Chapter 24

2110 Words
Camille's POV Hooray for today! Hahahaha. It's Monday at may pasok na kaya eto kami ni Keith nabyahe na. Sakto lang din ang alis namin para hindi malelate. Pagdating ng company, inihinto ni Keith ung kotse sa tapat ng company. Sa main entrance, hindi pa man ako nakakababa may nakita na kong pamilyar na tao na bumaba ng kotse. "Si Nicole yan diba? May boyfriend sya?" Tanong ni Keith ng may lumabas din na lalaki. Hindi ko kilala pero parang nakita ko na sya. "Hindi ko alam. Single yan alam ko. Sige na. Baba na ko. Sabayan ko na lang sya. Bye." Sabi ko tapos humalik sa pisngi nya at bumaba. Napansin naman ako ni Nicole agad kaya lumingon sya sakin at ngumiti, ganun din naman ung lalaki. "Hi Cams, good morning." Bati nya sakin tas tumingin sa kotse na binabaan ko. "Si Sir Keith un? Yiieee! Wag ka na mag tago ah! Hindi naman katago tago si Sir Keith." Sabi nya kaya namula bigla ung pisngi ko. "Ou na. Talaga to!" Sabi ko sa kanya sabay tingin dun sa lalaking nakangiti lang. "Hi. Good morning." Bati ko. "Hi Good Morning din." Balik na bati nya. "Oh. Marky nga pala." Pakilala nya. "Camille." Sabi ko at ngumiti. "Nice to meet you Camille." Sabi nya at humarap na kay Nicole. "Paano? Una na ko. Sunduin kita mamaya or iwan ko na lang kaya tong kotse ko?" Tanong naman nya. Nakinig lang ako ng usapan nila. Tinignan ko kung andun pa din si Keith at andun pa din sya. Hindi pa sya umaalis at lumabas pa ng kotse. Nagulat naman ako ng isa pang kotse ang dumating. Pag labas ng kotse, nagulat ako at salubong ang kilay na naglakad papunta kay Keith na nasa labas na. Si Miggy. Hahahaha. Selos siguro sya. "Kung iiwan mo, paano ka pupunta kay Celine?" Sabi nya tapos parang nag isip ung Marky. "Sige na nga. Sunduin kita para sabay na tayo kay Alas pumunta." Sabi nung Marky. "Sige na. Bye. Ingat kayo. Labyu!" Sabi nya tas ginulo ung buhok ni Nicole na ikinainis ni Nicole. "Parang tanga Marky! Sige na. Ingat ka." Sabi lang ni Nicole. Nagpaalam na din sakin ung Marky tapos saka sumakay ng kotse nya. Bumisina lang un tapos umalis na. Humarap si Nicole sa gawi ko at bahagyang nagulat kaya napatingin din ako dun sa likod ko at nakita ko sila Keith na nakatingin samin. Seryoso sila. "Good Morning po, Sir Miggy at Sir Keith." Nakangiting bati ni Nicole sa kanila tapos humarap sakin. "Tara na?" Tumango naman ako at umangkla sa braso nya na buhat ung bag nya tapos hawak naman nya ung laptop bag nya sa kamay nya. Nakakatawa lang na ang tangkad ni Nicole pero sya ang pinakabata saming lima. Naglakad na kami at napalingon ako sa likod namin dahil naramdaman kong nakasunod sila Keith samin. Medyo nakakailang pala. Hahaha. Isa din to sa ayaw ko. May tumitingin samin. Hahaha. Baka akalain inaakit namin sila Sir ih. Well! Inaakit ko naman talaga si Keith. Hahahaha. Charot! Ang arte! "Anong nginingiti ngiti mo dyan?" Natatawang tanong ni Nicole ng tumapat kami sa elevator. "Wala. May iniisip lang. Hahaha." Sabi ko at tumayo na ng deretso. "Ano mo ung Marky, Nics?" Tanong