Chapter 9

1416 Words
THE BILLIONAIRE'S DOWNFALL CHAPTER 9 Third-personʼs point of view Nakangiti siya na parang tanga habang naglalakad sa ilalim ng buwan. Kakatapos lang ng kaniyang unang araw sa trabaho bilang isang Janitress sa R. Empire. Masaya, dahil sa wakas ay may trabaho na si Luna. Hindi man malaki ang sahod ngunit sapat na 'yon para may pangbili siya ng mga pagkain sa mga batang kasama, at saka gusto rin niyang mag-ipon dahil gusto niyang makapagtapos ng kolehiyo. Narinig niya rin kasing may bagong programa ang gobyerno para sa mga tulad niyang out-of-school youth. She wanted to changed her lifestyle, for good. Gusto niyang mag-aral ulit, at nang makahanap ng mas magandang trabaho. Bago siya makarating sa isang eskinita kung saan siya dadaan upang makapag-short cut patungo sa ilalim ng tulay, isang bar ang kaniyang madadaanan. Sa labas ng bar ay maraming mga tao, pumapasok, lumalabas, at saka nakatambay lang sa kung saan habang naghihintay sa labas. Tumingin naman siya sa kaniyang likuran. Kanina pa niya nararamdaman na tila ba may nagmamasid sa kaniya. Ngunit wala namang tao roon, maliban sa mga kotseng nakaparada sa kalsada. Nagpatuloy si Luna sa paglalakad at isang grupo ng mga lalaki ang kaniyang madadanan. She didn't look at them, but the group of men were looking at her. Nakasuot ang mga ito ng ripped jeans at emo ang buhok. They were look like a bad boy of the 90ʼs. Humarang ang isa sa mga ito ng kaniyang dinadaanan kaya napatingin siya rito. "Hep! Hep! Saʼn punta mo, miss?" tanong nito. May ngisi sa labi nito. Marami itong piercing sa iba't ibang bahagi ng kaniyang mukha at may tattoo rin ito sa leeg. "Uuwi," she calmly answered and tried to walk but they immediately blocked her way. Isa isa niyang tiningnan ang mga lalaki, nasa lima ang mga ito, at nakakatakot ang mga ngisi sa kanilang mukha. Nakaramdam siya ng inis ngunit mariin niyang pinapakalma ang sarili. "Bakit hindi mo muna kami saluhan?" they asked, while grinning. She look around. It seemed like no one noticed them, o baka wala lang talagang may pakialam ang mga narito ngayon. Muli siyang tumingin sa mga lalaki. Bored look. At saka hinawi ang humaharang sa kaniya't dali-dali itong nilampasan ngunit mabilis siya nitong nahawakan sa braso. She then turned around to throw a punch on his face and didn't wait as she immediately run away. "Tangina! Habulin niyo siya!" sigaw ng lalaking nasuntok, lider ng kanilang grupo. Agad namang humabol ang apat na lalaki ngunit mabilis na tumakbo si Luna. Sanay na siya sa ganitong takbuhan noon pa man. Pati sa rambulan ay kayang-kaya niyang salihan. Kung hindi ka mabilis tumakbo, mabilis ka lang mahuhuli ng mga pulis. Alam na rin niya ang pasikot-sikot dito sa syudad dahil dito na siya lumaki. Lumiko siya sa isang madilim na iskinita na agad naman siyang nasundan ng mga lalaki. Madilim. Wala ng mga tao sa paligid dahil gabi na't nasa kani kaniya na silang mga tahanan. "ʼWag niyo siyang hahayang makawala!" sigaw ng lider ng mga lalaki. Napamura siya't tila ba ayaw ng mga ito tumigil. Muli siyang lumiko at nagulat na lang siya nang may bigla na lang humawak sa kaniyang braso at hinila siya nito sa isang madilim na parte upang sila ay makapagtago. Sinubukan niyang kilalanin kung sino itong lalaki ngunit ʼdi niya ito nakikilala. Dikit na dikit din ang kanilang katawan at amoy na amoy niya ang mabangong pabango nito. Matangkad ang lalaking yakap-yakap siya kaya nakatingala siyang nakatingin dito. "Nahanap niyo ba?!" narinig niyang sigaw ng isang lalaki, malapit sa kanilang puwesto. Napamura siya nang mahina. Hindi pa rin pala sila sumusuko! "Lods, natakasan tayo," sagot ng isa. "Tangina! Tandaan niyo ang mukha ng babaeng ʼyon. Powta! Sakit ng panga ko!" They stayed their for about a couple of minutes until the group of men were no longer their. Mabilis na lumabas si Luna at tiningnan ang paligid. Wala na nga ang mga ito. Tiningnan naman niya ang lalaking humila sa kaniya nang nasa tapat sila ng isang Street Light. He was no other than, Khalil. "S-Sir, Khalil..." aniya at saka umiwas ng tingin. "M-Maraming salamat," dagdag pa niya. Hindi na