THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 25 Luna’s Point Of View Hapon na nang muli akong bumalik sa loob ng opisina ni sir Khalil. Kinakabahan ako dahil baka masama pa rin ang timpla niya ngunit nang kumatok ako sa pinto, dalawang minuto ang nakalipas ay wala man lang sumagot. Kaya pinihit ko na lang ang door knob. Palagi naman ‘tong nakabukas. Pumasok ako sa loob at nakahinga nang maluwag nang ‘di ko siya nakita. Ngunit napukaw agad ang paningin ko nang makita kong nabasag ang salamin ng isang painting na nakasabit sa pader. Sa sahid ay nagkalat ang bubog at ang ikinagulat ko’y ang cell phone na basag na rin at mukhang sira na. Muli akong kinabahan. Nang lumabas ako kaninang umaga, tahimik lang itong nakatungo at ‘di man lang kumibo kahit pa sinusungitan ako ni Ma’am Camilla. Tapos ngayon

