Trina "No s**t!" Agad akong napalingon sa gawi ng lalaki nang marinig ko itong magmura, hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba habang tinitingnan at pilit na binabasa ang ekspresyon nito sa kanyang mukha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sumama ako sa isang estrangherong lalaki, hindi ko pa rin alam ang pangalan nito hanggang ngayon dahil hinihintay ko na ito mismo ang magpakilala, ayoko kasing may isipin itong iba kapag tinanong ko ang pangalan niya o baka sadyang judgemental lang ako. "What?" Tanong ko sa lalaki na nakakunot ang noo habang sumesenyas sa akin na tumingin ako sa aking harapan, na siya ko namang agad na sinunod. "Sheyt!" Ako naman ang napamura nang makita ko ang sitwasyon sa aming harapan, bago kasi makarating sa green village ay may tulay na daraanan

