Chapter 12

1451 Words
THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 12 Third-person’s Point Of View Nagising siya makalipas ang halos talumpong minuto. Kumunot ang noo nang pagmasdan niya ang paligid. She was in a room, where everything was white; the ceiling, the door, and her bed. She couldn’t exactly remember at first pero makalipas ang ilang segundo ay bumalik sa kaniyang alaala ang nangyari. Nanatili si Luna sa loob ng locker ng mga Janitor at Janitress. Maliban sa iniinom na tubig ay wala ng iba pang laman ang tiyan. Hindi naman siya nagugutom. Sanay na siyang ‘di kumain ng pananghalian. Nang makalipas ang halos isang oras na lunch break nila’y muli silang bumalik sa trabaho. Itinuon niya ang pansin sa pagkukuskos sa sahig sa mga banyo ng bawat floor, pagpupunas ng glass wall, at saka nang paglikom sa mga basura ng mga empleyado sa bawat departamento. After an almost six hours of continuously working, nakakaramdam na siya ng pagod ngunit ‘di pa siya puwedeng magpahinga. Uwian na ng mga empleyado ngunit sila’y hindi pa puwedeng umalis dahil kailangan pa nilang maglibot ng isa pang beses upang tingnan kung malinis ba ang bawat opisina at department ng kompanya. “Ayos ka lang, ‘te?” Zinky asked as she look at her with worried were plastered on her eyes. “Namumutla ka na e. Magpaalam ka na kaya kay Miss Ina,” she added. Umiling lang siya at kumuha ng bagong basahan, at saka ito sinagot, “Ayos lang ako. ‘Wag kang mag-aalala.” Tumango lang naman ito bilang pagtugon at saka lumabas ng locker room. Ilang saglit lang ay muli rin siyang lumabas at sumakay ng elevator. Isang opisina na lang naman ang lilinisan niya, at ang opisina ng kanilang Big Boss ‘yon. Pagod na siya ngunit ‘di naman siya basta-basta magpapahinga. Pagdating niya roo’y wala na ang CEO sa opisina nito kaya agad na siyang magsimulang maglinis. Inuna niyang linisan ang office table ng CEO at nagtaka siya nang tingnan niya ang basurahan nito’y may gamit na condom. Mabilis niya ‘yong itinapon, kasama ng mga tissue papers. She looked around, and the room looks clean. Nalaman pala niyang kakatayo lang nitong building at kakaunti pa lang din ang gamit ng CEO rito sa loob, maliban sa mga statue ng mga babaeng hubo’t hubad na naririto, isang set ng sofa, at saka ang office table nito. Walang mga papel sa ibabaw ng mesa; na kalimitan niyang nakikita sa mga Telivison noon. Pero ‘di na siya magtataka pa roon dahil narinig niya ang usapan ng iilang mga empleyado ng kompanya. Ayon sa kanila’y ‘di naman dito namamalagi ang CEO dahil branch lang ito ng kompanya nila. Umiling na lang siya at saka ibinalik muli ang pansin sa paglilinis. Kinuha lang niya ang walis at saka ng dustpan ngunit ilang minuto pa lang siyang nagwawalis ay bigla siyang nakaramdam nang pagkahilo hanggang sa unti-unting manlabo ang kaniyang paningin. And the next thing she saw was she’s inside of this white room. Aalis na sana siya sa kama nang magbukas ang pinto’t pumasok doon ang ‘di niya inaasahang tao. Si Mr. Khalil Rivierre na may dala-dalang mga supot na naglalaman ng mga pagkaing in-order nito. Nakapasok na ito sa loob kanina ngunit muli itong lumabas upang kunin ang mga pagkaing binili. “S-Sir—“ “Don’t try to speak.” Lumapit ito sa kaniyang puwesto at saka inilagay sa may bedside table ang mga pinamili. “Bumili ako ng mga pagkain. The Doctor told me that you have nothing in your stomach that’s why you fainted.” So, she’s in the hospital? Pero ‘di ‘yon ang nagpapagulo sa kaniyang isipan kundi bakit ito ang nandito ngayon? The last thing she remembered was she’s inside of the CEO’s office. Tapos ngayon ay nandito na siya sa hospital at si Khalil ang sigurong nagdala sa kaniya rito. Mabilis siyang bumaba sa kama nang maalala niyang nasa Hospital pa rin siya. She had no money to pay for the bill. Lalabas na sana siya nang may mabilis na humawak sa kaniya. Tumingin siya rito. It was Khalil who’s looking at her with confusion. She tried to pull her wrist but he didn’t let her go. “And where do you think you’re going? Leaving