"Ang gwapo diba!" "Oo, grabe!" "Ang swerte ng girlfriend!" Kinikilig ang mga babaeng nasasalubong ko habang palabas ako ng gate sa school. Si Max agad ang naisip ko. I remember last time na nagpunta siya sa school at kinikilig ang mga babaeng nasasalubong ko dahil sa kanya. Nasa labas ba siya? Hinihintay niya ako?. Bigla akong napangiti na nandito uli siya para sa akin. Mabilis akong naglakad palabas sa gate at halos lahat ng mga babaeng nasasalubong ko ay pare-pareho ang reaction kaya mas lalo akong nasabik. Paglabas ko ng gate ay natigilan at nawala rin ang ngiti sa labi ko nang makitang ibang lalake ang nandoon. Gwapo rin ang lalake at may kotse. Napatingin ako sa babaeng lumabas ng gate nang salubungin siya ng lalake na may bitbit na bulaklak. Nararamdaman ko ang kilig at saya ng

