Trina Hindi masyadong malaki ang payong na dala ng lalaki kaya naman paminsan-minsan ay nagbubunggo ang mga braso namin sa tuwing sumisiksik kami sa gitna ng payong dahil medyo may kalakasan pa rin talaga ang ulan. Hindi ko alam pero sa tuwing dumidikit ang aking braso sa braso ng lalaki ay para akong napapaso, may kakaibang kuryente na dumadaloy sa aking katawan pero ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at inisip na marahil ay dahil lang iyon sa malamig na hangin na humahaplos sa aking katawan. Makalipas ang halos limang limang minutong paglalakad ay nakarating din kami sa may waiting shed kung saan humihinto ang mga bus para mag pick-up ng mga pasahero. "T-Thanks," ang nahihiya kong sambit dahil tinaray-tarayan ko ito kanina. "No worries, mauna na pala ako sa'yo, miss." Sambit ng

