Namangha ako sa mga naggagandahang paintings pagpasok namin sa isang function room. Hindi naman ako mahilig sa mga paintings dahil wala akong interest at talent sa pagdo-drawing pero amaze na amaze ako sa mga nakikita ko at bigla akong nacurious sa artist na lumikha nun. "Kaninong paintings mga yan?" Tanong ko kay Max habang pinagmamasdan ang mga paintings. Nanatili pa ring magkahawak ang mga kamay namin. "Bianca Lee, their family also owns this hotel, and is one of dad's business partners." "Ah okay!" Bigla kong naalala ang Mr. Lee na namention sa usapan ni Max at ng Daddy niya noong may dinner kami sa bahay nila. At sa naalala ko ay anak ni Mr. Lee ang tinutukoy na pakakasalan ni Max. Si Bianca kaya na lumikha ng mga paintings na ito ang tinutukoy na anak ni Mr. Lee na pakakasalan n

