Tapos na ang duty ko kaya agad akong umakyat sa penthouse matapos kong magbihis. Pagpasok ko sa penthouse ay wala si Max. Siguro nasa office pa. Hinanap ko si Knight na nakacharge pala sa kwarto ni Max. Siguro nalowbatt na naman kase-cellphone. Kumain ako nang makita ko ang pagkain sa mesa at naglinis pagkatapos. Habang hinuhugasan ko ang pinagkainan ko ay nagulat ako sa mga brasong biglang pumulupot sa bewang ko. Napangiti ako dahil wala naman ibang gagawa nun kundi si Max lang. "Mahal!" Nakangiti ko siyang nilingon sa likod ko. "Kanina ka pa ba?" Tanong niya. "May 1 hour na siguro!" "Busy ako sa office. Nastress ako sa work ko kaya umakyat na lang ako dito. I know you're here!" Mahigpit niya kong niyakap "Kanina pa nga kita hinihintay eh." Humarap ako sa kanya at niyakap siya

