Chapter 11

1406 Words
THE BILLIONAIRE'S DOWNFALL CHAPTER 11 Third-personʼs Point Of View Alas-siyete e medya nang matapos siyang maglinis sa opisina ng Big Boss, at 'di pa ito nakakarating. Kaya agad siyang umalis upang tumulong sa paglilinis sa mga banyo rito sa building. Dumiretso siya da first floor, kung saan ang may pinakamalaking banyo. Sampo pa lang silang Janitor at Janitress, dalawa lang sa kanila ang babae at isa roon si Luna. Malaki-laki ang lilinisan nila. Naisip din niyang itanong kay Miss Ina kung may bakante pa bang trabaho dahil balak niyang irekomenda ang iilan sa mga kaibigan. She thought that they might be a big help to clean the building faster. Although, fifteen floors lang ang building, marami-raming opisina, at malawak din ang bawat floor na lilinisan nila. "Mabuti at dumating ka!" eksaheradang reaksiyon ng isa sa mga Janitor, si Zinky, pero ang totoo nitong pangalan ay Zian ngunit mas gusto nitong tawagin sa pangalang Zinky. Isa siyang lalaki na may pusong babae. Mahaba ang buhok nitong highlighted, at palaging naka-make up. Mukha siyang babae pero ang katawa'y hindi magpapatalo kay Manny Pacquiao. "Kanina pa ako kumukus-kus dito. My gad!" reklamo pa nito, dahil mag-isa lang siya sa banyo rito sa lobby. Tumawa si Luna at saka inilabas ang mga gamit sa paglilinis. "Kagagaling ko lang kasi sa opisina ni Big Boss, kasi sabi ni Miss Ina, ʼyon na araw ang uunahin ko tuwing umaga at pag-uwi," sabi niya rito habang binabasa ng tubig na may sabon ang mop na hawak. Halata namang nagulat si Zinky. Napitigil pa ito saglit sa pagkukuskos sa kulay puti ng tiles. "Talaga?!" Luna nod her head as an answer. "O to the M to the G! Makikita mo si Big Boss!" sigaw nito. "Ano'ng nangyayari?!" Biglang pumasok si Miss Ina, na noo'y naglilibot upang tingnan kung nagtatrabaho ba ng maayos ang team nito. "Bakit ka sumigaw, Zian?" Zian rolled her eyes. "Duh, Miss Ina, Zinky po kasi," she said, irritated by how Miss Ina called her. Ito naman ang napaikot ang mga mata. "Umayos kayo. I have my eyes on you," sabi nito at saka unti unting lumabas ng banyo. Bumungisngis si Zinky at saka ipinagpatuloy ang pagkukuskos. "So, nakita mo ba si Boss sa opisina niya?" she suddenly asked as she looked at Luna. "Hindi, e," she simply answered. "Sayang naman. Gusto mo palit tayo? Sabi nila, guwapo raw si Boss! Baka kapag ako sa puwesto mo, maii-in love siya sa akin. 'Di ba? Uso iyon." Then she started daydreaming. Napapailing na lang si Luna at saka ipinagpatuloy ang paglilinis. -- AFTER a long hours of work, lunchtime finally came. Bumalik siya sa loob ng kanilang locker at saka hinubad ang uniporme dahil naiinitan siya. Nagpalit lang siya ng puting T-shirt na dahil sa sobrang kalumaan, may iilang visible na mantsa na ito. Kinuha rin niya ang wallet, na ngayon lang niya napagtantong wala na rin pala siyang pera. "Ayos ka lang, 'te?" tanong ni Zinky nang pumasok din ito sa loob. She turned to her and a small smile plastered on her lips, she then nod her head as an answer. Dahil wala na siyang pera, kailangan na muna niyang magtiis sa ngayon. Siguro'y uutang na lang muna siya kay Samuel, isa sa mga kasamahan niya sa sindikato at siya ring nagtago ng mga mamahalang gamit na kanilang ninakaw. Mayroon din itong business ng junkshop ngunit 'di gaanong malakas kaya ang pagnanakaw ang isa sa mga gawain nito upang buhayin ang pamilya. "Lunch na, ʼdi ka ba magla-lunch?" muling tanong ni Zinky nang mapansin siya nitong naupo sa naroroong upuan. Tumingin siya rito at saka sumagot, "Mauna ka na. Maya maya ay susunod ako." Tumango lang ito at lumabas na rin sa naturang kuwarto. Isa-isa ring pumapasok at nagpapalit ang mga kasamahan niya, na isa isa ring nagtanong sa kaniya kung kakain o kumain na siya, ngunit isa lang ang kaniyang sagot. "Hindi pa ako gutom." But those answer was the opposite of how she feel. Kanina pa siya nagugutom dahil halos limang oras na ang nakalilipas nang huli siyang kumain. But she used to it, and she live with an empty stomach. Noong mamatay ang kaniyang Mamu, roon nagsimula ang hirap ng kaniyang buhay. Isang