dyan na lang tayo magdinner. Maaga naman kami. Hahatid ko lang to sa ME tapos deretso na ko dyan.] Sigaw nya dahil mukhang nakaloudspeak.
"Okay. Ingat kayong dalawa. At wag din masyadong mainit ang ulo. Hahahaha. Single naman sya ih." Biro ko sa kanila pero para kay Miggy un.
[Thank you for telling, Camille . It really helps. Hahahaha. Bye.] Sabi ni Miggy kaya natawa kami ni Keith. Rinig ko din kasi ung tawa nung isa.
"Wala naman akong binanggit na pangalan ah. Hahaha." Biro ko kaya mas natawa sila sa kabila. Pigil ko naman lakasan ung tawa ko dahil nasa public place ako. Hahaha
[Wala din naman akong sinabi ah. Hahahaha.] Sabi ulit ni Miggy sa kabila. Tumawa lang naman kaming tatlo dahil dun. Wala ngang sinabi, Halata naman. Hahaha
[Bye na, babe. Tawag ako pag asa mall na ko. Bye. I love you.] Sabi ni Keith. Kaya nagpaalam na ko sa kanya.
After ng conversation naming tatlo. Lumapit na ko kila Papa na nagtitingin tingin ng sapatos. Minsan lang to kaya bibilhan ko si Papa. Malaki naman ung sahod namin ih. At may ipon naman na ako.
Binilhan ko si Papa ng sapatos tas si Mama bagong manicure set nya. Un ang gusto nya ih. Sila Fatima at Cheska naman damit at bag. Si Filan, libro ang gusto, si Chester naman mga art materials. After naming mamili ng mga gamit nila. Ska kami nag punta sa kakainan namin. Sakto din na nasa mall na si Keith at papunta sa kung nasaan kami.
Si Papa ang pinapili ko ng kakainan tutal sya ang maarte sa kainan pag nasa labas kami. Hahahaha. Habang naglalakad kami papunta sa gustong kainan ni Papa, nakita ko na si Keith na makakasalubong namin. Hinayaan ko lang sya at hindi tinawag pero nung nasa malapit na sya sakin nagulat sya nung kinalabit ko sya. Hahahaha
"Huy! Ang sama mo." Nakangusong sabi nya. Kaya natawa kami nila Fatima sa kanya. Hahaha
"Sorry na. Tara na. Dun daw gusto kumain ni Papa." Sabi ko sabay turo dun sa napili ni Papa. Inakbayan naman nya ko pagkatapos nyang bumati kila Mama at Papa.
"Bakit Tito at Tita? Diba dapat Mama at Papa?" Biro ko sa kanya dahil nahuhuli naman kami. Kinunutan lang naman nya ko ng noo at siningkitan ng mata.
"Bakit? Gusto mo bang un ang itawag ko sa kanila? Pwede naman." Sagot nya sakin pero tinawanan ko lang sya.
Nang makarating kami dun sa gusto ni Papa na kainan, naupo na kami tapos nag order. Gusto ni Papa dito kasi may kanin. Sa iba kasi puro pasta. Sinabi na din namin nasagot na namin ni Keith. Nagtalo pa kaming dalawa sa bulungan dahil gusto nya sya na lang. Sabi ko kaming dalawa na pero syempre ako ang nagwagi kaya dalawa kami. Hahahaha
Nakipagkwentuhan lang naman kami habang inaantay ung pagkain namin. Nang may biglang tumawag sakin kaya nilingon ko pag kita ko si Sir Henry at Kim. Yiie! Nag date sila! Hahahaha
"Ay hello po. Magandang gabi po." Bati ni Kim kila Papa. Tapos tumingin samin ni Keith at ngumisi.
"Hi Tito, Hi Tita." Bati naman ni Sir Henry. Binati din naman sila ni Papa at Mama. "Uy Tol." Bati din ni Sir kay Keith.
"Kakain kayo? Sabay na kayo." Yaya ko sa kanila.
"Hindi na girl. Iaantay din namin sila Mama para kasabay magdinner. Tumingin lang kami dito kung may space pa." Sabi ni Kim kaya tumango na lang ako.
"Dude. Mamamanhikan ka na?" Birong tanong ni Keith kay Sir Henry.
"Tagal pa, Dude. Yaan mo pagmamamanhikan ako. Sasama kita. Sabihin ko driver kita." Sabi ni Sir Henry tapos ngumiti ng nakakaloko.
Natawa naman kami kasi hindi makarebat si Keith sa kanya pero he mouthed 'G*go!' Hahahahaha. Nag usap lang kami unti tas pinakilala ko din si Kim kila Papa. Di naman nagtagal nagpaalam na din ung dalawa.
"Dito na kami, andun sila Mama sa kabila." Sabi ni Kim. Tapos humarap kila Mama. "Enjoy po kayo. Dito na po kami." Sabi nya. Nagpaalam na din si Sir Henry na tinapik pa ung balikat namin ni Keith.
Sakto naman na dumating ung food namin kaya kumain na kami. After kumain, nagpahinga lang kami saglit bago nagyaya si Mama. Nakakatuwa lang na tanggap na tanggap nila si Keith. Naalala ko na naman si Lloyd, ganto din sya dati. Halos sa bahay na nga sya nakatira dahil lagi silang magkasama ni Ate. Nakakakwentuhan nya din sila Papa lalo na si Mama. Nasira lang talaga sila dahil sa ginawa nila.
"Hay." Buntong hinga ko habang nakatingin sa bintana ng kotse pauwi ng condo.
May kotse kasing dala si Papa kaya naman deretso na din kaming uwi ni Keith at hindi na need na ihatid sila.
"Ang lalim nun, babe." Rinig kong sabi ni Keith kaya napatingin ako sa kanya. Nakafocus lang naman sya sa daan. "Anong meron? Okay ka lang?" Tanong nya pa.
"Hindi. Iniisip ko si Ate." Sabi ko at ngumiti ng malungkot kahit hindi naman nya kita.
"Why? What happen to her?" Sabi nya sabay sulyap sakin. Bumuntong hinga na naman ako para maalis ung iniisip ko.
"Nakipagtanan." Sabi ko at kitang kita ko kung paano humigpit ung hawak nya sa manibela.
"Kanino?" Tanong nya pero parang natakot ako sa boses nya.
"Kay Lloyd." Sabi ko. Biglang umigting ung panga nya at parang nabadtrip sya at hindi nagsalita.
Hanggang sa makarating kami sa unit. Hindi pa rin sya nagsasalita. Hawak nya lang ung kamay ko habang naglalakad kami.
"Babe. Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya ng makapasok kami at umupo sa couch. Tumingin sya sakin kaya bahagya akong magulat.
"Ikaw? Okay ka lang?" Balik nyang tanong. Lumunok naman ako, kaya napahilamos sya sa mukha nya. "Nakakainis kasi! Ano bang meron sa tarantadong un at baliw na baliw ang Ate mo dun? T*ngina! Sinaktan na sya, ipinalaglag ung anak nila, tinarantado na sya tapos dun pa din sya balik ng balik?! Tapos kayo na naman ang mahihirapan pag bumalik sya at umiiyak. Babalik na naman ung trauma mo! Pilit kitang nilalayo sa mga bagay na nagpapaalala sayo ng trauma mo! Pero sila naman ung balik ng balik! T*ngina talaga! Babasakin ko ung mukha ng lalaki na un pag nagkita kami!" Inis na sigaw nya at alam kong galit sya. Minsan ko lang sya makitang magalit.
Hindi ko alam kung paano sya papakalmahin pero wala na kong maisip na ibang paraan kaya naman yumakap na lang ako sa tagiliran nya. Naramdaman ko naman na umayos sya ng upo at niyakap din ako.
"Ayokong makitang umiiyak ka na naman dahil dun. Ayokong mag isip ka na naman ng iba. Hindi pa nga nawawala sa isip mo ung nangyari madadagdagan na naman. Ayokong nahihirapan ka." Sabi nya, this time medyo mahinahon na.
"Andito ka naman. Hindi na ko mahihirapan." Sabi ko. Kahit minsan naiisip ko pa din un. Tuwing makikita ko si Keith, nawawala un. Kasi alam kong iba sya kesa kay Lloyd. Lalo na nitong may nangyari samin. Ilang bwan na un pero eto sya at sobrang maalaga. Ni minsan hindi ko sya nakitang nanlamig. Ako pa nga minsan ang may ganung attitude.
Humiwalay sya sa yakap namin kaya napahiwalay din ako sa kanya. Tinignan ko naman sya na nakatingin din sakin. Hinimas nya ung pisngi ko ng dahan dahan.
"Mahal kita." Ayun lang ung sabi nya lang at hinalikan ako ng puno ng pagmamahal.
-----------