THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 63 Third-person’s Point Of View Pagkatapos nang malalimang pagdedesisyon, sa wakas ay tinanggap ni Luna ang offer ng kaniyang Papa na mag-aral sa ibang bansa. They flew together as soon as their papers are done. Nagpalit na rin siya nang pangalan. She’s now a Moore, not a Benavides anymore. Unang beses niyang makasakay ng eroplano kaya hindi siya mapakali sa kinauupuan. Tumitingin siya sa paligid. Tahimik ang lahat. Kaya isinandal na lang niya ang ulo sa inuupuan at tumingin sa labas ng bintana. Ang tanging nakikita lang niya’y ang malawak na karagatan at ang mga ulap ngunit hindi niya maituon ang sarili roon dahil paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan ang nakita niya kahapon. Alam niyang may kasalanan siya. Alam niyang dahil sa kaniya, nagkaga

