THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 42 Luna’s Point Of View Thursday ngayon at sa pagkakaalam ko’y may pasok si Sir Khalil sa opisina. Pero heto siya at hawak nito ang cell phone na kaniyang ibinigay at tinuturuan ako kung papaano ito gamitin. Pina-connect na muna niya ‘yon sa internet dito sa kaniyang bahay at saka itinuro kung papaano gumawa ng mga social media account. “And this is how you take a picture of something or yourself,” aniya pa at binuksan ang camera ng cell phone. Nakita naming dalawa ang reflection doon. Ngumiti ako nang pindutin niya ang cell phone upang kumuha ng litrato. “There,” dagdag nito. Kinuha ko naman ang cell phone at tiningnan ang litrato namin. Seryoso siyang nakatingin sa camera? O sa akin? Hindi ko alam dahil pakiramdam ko’y sa akin ito nakatingin o a

