THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 26 Luna’s Point Of View Mabuti na laman at ‘di ako nito pinatawag kagabi dahil ‘di ko alam kung ano’ng gagawin ko. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay nagiging abnormal ang t***k ng puso ko. ‘Di rin kami nagsabay kumain dahil ayon kay Rase ay kumain na ito kasama ang mga investors ng kaniyang kompanya. Kaya mas lalong lumuwag ang pakiramdam ko. Kinabukasan ay muling nanumbalik ang kaba ko. Paggising ko pa lang, agad nang pumapasok sa isipan ko na magkikita’t magkakaharap kami. Ang malala pa’y sabay pa kaming pumapasok. Nang matapos akong maligo at makapagpalit ng pantaloon at isang T-shirt na may letter L na burda sa bandang dibdib nito, agad ko ring isinuot ang aking sapatos at saka lumabas ng aking kuwarto. Pagsara ko sa aking pinto’y napatigil a

