Nagising ako kinaumagahan sa mga haplos sa mukha ko. Pagmulat ko ng mga mata, si Max na hinahaplos ang mukha ko ang nabungaran ko. Nakangiti siya at mukhang masaya. Napangiti naman din ako na makita siyang masaya. Kagabi lang nang sabihin niyang malungkot siya. "Gorgeous morning, my lady!" Nakangiti niyang bati sa akin. "Good morning!" Mas napangiti ako nang batiin niya. "Wait, nakatulog ka ba?" Tanong ko dahil feeling ko gising lang siya magdamag at nakamasid sa akin. "Oo naman, ang sarap nga ng tulog ko eh katabi kita at kayakap. I also dreamed about you last night." Namungay bigla ang mga mata niya. Nagblush naman ako sa sinabi niya. Kahit natutulog ako nararamdaman ko rin sa panaginip ko na kayakap siya. Hinaplos niya ang pisngi ko. "Can I have a morning kiss?" Tanong niya. Hindi

