Chapter 10

1408 Words
THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 10 Third-person’s point of view  Maaga pa lang ay gising na si Luna. Sa isang public CR siya naliligo at nang makapagpalit ng damit ay agad na gumayak patungo sa kompanya ni Khalil. Madadaanan niyang muli ang bar kung saan nakasagupa niya ang mga gangster sa lansangan kung tawagin. Wala pang tao roon. Nakasarado naman ang iilang mga convenient stores, coffee shops, at iilang book stores sa lugar. Alas-sais pa lang naman kasi nang umaga. May iilang mga tao rin siyang nakakasalubong, nakakasabay, at mga kotseng dumadaan sa kalsada. Sa tingin niya’y ‘tulad din niya ang mga itong maagang papasok sa trabaho dahil ayaw nilang ma-late at baka makaltasan pa ang kanilang sasahurin. Bago siya pumunta ng trabaho ay dumaan na muna siya sa palengke kung saan matatagpuan ang karendirya ni ‘Nay Nelly. Pagdating niya roon ay agad siyang nagmano sa Ginang ngunit nang tumingin naman siya sa may counter ay ang naka-ismid na babae ang nakaupo roon habang nakatingin sa kaniya. “Andiyan naman ‘yong hampaslupa! Makikikain na naman,” anito at saka siya inirapan. Noong una, nasaktan siya sa sinabi nito ngunit naisip niyang ‘di na lang niya papatulan. Dahil naiintindihan niyang may pagkaisip bata si Asunta. Ni hindi nga niya alam kung ano'ng problema nito. Masama kung ito ay makatingin sa kaniya. At, minsan, nagsasabi na lang ito ng kung ano-anong masasakit na salita na sarili lang naman niya ang pinapatamaan. Asunta was wearing a pink sando. Naka-pony tail ito at highlighted ang kaniyang hanggang balikat na buhok. Maysuot din itong pink na relo, na nabibili lang ng mura sa bangkenta. Matataas ang pilik mata, at nakasuot ng makapal na foundation at pink na pink ang mga pisngi nito. She looks like a clown, but she doesn’t care. ‘Yon kasi ang sa tingin nitong nagpapaganda sa kaniya. Kaedaran lang din ito ni Luna. Maputi lang ito, dahil sa ginagamit na mga beauty product na tanging pampaputi lang ang umepekto, at si Luna’y kayumanggi dahil babad siya sa araw. But Luna was like a snow when she was child, that’s according to her Mamu. Naging kayumanggi lang siya dahil sa init ng panahon at hirap ng buhay sa lansangan. Ngunit ‘di niya maintindihan kung bakit masama ang ugali nito. Mabait naman si ‘Nay Nelly, at ang asawa nito. “Asunta!” saway sa kaniya ni ‘Nay Nelly ngunit parang wala lang ito sa kaniya at ibinalik ang pansin sa kabibili lang nitong cell phone. “Hayaan mo na lang siya, ‘Nak. Ano’ng gusto mong kainin?” Ibinaling niya ang tingin kay ‘Nay Nelly at saka tipid na lang na ngumiti. Naupo siya sa harap ng mesa at saka sinabi ang kaniyang gustong kainin. Pagkatapos niyang kumain ay agad niyang kinuha ang luma na niyang coins purse at kinuha ang natitirang singkwenta roon. “’Nay, bayad ko po,” she said after handing the fifty-pesos bill to ‘Nay Nelly. Asunta then suddenly look at her, with sharp eyes. “Himala at ngayon mo lang naisipang magbayad. Alam mo ba’ng ‘di pa ‘yan sapat?” she said. She calm herself. She doesn’t want to fight back dahil ayaw niyang magkaroon ng kaso kay Nelly. Bumuntonghininga siya. Alam niyang ‘di nga sapat ang singkwenta para sa mga naitulong ng Ina nito. Sa katunayan nga niya’y nahihiya rin siyang ibigay ‘yon ngunit mas nakakahiya kung ‘di man lang siya mag-aabot. “Pagpasensiyahan mo na lang si Asun—“ “Ayos lang po, ‘Nay,” she answered, immediately and look at Asunta. “Magbabayad ako kapag nakasahod na ako sa bago akong trabaho. Paki-total na lang ng lahat ng nakain ko.” Tumawa si Asunta at saka tumayo mula sa kinauupuan nito. Naglakad ito papunta sa kaniyang direksiyon at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Mas matangkad siya nang kaunti rito, kaya nakatingala ito nang tumingin sa kaniya. If she wanted to fight her back, she could easily twist her arm and pinned her to the wall, but she choose not to. “At isa pang himala!” ekstraherada nitong sabi. “Saan ka naman makakahanap