THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 41 Luna’s Point Of View Palagi na lang kaming ganito; sa tuwing hindi ako nito naaabutan sa kaniyang bahay ay kung ano ano na naman ang kaniyang sinasabi. Nakakasawa na. Nawalan na ba talaga ako ng karapatan na kausapin ang mga kaibigan ko? Wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko naman nilalabag ang kontratang pinirmahan ko, ah. Nakakainis na siya! Ang saya saya ko pang nakikipagkuwentuhan kanina kasama sina Rase at Manang Allya. Tapos bigla bigla na lang siyang sisingit? Kung hindi siya masaya sa buhay niya, ‘wag na siyang mandamay pa ng ibang tao. Bumuntong hininga ako at saka tumingin sa langit. Madilim na at kakatapos lang naming kumain. Sa katunayan niyan ay ako at ang mga kasambahay lang ang nagsalo salo dahil wala raw si Sir Khalil. Ma

