Trina One Year Ago... "Sheyt! Bakit ngayon pa umulan kung kailan ko nakalimutan magdala ng payong? Panira naman ng moment itong ulan." Reklamo ko at napakamot na lamang sa aking ulo habang nakasimangot na nakatingin sa magjowa na nasa aking gilid, hawak-hawak ng lalaki iyong hindi masyadong malaki na payong habang ang isang kamay niya ay nakapatong sa balikat ng babae at isinisiksik sa kanyang pwesto, puno ng ngiti na nilusob nilang dalawa ang kasagsagan ng ulan. Hindi pa masyadong nakakalayo ang magjowa nang biglang kumidlat dahilan para sumiksik pa lalo ang babae at ipinulupot nito ang kamay sa katawan ng lalaki. "Tangina! Ang lalandi, makidlatan sana kayo!" Malakas kong sambit dahil alam ko namang hindi nila ako maririnig sa lakas ng ulan. Tumingin ako sa itaas para tingnan ang kala