with an empty stomach? Tapos mahihimatay ka na naman? What if a bad persons will see you?” sunod sunod nitong tanong na ‘di niya halos maintindihan. Hinila siya nito pabalik at itinuro ang kama kung saan siya nakahiga kanina. “Sit here,” utos nito. Seryoso ang boses na kung sino man ang hindi sumunod ay malilintakan. Tahimik siyang naupo pabalik sa kama at tumingin kay Khalil. “W-Wala po akong pambayad sa hospital b—“ “I said don’t speak. Eat this first,” mabilis nitong sabi na nakapagpatigil sa kaniya. Natakot din siya dahil seryoso itong nakatingin sa kaniya. Iniabot nito ang isang pack lunch na dahan dahan niyang binuksan. Kanin at saka ulam ang laman ng pack lunch mula sa isang sikat na fast food sa bansa. Kumain siya nang naiilang dahil nakatingin lang ito sa kaniya at seryoso ang mga titig nito. If only she could read mind then she’ll definitely read his mind. Kumain na lang siya nang kumain dahil kanina pa siya nagugutom. Nawala sa isipan niyang nasa harapan niya si Khalil, ang lalaking ‘di niya alam ang takbo ng isip. Nang matapos siyang kumain ay uminom siya ng tubig at saka tumingin dito, na kunot na ngayong nakatingin sa kaniya. “Salamat,” she said and look away. “K-kung may kapalit man ang pagtulong mo sa ‘kin, p-pasensiya na pero ‘di ko po kayo masusuklian,” she added. Naisip kasi niya nang una siyang tulungan ng lalaki. Bibigyan siya nito ng trabaho bilang isang s*x partner, o sa madaling salita’y exclusive slut. Ngunit ‘di siya ganoong klase ng tao at paninindigan niya ang bagay na ‘yon. “Hindi ako nanghihingi ng kapalit. The only thing I want you to do is to take care of yourself. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may tutulong sa ‘yo,” he said and you could hear in his voice that he’s serious, but still couldn’t understand why he’s doing this for her. In fact, dahil sa pagtanggi nito sa kaniyang offer ay dapat hinayaan na lang niya dahil wala naman siyang makukuha rito ngunit sa tuwing nakikita niya ito’y ‘di niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng awa. Tumatak sa kaniyang isipan ang sinabi nito. Khalil was right, hindi sa lahat ng pagkakataon ay may tutulong sa atin. Bihira lang ito sa isang tao, lalo na sa panahon ngayon na mahirap magtiwala ng lubos. Bumuntonghininga si Luna at saka ngumiti. “P-Pasensiya na po sa abala.” Bumaba siya mula sa kama. Tumingin siyang muli sa paligid. “S-Sa susunod po’y hayaan ninyo na lang ako. At sana ay hindi ninyo na lang ako dinala sa Hospital dahil wala po akong pambayad dito.” Naikuyom nito ang kamao at umigting ang panga nito dahil sa inis; inis sa sarili. “I already paid the bills and you don’t have to worry.” Nagulat si Luna at napatingin dito. Ngunit umiwas ng tingin si Khalil at naglakad patungong pinto. “Tara na’t ihahatid na kita,” sabi nito bago tuluyang lumabas sa naturang kuwarto. -- Tahimik lang si Luna habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Madilim na pala’t ‘di man lang niya namalayan. The sky in the city was dark and you could barely see the stars. Marahan lang ang takbo ng kotse dahil sa mabigat ng traffic sa daan ngunit ilang minuto lang ay narating nila ang ibabaw ng tulay na siyang itinuro niyang lokasyon. Hindi na nagulat si Khalil dahil sinabi na ng Butler nito kung saan nakatira si Luna. Tumingin siya rito. “Marami pong salamat sa paghatid. Mag-iingat po kayo sa daan,” sabi niya at binuksan na ang pinto ng kotse ngunit bago siya tuluyang makalabas ay muli siyang tinawag ni Khalil. Kinuha nito ang wallet sa bulsa at kumuha ng dalawang libo’t iniabot sa kaniya ngunit ‘di niya ito kinuha. “Para po saan ‘yan?” “Take it. The company haven’t paid you and you need it,” sabi nito ngunit ‘di pa rin niya kinukuha ang pera. Naiinip na rin si Khalil kaya dali-dali nitong hinawakan ang kaniyang kamay at inilagay nito sa palad niya ang pera. “Pero—“ She paused as she look at his eyes, he was glaring at her. “M-Maraming salamat po,” she just said and went out of his car, immediately.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD