THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 21 Luna’s Point Of View Kahapon nang magkita kami nina Jerome at Tikboy, mas naging maingat ako sa pagkilos sa tuwing kasama ko si Sir Khalil. Ayokong mawalan ng trabaho, at ayoko ring makulong dahil marami pa akong pangarap sa buhay. Nakakahinga lang ako nang maluwag dahil madalas itong wala sa kaniyang opisina, at ‘di pa ako nito pinapatawag magmula nang may mangyari ulit sa amin. Hanggang ngayon ay ’di ko pa rin alam kung bakit ko ‘to ginagawa, kung bakit sa tuwing pinapatawag niya ako’y ‘di ko makilala ang sarili ko. Tila ba may remote control ako sa katawan na kapag sinimulan na niya akong halikan, para akong robot na napapasunod. Umiling ako nang muli na namang bumabalik sa isipan ko iyong mga nauna naming tagpo. Katatapos ko lang maglinis at s

