37. 💔 Do you love me too?

1335 Words

Kahihiga ko pa lang sa kama nang tawagin ako ni Mama dahil dumating si Max. Dali-dali naman akong bumangon at lumabas ng kwarto. Past 9 pm na ng gabi at halos kauuwi ko lang rin mula sa ospital. Hinintay ko pa kasing makatulog si Wade bago ako umalis. Naalala kong masama ang loob ni Max kanina dahil hindi ako sumama sa kanya paalis sa hotel at mas pinili kong manatili kay Wade. Pero nandito siya ngayon sa bahay. Siguro lumipas na ang sama ng loob niya. Nakaupo siya sa couch pagbaba ko sa sala. "Claire, bahala ka na diyan ha lock mo na lang mga pinto kapag matutulog ka na!" Sabi ni Mama saka pumasok sa kwarto. Tumabi ako kay Max at nginitian siya. "Anong oras ka umuwi?" Tanong niya. Seryoso ang mukha niya. "Almost 9pm na 'ko nakaalis dun dahil hinintay kong matulog si Wade." Sagot ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD