Pansin kong abot tenga ang ngiti ni Max paglabas namin sa penthouse. Masaya siyang isasama niya ako sa event na hindi ko naman alam kung para saan. He said I'm going to learn experiences that I can adapt for the future kaya excited rin ako. Sumakay kami sa elevator. Napatingin ako sa reflection namin sa pinto ng elevator habang magkatabi kaming nakatayo. Hanggang sa kili-kili niya ko at tingin ko sakto lang naman ang agwat ng height namin. Hinaplos niya ang buhok ko habang nakatingin rin siya sa reflection namin. "Why are you still young, sweetie?" Sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. "Kaya nga dapat Kuya ang tawag ko sayo eh. You are 12 years older than me." Natatawa kong sabi. Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Kuya ka diyan. Nakita ko na lahat sa'yo Claire. Hindi lang nakita,