ko sa kanya. "Boyfriend mo un?" Habol ko pa. Gulat naman syang napaharap sakin at natawa. "Si Marky? Hahaha. Bandmate ko nung college. Sa Adhika." Sabi nya tapos ngumiti. "Napagkakamalan lang talaga minsan." Dagdag nya pa. Di naman muna ko sumagot at pumasok na sa elevator dahil sakto lang din na tumunog un. Dahil medyo maaga pa, wala pa masyadong tao. Kasama lang namin sila Miggy at Keith sa loob. Parang ganun pa din naman. Parang hindi pa din kami pagkakakilala sa personal kahit na nakapagkwentuhan na kami nung sabado. "Ah. Akala ko boyfriend mo kasi magkasama kayo." Sabi ko tapos tumingin sa kanya. "Nagyaya kasi sya kagabi ng breakfast kasi kauuwi nya lang galing Japan." Sabi nya. "Nagpahatid na lang din ako dito kasi si Kim naman, ihahatid ni Sir Henry kaya di na nya ko kailangan. Hahahaha. Char! Nagdrama." Sabi nya at natawa sa huling sinabi. "Hahaha. Sira ka! Kailangan ka nun pagwasted sya. Hahahahaha" Sabi ko lang. "Yeah right! Grab driver ako ng mga un ih. Masingil nga sa susunod na araw. Hahaha." Natatawang sagot nya. "Balatuan mo ko ah!" Natatawa ko ding sabi tumango na lang sya kaya pareho na kaming tumahimik. Hanggang sa tumunog na ung elevator dahil nasa floor na kami. Humarap lang kami pareho kila Keith at Miggy tapos nag bow. Pero siraulo to si Nicole! "Di ka magkikiss kay Sir Keith? Hahahaha. Joke lang! Ang sakit!" Sabi nya dahil bigla ko sya hinampas ng malakas, hinihimas himas nya pa ung braso nya. Natawa lang si Keith dahil sa sianbi ni Nicole. "Ikaw? Ms. Nicole hi-" naputol ung sasabihin ni Keith ng magsalita si Miggy. "Magsasara na ung pinto." Sabi nya tapos tumingin kay Keith ng matalim, kami naman ni Nicole napalingon bigla sa pinto tapos mabilis na kumilos si Nicole at inarang ung kamay nya na muntikang maipit. "Mag goodbye kiss ka na kasi. Hahaha." Sabi nya sakin kaya inirapan ko lang sya. Humalik na lang ako kay Keith sa pisngi tapos lumabas na. "Bye po." Sabi lang ni Nicole at nagbow pa. Tapos pareho na kaming naglakad papuntang office namin. "Sira ulo ka Nicole!" Sabi ko sa kanya. Natatawa lang naman sya. "Bakit? Ikinahihiya mo ba si Sir? Naku! Dapat hindi. Kasi wala naman nakakahiya dun." Sabi nya sakin. "Bakit? Ikaw ba pag naging jowa mo si Sir Miggy, hindi ka mahihiya?" Tanong ko sa kanya. "Sira! Si Sir Miggy talaga? Hahahaha. Ayoko ko kay Sir! Parang playboy. Hahahaha. Atska... It's complicated ako ngayon. Hindi ko din iniisip yang mga ganyang ngayon." Sabi nya. "Pero dahil kunwari lang naman... Hindi siguro." Sabi nya tapos ngumiti. "Bakit?" Tanong ko. Dahil curious ako. "Wala naman kayong ginagawang masama. Mahal nyo lang naman ang isat isa, hindi naman kayo nagnanakaw o ano pa man. Nagmamahalan lang kayo." Sabi nya "Eh paano ung issue?" Tanong ko ulit. "Hindi maiiwasan un. Atska, wala ka ngang issue, nasasaktan mo naman ung mahal mo. Wala din sense. Wag mo isipin ang sinasabi ng ibang tao. Ang isipin mo ung nararamdaman mo. Dapat isipin mo ung ikakasaya nyong dalawa ng partner mo." Sabi kaya napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. Tumingin din naman sya sakin. "Bakit parang may pinaghuhigutan ka?" Tanong ko sa kanya. "Hahahaha. Wala ah. Tara na!" Sabi nya pero biglang umiba ung mukha nya after nun. May past ba si Nicole? Naglakad na lang kami ulit tapos nag hiwalay ng landas. Pero at some point, may tama si Nicole sa sinabi nya. I never ask Keith about sa opinion nya sa hindi ko pagsasabi at pagpapakita na may relasyon kami. But he understand me, sya na lang ba lagi ang iintindi? Bakit kailangan kong ilihim kung pwede ko namang ipagsigawan. Huminga ako ng malalim and do my usual work katulad ng mga kasama ko. Encode at nakipagbrainstorming kila Tala. Dumating ang lunch time. I text Keith kung kumain na sya kasi gusto ko syang kasabay kumain. To: Babe Kumain ka na? Sabay tayo. Nagreply naman agad sya at natuwa ako sa reply nya kaya nagligpit ako agad ng gamit ko. From: Babe Let's go. Antayin kita sa kotse. Ayan ung text nya kaya naman naglakad na kami nila Tala papunta kila Kim at Nicole. Tapos bumaba na kami. "Excited. May date kayo ni Sir Keith." Sabi ni Tala kaya napatingin ung iba samin at nagtatanong ang mga mata. Huminga muna ko ng malalim bago sya sagutin. "Ou ih. Nasa kotse na sya. Kita na lang tayo maya. Bye." Sabi ko dahil isa isa na silang lumabas sa floor ng cafeteria. Ung tatlo nakangisi sakin ng nakakaloko. "Enjoy." Sabi ni Nicole kaya tumango lang ako. Tuluyan na ngang bumaba ung elevator papuntang parking. Paglabas ko agad ko namang nakita si Keith na nakasandal sa kotse nya. "Babe." Tawag ko kaya agad umangat ung ulo nya at napangiti pa ng makita akong papalapit sa kanya. "Hey." Bati nya sabay ayos ng tayo. "Ang ganda mo naman masyado. Hahaha. Lika na?" "Let's go." Sabi ko at sumakay sa kotse nya. "San tayo mag lalunch?" Tanong ko sa kanya ng nasa kotse na kami. "San mo gusto?" Balik na tanong nya sakin. "Kahit saan. Hehehe." Sabi ko at natawa. "KFC tayo! Fastfood!" Masiglang sabi ko natawa naman sya. May KFC kasi dito medyo malapit lang naman. "Sige. Namiss ko din kumain sa fastfood ih." Sabi nya tapos nag umpisa na magdrive. Habang nasa byahe naman kami tumunog ung phone nya kaya kinuha ko. "Tumatawag si Miggy." Sabi ko at sinulyapan nya un. "Tsk! Sagutin mo nga babe, tas loudspeaker mo." Sabi nya kaya naman ginawa ko un. [Where are you?] Tanong ni Miggy. "Lunch date. Why?" Tanong naman nya na parang napakaformal nilang mag usap. [Can you get me some food? Thanks] sabi lang ni Miggy. Parang ayoko sumabat kasi parang hindi sila ung kadalasang nakikita ko pagkasama ko sila. "Fastfood. It's that okay with you?" Tanong nya tapos ngumiti sakin. [Yeah. Anything.] Maikling sagot naman nung isa kaya tumingin na ko kay Keith ng nagtataka. "Okay. Noted. Anything else?" Tanong nya tapos sinenyasan akong mamaya. [Nothing. That's all.] Sabi nya tapos naputol na tawag. "Anong meron? Bakit parang ang formal nyong dalawa?" Tanong ko sa kanya at sakto naman na nakarating kami ng KFC. "Ganyang talaga ang ugali pag nagseselos ang isang tao. Mainit ang ulo." Sabi nya tapos natawa ng unti. "Tara na. Hayaan mo yang si Miggy." Aya nya sakin kaya naman tumango ako tas lumabas ng kotse. Pagpasok namin, sya na ung umorder at nagbayad. Minsan lang naman daw kaya hinayaan ko na. After nyang magorder, naupo sya sa harap ko at tahimik. Gusto ko sana magtanong kaso baka mainis. Hahaha "May meeting pala kami ni Miggy mamaya... So, baka late na matapos un. Okay lang bang mag taxi ka muna?" Tanong nya sakin. "Oum. Okay lang naman. Wala namang problema dun." Nakangiting sabi ko, napangiti na lang din sya. "Ahm... Keith. Unfair ba para sayo na hindi kita nilalapitan sa office?" Tanong ko sa kanya na bahagya nyang ikinagulat. Naalala ko kasi ung sinabi ni Nicole. "Hm... To be honest... Yes, syempre gusto ko malaman ng halos lahat ng nasa loob ng company na asawa kita... Ahm.. osige para mas mababa, girlfriend kita but i respect you decision for not telling to others. Kaya kahit masakit, pipilitin." Sabi nya at ngumiti "Im sorry." Sabi ko lang. Nakangiti pa din sya tapos kinuha ung kamay ko. "Okay lang , babe. Pero sana ngayong may nakakaalam na. Pwede na kitang lapitan kahit pagkasama mo lang sila Kim. Hahaha." Sabi nya "Sure. Kahit hindi lang sila Kim. Hehehe." Sabi ko at sabay kaming ngumiti. Sakto naman na dumating ung food namin kasama ung food ni Miggy na take out. Kaya kumain na kami. Nagpahinga lang kami ng unti bago balik ng company. Sabay na din kaming umakyat. Hawak nya pa ung kamay ko, kaya naman ung mga nakakasabay naming sa elevator. Tinitignan kami tapos ngingiti. Sakto naman na tumapat sa floor ng cafeteria at kitang kita ko ung tatlo kong kaibigan nung nakita nila kami. Kanya kanya ng ngiti! "Ang sarap ng kfc today." Parinig ni Kim habang nakangisi. "Ou nga ti! Lalo na kung may kadate." Sabi naman ni Tala. Nakangiti lang naman si Keith sa pang aasar nila Kim. Samantalang ako, masama na ang tingin dun sa dalawa. Si Nicole kasi nakangiti lang at parang out of this world na naman ang isip. "Try mo yayain si Papi Hens, Kim. Para maexperience mo ung masarap sa kfc." Sabi naman ni Keith na ikinagulat nung mga kasama namin sa loob. "Ay opo. Mamaya yayain ko sya para naman maexperience ko ung naexperience ni Cams." Sabi ni Kim na ikinatawa ni Keith pati ni Tala. Pero bakit parang iba ung naiimagine ko sa sinasabi nila. Sh*t! Ang halay ng isip ko. Hahahahahahaha. Wala pa naman sigurong ginagawa sila Kim at Sir diba?! Takteng yan! Hahahahaha "Ay! Sana all may pwedeng yayain! Hahaha." Sabi ni Tala na may tili pa. "Sssh! Ang ingay, Tala! May iba tayong kasama." Saway naman ni Nicole na ikinatahimik ni Tala at tinawanan namin nila Keith. Hahahaha Bago kami bumaba sa floor namin, I kissed Keith sa cheeks na ikinagulat nya pero ngumiti. Natauhan naman kasi ako sa sinabi ni Nicole kanina. Wala naman talagang nakakahiya sa pakikipagrelasyon ko kay Keith. Hindi ko pa nga lang pwedeng ipangalandakan na kasal na kami. Kasi kahit sila Mama hindi pa alam. Hahahaha. --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD