THE BILLIONAIRE'S DOWNFALL CHAPTER 62 Luna's Point Of View Pagdating ko sa bahay. Huminto muna ako sa harapan ng pinto at humugot nang malalim na hininga. Tumingin ako sa paligid, tahimik ngunit malinis. Humarap na ako ng tuluyan at saka pumasok sa loob ng bahay. Katulad sa labas ay wala ring tao rito sa loob ng bahay. Ngunit malinis ang paligid. Akala koʼy nasa loob ng mga kuwarto ang mga katulong dito sa bahay. Pero iyon palaʼy wala talagang kasamabahay rito sa mansion at ang nagpapanatili nang kalinisan dito ay si Papa Draven. Hanggang ngayon, 'di pa rin ako makapaniwala. Totoo ba talaga itong nangyayari sa akin? Buhay ang mga magulang ko? Noong una'y nakakaramdam ako ng galit sa kanila dahil buong akala ko'y mga wala silang kwentang mga magulang. Ngunit 'tulad ko, nangungulila rin

