May ilang minuto ako sa CR hanggang sa lumabas na ako. Naabutan ko si Wade at Max na nagsusuot ng gloves. Pareho silang walang suot na pang itaas at naka-tattered pants lang. Halos pareho ang height nila pati ang pangangatawan. Maskulado rin naman si Wade na kagaya ni Max pero hindi gaano siguro dahil sa bata pa siya at hindi gaya ni Max na madalas mag gym. "Anong gagawin nila?" Tanong ko kay Val na nakaupo sa sahig na rubber. Tumabi ako sa kanya at umupo rin. "Mag sparring raw!" Sagot niya. "Sparring?" Kunot noo kong sabi. Maya maya ay pumwesto na ang dalawa sa gitna. Plano yatang mag boxing ng dalawa at bigla naman akong nag alala na baka magkasakitan na sila, hanggang sa magsimula na sila at unang bumira ng suntok si Wade kay Max. Tinamaan siya sa panga, kahit may headgear feelin