beses lang sa isang araw kung siya'y kumain. At, kapag may pera naman, inuubos niya lahat ng ito sa pagkain. Kaya para sa kaniya, sanayan lang ito ng buhay. Tumayo siya. Bitbit ang isang walang lamang bottled water, tinungo niya ang water dispenser na malapit sa may counter. Nilagyan niya ng cold water ang kaniyang bottled water at saka iyon ininom. Sapat na upang kahit papaano'y magkaroon ng laman ang kaniyang tiyan. Kalalabas lang ni Khalil sa elevator at nakita nito si Luna, na abala sa pag-inom gamit ang plastic na lalagyan. He stare at her, asked himself what is she doing and why is she using the bottled water as tumbler? Malapit na siya rito at saktong tatalikod si Luna ngunit 'di pa rin siya nito napansin. Kumunot ang kaniyang noo hanggang sa siya'y makalabas na ng kompanya upang makipag-lunch meeting sa isang investor. Almost six hours of spending with his investors and some of his potential clients. Ni hindi na nakabalik si Khalil sa bagong niyang kompanya dahil sunod sunod ang meeting na pinuntahan niya. Five oʼclock nang matapos ang huli niyang meeting sa kay Mr. Frenal, ang nagmamay-ari ng Frenal Empire at ngayoʼy kaniya ring business partner. He then drove his car again and went to his company, again, not because he had another meeting their but he just wanted to see her. Binabati siya ng mga empleyadong nakakasalubong niya. Alas-singko na at oras na ng kanilang uwian ngunit nandito siya ngayon upang sulyapan si Luna. Hindi niya maintindihan kung bakit niya ito ginagawa. Pakiramdam kasi niya'y may bumubulong sa kaniyang bumalik at tingnan kung nakauwi na ba ito. But usually, alas-sais pa ang uwian ng mga Janitor at Janitress dahil maglilinis pa ang mga ito sa buong building. Sumakay siya ng elevator at tinungo ang kaniyang opisina. Pagpasok niyaʼy nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niyang nakahandusay sa sahig si Luna, at wala itong malay. Mabilis niya itong nilapitan at binuhat. He couldn't understand but his heart was trembling and never in his life felt these feelings, scared and worried at the same time. Nakababa siya sa lobby at agad naman siyang nakita ng guard na buhat buhat si Luna na walang malay. "S-Sir–" "Open the damn door!" he shouted, nang susubukan sana nitong magtanong. Dahil sa takot ay agad itong sumunod at binuksan nito ang passenger seat ng kaniyang kotse. Pinahiga niya roon si Luna at dali-daling pumasok sa loob ng driver's seat at halos paliparin na niya ang kotse, makarating lang sa malapit na clinic o hospital. -- Para siyang tangang naglalakad paroon at parito sa labas ng emergency room ng hospital, kung saan niya dinala si Luna. His heart were pounding so fast that he couldn't calm himself. Ni hindi niya magawang umupo dahil natatakot siya, at ito ang kauna-unahang beses niyang makaramdam ng takot magmula noon. Maybe because, she was inside of his office, at kapag may nangyaring masama kay Luna ay pagbibintangan siya. Masisira ang kaniyang kompanya, or worse, makukulong siya. He had money to pay, but the conscience will always there. Ilang minuto nang lumabas ang Doctor, she's wearing her white lab gown and a stethoscope were place inside of her gown's pocket. Dali dali siyang lumapit dito. "Doc Zil, what happened to her?" he asked. Kitang kita sa kaniyang mga mata ang pag-aalala. "Don't worry, Mr. Rivierre. She's fine. Nalipasan lang siya ng gutom. The nurses will be bringer to a private room and she'll be awake in any minutes," sagot ni Doc Zil, at saka siya nito tinapik sa braso. "I have to go. May trabaho pa ako." Tumango lang siya. Nakahinga siya nang maluwag ngunit ang bumabagabag sa isipan niya'y ang dahilan nang pagkawala ng malay ni Luna. Nalipasan ng gutom? Hindi na ito kumain buong maghapon? But he saw her drank a lot of water, and he thought that she was done with her lunch already. Napasabunot siya sa buhok dahil sa gulong gulo na siya. He took a deep breath and went to Lunaʼs room. Bago siya pumasok ay kinuha na muna niya ang cell phone sa bulsa at saka nag-order ng food online.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD