Habang nasa reception, nakita kong dumaan si Max, kasama niya ang ilang board member ng hotel at palabas sila. Tumingin siya sa akin at ngumiti bago siya lumabas sa exit door. Naisip ko na naman ang sinabi sa akin ni Wade tungkol sa revenge ni Max. Hindi ko alam kung tama nga si Wade, kung totoong gustong maghiganti ni Max pero paano? Kung gagawin niya 'yun for sure sa Mom ni Wade dahil kahit ako ramdam ko ang galit ni Max kay Tita Carmen noong nagkwento siya sa akin ng pangyayari noon. Masyadong mabigat ang pangyayari noon at napakasakit para kay Max, dahilan na ba 'yun para gumanti siya? Hininto ko na ang pag isip-isip dahil kahit anong pag-iisip ang gawin ko, ramdam kong malayo sa pagkatao ni Max ang paghihiganti. Umakyat na ako sa penthouse matapos ang duty ko sa reception. Inenter k

