THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 22: SPG Luna’s Point Of View Kanina pa mabilis ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko’y babaliktad ang sikmura ko sa kaba. ‘Di ko alam kung bakit. Ilang beses naman namin ‘tong ginagawa ngunit ‘di pa rin ako nasasanay. Pakiramdam ko’y umuurong ang bituka ko sa tuwing ginagawa namin ‘to. At wala akong magawa, ‘di ako puwedeng tumutol. Aniya’y binabayaran niya ako para lang dito, at hanggang ngayo’y ‘di ko pa rin alam kung ano’ng napapala niya. “Kanina ka pa hinihintay ni Mr. Rivierre sa kaniyang chamber,” ani nang kapapasok lang na kasambahay rito sa ‘king kuwarto. Tumingin ako rito at tumango lang bilang tugon. Inilibot ko ang paningin ko sa loob. Pakiramdam ko’y tila ba nasa loob ako ng isa sa mga kuwarto sa isang palasyo. Malawak ang loob, may balkon

