bc

Ark University: Change of Hearts

book_age16+
41
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Almost perfect na ang buhay ni Penelope Lim. May supportive syang pamilya at mapagmahal na boyfriend. Ngunit, maaari bang mag bago ito sa pag pasok nya sa kolehiyo? She need to leave her happy and contented life to pursue her dream in Ark University. Ark University ay isang paaralan kung saan pili lang ang nakakapag aral, at isa sya sa mapalad dahil sa katalinuhang taglay. Paano sa pag pasok nya dito, lahat ay mag bago? Mabuksan ang isipan nya sa mga bagay na hindi nya alam. Mabuksan muli ang puso nya sa taong hindi naman nya lubos kilala.

chap-preview
Free preview
Simula
Sumasabay sa lakas ng hangin ang mahaba kong buhok kasabay din ang pag-sayaw ng mga puno na nakapalibot sakin. Kung di ako nakahawak sa palda ko na maikli ay baka sumabay din ito. Nakatingala ako ngayon sa harap ng malaking gate at sa taas nito ang malaking pangalan ng unibersidad na aking papasukan. 'Ark University' iyan ang pangalan na nakalagay sa taas nito. Kilalang kilala itong unibersidad na ito sa buong Pilipinas dahil marami na napa-graduate ito na mga sikat at mauunlad na ngayon na mamamayan. Sumasabay ito sa mga ibang bansa pag dating sa edukasyon katulad na dito ang sikat na Harvard University. Sino ba ang hindi hahanga sa gandang taglay ng unibersidad na ito. Hindi lang dahil magagaling ang mga professor nito kundi sa ganda ng ambiance sa loob nito. Ang unibersidad lamang na ito ay nakatayo sa gitna ng bundok kaya sobrang malayo sa kabihasnan. Pag aaral ang tututukan mo. Hindi ito mararating ng sasakyan lamang dahil bago ka makarating dito ay kailangan mo muna sumakay ng eroplano na susundo sayo sa airport. Take note: Private airplane Ibaba ka rin sa parang airport dito sa gitna ng bundok. Para syang mini airport dahil tanging nga students at professor lang ang sumasakay dito. Yes that airport is owned by this school. Then may susundo sainyong bus at dadaan kayo sa mga puno. Ang maganda lang ay nakapalibot daanan ang mga puno at nakahilera din itong nakatanim. Mga 1 hour siguro ay makakarating na kayo sa pinaka gate ng school. Isang malaking gate. And di ko alam kung ano ang itsura nito sa loob. "Students please leave your bags here.." sabi ni Ma'am Ulah, sya ang sumundo samin sa mini airport Tinuro nya yong isang malaking silver na pa-square na box pero gawa sa bakal. Sa gitna nito ay may mini door na tanging bags lang ang makakapasok. Pinauna ko muna yong ibang students na halatang excited. Ayaw ko makipag unahan, wala pa ako kaibigan dito. At sobrang layo ko sa mga magulang ko sakaling may mang-bully sakin. Pag kalagay namin ng mga bags namin don ay isa isa kaming binigyan ng I.D na may nakalagay na 'A.U Student' "Are you excited?" ngiting sabi ni Ma'am Ulah na lahat ay nag ingay May pinindot ito sa likod nito saka unti unti ay bumukas ang napakalaking gate. Napanganga ako sa nakita ko. Kung kanina ay mata ko lang ang lumalaki. Pati na ang bibig ko sa sobrang hanga! Ang ganda! Sa loob nito ay katulad din ng sa labas maraming puno na nakahilera. Pero nagugulat ako may cherry blossom! Pano nag karoon nito rito? Ang pinag kaibahan lang ay may mga maliliit na na bakod ang mga daanan. Akala mo ay isang subdivision! "Yes students, Hindi pa ito ang unibersidad. Those are the dorms na pag tutuluyan nyo" Ma'am Ulah is right! But unlike other dorms. Mukha na itong mga bahay. Katulad nga nang sinabi ko para na itong subdivision dahil sunod sunod ang mga bahay pero may tamang space. And puro bermuda grass ang nakatanim sa lupa nito. Last, by street sya! May mga fountain pa sa gitna at may mga benches pa. Maya maya may dumating na bus. Pinasakay kami doon para makapunta na sa unibersidad. So ibig sabihin malayo pa ang unibersidad? Pumwesto ako sa tabi ng bintana para makita ko pa ang labas. Napapahanga na lang ako. May nadadaanan kaming parang playground. Meron ding malalaking court. Tama ngang maganda ang ambiance dito. Tama din ang sabi nila na mayayaman lang ang nakakapasok dito dahil sa laki ng babayaran mo. Meron naman silang ibang paraan para makapasok ka. Ito ay yong kailangan mong maipasa ang entrance exam nila. 10 students lang ang ipapasa nila. And lucky me I'm one of them. May nadaanan din kami na nag pataka sakin. Isang mansion kasi ito sa taas. Malayo ito pero mula dito makikita mo rin sya pero dadaan ka muna sa mapuno bago ka makarating doon. Ano naman kaya yon? Huminto na ang bus kaya napatingin ako sa harap. Muli may gate na naman. But unlike kanina ay maliit na ito. Bumaba na kami at lumapit dito. May guard house nito na kinausap ni Ma'am Ulah. Bumukas na ang gate kaya pinalapit kami. Malawak at malalaking