niya sinubukan pang itanong kung ano'ng ginagawa ng lalaking ito sa ganitong klase ng lugar. "Why are they after you?" he said, instead, and interest was painted all over his face as he glanced at her. Nakakaintindi naman siya ng mga banyagang salita. Isa sa mga paborito niyang subjects sa eskwelahan ay ang English ngunit ʼdi siya magaling magsalita nito. Tumingin siya kay Khalil. "Ah..." Hesitant to answer, but, "m-mga nanti-trip lang po sila. Kayo po... Ano'ng ginagawa niyo rito?" Si Khalil naman ngayon ang umiwas ng tingin. "I have business here and saw you suddenly running," sagot nito. Tumango lang siya. Tumingin siya sa paligid at saka muling tumingin dito. "S-Sige po. Mauuna na ako sa inyo," aniya at aalis na sana ngunit muli siya nitong tinawag. "Bakit po?" "Have you thought another chance about my offer?" he asked, while looking at her straight to the eye. Natawa si Luna. "Alam niyo, nakalimutan ko na nga 'yang 'offer' ninyo at malaki pa rin ang respeto ko sa inyo, kahit ʼdi ko kayo kilala ng lubos. Pasensiya na po pero hindi ko po matatanggap dahil unang una, hindi po ako bayaran. May trabaho na rin po ako. Salamat," sagot niya at saka hindi na ito hinintay na makasagot. -- Napasuntok siya sa manibela ng kaniyang kotse nang makapasok siya. He couldn't believe it! For the second time, she rejected his offer again. Gusto niyang magmura. No one dare to reject him. Siya ang mahilig tumanggi at hindi niya ʼyo matanggap. It wasn't true na may trabaho siya rito sa lugar na 'to. Ang totoo niya'y kanina pang umaga niya sinusundan si Luna. Imbes na sa Main branch siya ng kaniyang kompanya manatili, tiniis niya ang amoy pintura pang opisina niya sa isang branch kung saan nagtatrabaho si Luna. After doing nothing but following her the whole day, uuwi na sana siyaʼt magpapahinga ngunit nakita niya itong naglalakad. Alam niyang delikado sa lugar na ito, and he doesn't know her well, so he followed her again. Nakita niya kung papaano siya hinarang ng mga lalaking iyon at gusto na sana niyang lumapit nang hawakan ito ng isa sa braso, ngunit nagulat siya nang bigla itong sinuntok ni Luna at saka tumakbo. Mabilis naman siyang lumabas ng kotse at saka tumakbo rin upang sumunod dito. Dumaan siya sa isang eskinita at saktong sa dulo nito'y padaan sana si Luna nang bigla niya itong hilain at magtago sa dilim. "Fck! I have to do something," he said while glaring outside, thinking of what happened between them. He took a deep breath before grabbing his phone out of his pocket. He dialed his butler's number and Rase immediately answered his calls. "Send me the location kung saan mo inihatid si Ms. Benavides," he said. "Copy that, Mr. Rivierre." Ibinaba niya ang tawag at ilang segundo lang ay nakatanggap siya ng text message mula kay Rase. Lokasyon iyon ng lugar kung saan nakatira ang kaibigan ni Luna, na siyang inuuwian niya. Tiningnan na muna niya ang oras sa cell phone at alas-nuebe na ng gabi at saka ito ibinalik sa bulsa. He started the engine of his car and immediately went to the location. Limang minuto lang ay narating niya ang lugar. Madilim at iilan lang ang dumadaan dito. May kalayuan ito sa mismong syudad kung saan ang mga nagtataasang buildings. Daan ito palabas na ng syudad. Lumabas siya sa kaniyang kotse nang maipark niya sa ito sa gilid. Pumunta naman siya sa gilid ng tulay upang tingnan ang ibaba. Kahit madilim ay kitang kita niya sa gilid sa ilalim ng tulay kung saan naroroon ang mga pinagtagpi-tagping mga bahay. Gamit ang mga sako, kahot, lumang bubong, at kung ano-ano pang puwedeng magamit ng mga ito upang gawing silungang. Nakakaawa ang itsura ng mga bahay, kung saan isang malakas na hangin lang ay tatangayin ang mga ito. Ibang iba sa buhay na mayroon siya. He had everything, they had nothing. He was born with wealth and golden spoons while they were born poor. Agad siyang umalis doon at saka umuwi na lang sa kaniyang sariling bahay. Agad siyang nakaisip ng plano. Sa tingin niya'y mahalaha ang tinutukoy ni Luna na kaibigan na nakatira sa ilalim ng tulay. Napangisi siya habang nagmamaneho pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD