Trina I am now doomed! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. f**k that bastard named Ethan Montemayor, kahit na nasa kabilang buhay na ito ay hindi pa rin ako nito tinatantanan at talagang puro nalang kamalasan ang dala nito. Kung may dapat mang makulong sa aming dalawa ay siya iyon, si Ethan ang puno't dulo ng lahat ng ito at tama lang sa kanya ang nangyari sa kanya, but I swear to the f*****g hell na wala akong ginawa, hindi ko siya pinatay. "Sheyt! What am I supposed to do now?" Mahinang sambit ko sa aking sarili at naglakad patungo sa may sofa kung saan naupo kanina ang lalaking may ari ng bahay na ito, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan nito at wala na akong pakialam pa dahil hindi naman ako interesado na malaman ang pangalan nito, kanina pa ito nakaalis ng