mag kakadikit na buildings ang bumungad samin. Tumitingin ako sa ibang part nito. May mga building pa sa dulo. Actually marami sila. Pero iba't iba ang paraan ng pag katayo pero mag kaka-konektado sila. "Cmon sundan nyo ko. Mahirap lakarin yan kaya dito na lang tayo dumaan" tukoy ni Ma'am Ulah sa malaking daanan na sa gitna. Oo nga naman mukhang malayo pa ang office Umakyat kami sa hagdanan ng isa sa mga building. "This is Tourism Department" pakilala ni Ma'am Ulah Maganda ito ngunit di mo makikita ang mga estudyante na nasa loob. Sobrang linis ng paligid. Marami pa kaming nadaan like Medicine Dep, Nursing Dep, and etc sabi samin ni Ma'am Ulah hindi pa ito ang mga offer nilang course dahil marami pa sabay turo sa mga ibang building na di namin nadaanan. I'm a fan of mystery books. Siguro kung nasa mundo lang ako ng fiction baka isipan ko ng masama ang unibersidad nito like may hidden secret, may mga gangster or powers. But we're in a reality and walang ganong bagay sa mundong ito. Nakarating na kami sa mga offices, faculty kung saan don na kami mag fi-fill up ng form para totally enrolled na. Unlike sa mga nadaanan namin ay may mga tao na rito na nag lalakad. Mostly mga prof. Siguro class hour pa nila kaya wala akong estudyante na makita. Hindi naman sa huli kami nag enrolled. Marami din kasi na nag su-summer dito. May mga nag a-advance sa subject nila kaya yong iba whole year may pasok. Wala silang vacation. Ganon sila kasubsob mag aral. Pinaupo muna kami ni Ma'am Ulah. Sabi nito na tatawagin kami isa isa sa office. Kaya ito ako habang nag hihintay nilabas ko yong phone ko. Gulat ko walang signal? The hell "Uy bakit may dala kang phone? Diba bawal yan. Di ka ba nakinig sa orientation kanina sa airport na iwan sa main gate yan kasama yong mga bags natin?" bulong sakin ng katabi ko na babae Bawal pala ito? "Ah sorry di ko siguro narinig" tinago ko na agad ito "Nako wag ka mag pa huli Kay Ma'am Ulah. Saka mo na lang ilabas pag nakarating na tayo sa dorm natin" binigyan nya ako ng matamis na ngiti, I like her she's jolly Inilahad nya yong kamay nya "I'm Savannah Gamulo" pakilala nito agad ko kinuha ang kamay nya "I'm Penelope Lim" maikli na sabi ko Gulat ako nang bigla sya dumikit sakin na akala mo matagal na kami mag kakilala "Grabe no? Nakakamangha ang unibersidad na ito. Akalain mo may unibersidad na ganito sa Pilipinas. Akala ko ba nag hihirap ang Pilipinas?" takang sabi nito na kinatawa ko, madaldal "Hmm..there's always a secret in everything" Lumabas na yong tinawag kanina at pumasok na yong katabi ni Savannah. "Pero Penelope ano rason mo sa pag pasok dito sa unibersidad?" Tinignan ko sya na parang nag tataka. Baliw ba to? "Syempre para mag aral" maikli na sabi ko na nag pangiwi sakanya "Di mo alam?" "Anong alam?" Huminga muna to nang malalim at nag palinga linga bago dumikit lalo sakin. Tinuro nya yong mga kasama namin "Kita mo yang mga yan? Di lang pumasok yang mga yan dahil mag aral dito" Hindi mag aral? What the hell? "Impossible!" bulalas ko na kinaikot ng mata nya "Possible Penelope. Kasi alam mo ba" humagikgik ito na kinikilig Tinignan ko lang sya na nag tataka. Kasi honestly wala akong alam about dito. Ang alam ko lang ay maganda dito sa Ark University. At mayayaman lang nakakapasok dito. Wala ng iba pa. Huminto ito sa kakahagikgik at tinitigan ako na nag tataka "Seriously? Taga saan ka ba galing?" tinaliman ko lang sya ng tingin "Hayy nako Penelope ang lapit mo na sa grasya pero di mo pa makuha" sabi nito at muling lumapit sakin "Dahil sa Forreister.." Forreister? Kung di ako nag kakamali ang Forreister ay sikat sa larangan ng business. I don't know their whole history or what. Pero masasabi kong sikat sila. Laman sila ng mga dyaryo, magazine and news. Baka nga di lang sa business sila magaling eh. "4 Forreister na dito nag aaral at lahat sila gwapo!" Tinignan ko sya at napangiwi ako sa itsura nya dahil para syang ewan na nakatulala sa kisame parang may iniimagine "Dahil lang gwapo kaya sinundan nyo?" Yes 'nyo' dahil halata naman na isa sya sa mga humahanga sa mga Forrest--err whatever Bigla naman sya nagising sa sinabi ko "Wag mo nila-lang ang mga Forreister. Hindi sila nila-lang!" pag lalaban nya Natatawa na lang ako na nag salita sakanya "Yeah. Whatever" Medyo gumaan gaan ang nararamdaman ko dahil may makakasama na ako na kakilala ko sa unibersidad na ito. Hindi ako loner tho I prefer na mag isa pero iba ang pakiramdam ko Kay Savannah. She's a jolly person, malilibang nya ako sa pag kaulila ko sa mga magulang ko na matagal ko bago makita.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.1K
bc

His Obsession

read
74.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook