THE BILLIONAIRE'S DOWNFALL CHAPTER 64 Luna's Point Of View Hindi ko aakalain. Paulit-ulit kong sasabihin ito. Hindi ako makapaniwala. Sa tuwing gigising ako tuwing umagaʼy natutulala na lamang ako bigla. Ang bilis nang panahon. Ang bilis ng oras kung tumakbo. Hindi ko aakalain na iyong buhay lansangan ko noon ay bigla na lang magbabago. Wala naman akong inaasam-asam noon maliban sa makahaon lang sa kahirapan. Makakain lang ng tatlong beses sa isang araw; iyon lang. Hindi ko inisip na darating ang araw na hindi lang tatlong beses ako kung kakain kundi ilang beses sa isang araw kung gugustuhin ko. Nabibili ko ang mga bagay na gusto ko at nakikita't nararanasan ko ang bagay na pinapangarap ko lang noon. Tumingin ako sa paligid. Ang ganda. Anong buwan na ba ngayon? Napatingin ako sa langi

