THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 24 Third-person’s Point of View “’Nay, alis na po ako,” paalam ni Jerome sa kaniyang Ina nang makuha niya ang mga paninda niyang nakalagay sa ibabaw ng isang cabinet sa kanilang sala. Lumabas naman mula sa kusina ang isang Ginang, may iilan ng puti sa buhok nito, nakasuot ng floral na daster, at may hawak na sandok. Lumapit ito sa kaniya upang pigilan siya. “Hindi ka pa nag-aalmusal, ‘Nak. Kumain ka na muna,” sabi nito gamit ang isang malambing na boses. Natural na rito ang pagiging malambing at maaalahanin. Hinding hindi nito pinapaalis si Jerome nang hindi nag-aalmusal. Ngumiti siya sa Ina. “Hindi po ako gutom at saka po mataas na ang sikat ng araw, kailangan kong kumayod para may makain tayo mamaya,” sagot niya rito. “Pero, Romeo, wala ka pan