ng trabaho e ni high school ay ‘di mo natapos? Sa bar ba, Buwan? Pokpok?” Binigyan pa nito ng diin ang huling salitang kaniyang sinabi. “Asunta! Bakit ka ba ganiyan kay, Luna! ‘Di ka naman ganiyan sa kaniya noong mga bata pa kayo at nabubuhay pa si Ponying!” Mahinang natawa si Asunta nang tumingin ito sa kaniyang Ina. “‘Nay, ‘di niyo po ako naiintindihan!” anito at nangingilid na ang kaniyang luha sa mata. Naikuyom naman ni Luna ang kamao dahil sa inis ngunit mariin niyang pinipigilan ang sarili dahil ayaw niyang masaktan si Asunta. They used to be best buddies but everything has changed and she doesn’t know what happened. Nakikitulog pa nga noon si Luna sa kanilang bahay ngunit nagbago ‘yon lahat. Para na ngang tunay na magkapatid ang turingan nila sa isa't isa ngunit sa isang iglap lang, nawala 'yon lahat na parang bula. Masama na kung siya’y ituring nito. “Kung ano man ang nagawa ko sa ‘yong masama, pasensiya na…” She turned to look at Nelly. “Sige po, ‘Nay. Papasok na po ako sa trabaho.” And immediately turn her back and leave them. -- Alas-siyete nang makarating si Luna sa R. Empire. Agad siyang pumasok sa loob nang makapag-sign in siya. Tinungo niya ang dulo ng lobby kung saan ang kuwarto ng mga Janitor at Janitress. ‘Pagpasok niya roo’y isang matabang babae ang naghihintay, may suot itong salamin, at nakasuot ng uniporme ng mga Janitress ngunit kaibahan ay kulay asul ang uniporme nito. “Good morning, ma’am Ina,” pagbati niya sa head ng mga ‘tulad niyang janitress sa kompanya. “Ms. Benavides, tama ba?” tanong nito, imbes na batiin siya pabalik. Tiningnan naman siya nito mula ulo hanggang paa at saka pabalik sa kaniyang mukha. “Mmm… Kaya pala.” Kinagat nito ang hawak na ballpen. “Bakit po? May problema po ba?” tanong niya dahil sa pagtataka. Kakasimula pa lang niya kahapon sa trabahong ‘to at magkakaroon agad siya ng problema? “Wala naman…” Umiling si Miss Ina. Tiningnan nito pagkuwan ang hawak hawak na record book. “Simula ngayon sa CEO’s office ka na naka-assign,” sabi nito. CEO’s office. Tama ba ang pagkakaintindi niya? Makikita niya ang opisina ng kanilang boss at kung papalarin ay makikilala rin niya ‘to. Ngumiti siya, na siyang napansin ng Cleaner’s head. “Masaya ka ba, Ms. Benavides?” mataray nitong tanong. Umiling siya. “A-Ano po. Masaya ako na may trabaho na ako. Wala rin pong problema sa akin kahit saan ninyo ako ilagay. Yakang-yaka ko po ‘yon!” “Mabuti… pero paalala ko lang sa ‘yo, ‘wag na ‘wag mong subukang pumatol kay Boss,” anito na nakapagpakunot sa kaniyang noo. “Bakit po?” she asked, but Miss Ina turned her back but before leaving the room, she answered her question. “Dahil ‘di magandang tingnan lalo pa’t malayo ang agwat ng buhay natin sa kanila. Kung sako sa ‘yo ay gagawin ko ng maayos ang trabaho.” Nagkibit na lang siya ng balikat ‘di talaga niya nakuha ang ibig nitong sabihin. Naguguluhan siya. Tinungo na lang niya ang locker at saka kinuha ang putting uniporme at saka nagpalit sa loob ng banyo. Pagkatapos ay kumuha siya ng map, malaking basurahan, at saka ng pamunasa, at saka ‘yon itinulak palabas ng kuwarto. Maaga pa lang naman at sa tingin niya’y wala pa roon ang kaniyang boss. Sumakay siya ng elevator (mabuti na lang at wala siyang nakasabay). At nang makarating sa pinakadulong floor ay agad siyang lumabas. Isang mahabang hallway ang madadaanan niya hanggang sa makarating siya sa gintong pinto na may nakasabit sa harapan nito ng ‘Office of the CEO’. She slowly opened the door and look inside first. Walang tao roon kaya agad siyang pumasok. Namangha siya nang makita ang loob ng kuwarto. Malaki ang espasyo. Maraming estatwang nakakalat sa paligid, at halos lahat ng mga ito’y babaeng mga nakahubad. Sa likod naman ng swivel chair ay kita ang buong syudad at langit. The life she’s dreaming of but that would be impossible. Tatanda siyang sa lansangan mamamatay. Agad niyang sinimulan ang trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD