Chapter 7

1220 Words
THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 7: ACCEPT IT OR LEAVE IT? Third-person’s Point Of View “Have s*x with me. You would be my s*x partner.” It was not a question, it was a statement that no one would dare to disagree. Hindi rin makasagot si Luna dahil sa gulat nang malaman kung ano’ng trabahong ibibigay ni Khalil. Napalunok siya at nang mapagtanto ang mga sinabi nito’y mabilis siyang tumayo. “H-Hindi po ako bayarang babae!” nagngangalaiti sa galit niyang sabi habang masamang nakatingin dito. “Akala ko pa nama’y iba kayo. ‘Yon pala, napakasama ninyo!” dagdag niya’t mabilis na tumalikod dito. “You’re nothing, Ms. Benavides. Sa tingin mo ba’y makakahanap ka ng trabaho sa lagay na ‘yan? Unless, you’re going to strip,” he said, wearing the same grin from earlier. Naikuyom niya ang mga palad at saka humarap dito. “Hindi niyo po kailangang ipamukha sa akin ‘yan. P-pero naniniwala akong may tatanggap pa rin sa akin d-dahil alam kong malinis akong tao!” nauutal niyang sabi. Tumawa lang si Khalil habang nakatingin sa kaniyang direksiyon. Nasasaktan siya, oo. Umasa kasi siyang makakapagtrabaho na siya nang maayos ngunit ‘yon pala’y iba ang pakay nito. Gusto niyang isuka ang mga pagkaing ipinakain nito dahil sa inis. “Salamat. Aalis na ako,” aniya at saka tuluyan nang tumalikod ngunit bago pa siya makalabas ng kusina ay muli itong nagsalita. “You’re going to need me in the future.” -- Tila ba nakatatak na sa kaniyang isipan ang sinabi nito. Ngunit agad din niya itong iwinawaksi sa isipan. Dahil alam niyang kahit kailan ay hindi siya umasa sa iba. Wala sa bokabularyo niyang humingi ng tulong at lalong lalo na sa lalaking ‘yon. Hindi siya malinis na tao. Marami s’yang kasamaan magmula nang mamulat siya sa reyalidad ng kaniyag buhay. Naging akyat-bahay siya. Nagnakaw. Nang-agaw sa kalsada. At marami pa siyang kasalanang nagawa. Ngunit isa sa mga ipinangako niya sa sariling kahit na ano’ng mangyari, ‘di niya magagawang magbenta ng laman. Naiintindihan naman niya ang ibang gumagawa nito, dahil alam niyang karamihan sa kanila’y gusto lang may ipanglalaman sa sikmura. Pero may paraan pa naman siyang alam. “Ano, ‘tol. Maganda ba offer?” Napabalik siya sa reyalidad nang tumabi sa kaniya si Jerome. Nasa karenderya siya nang kinaumagahan at nag-aagahan dahil maya maya lang ay magsisimula na siyang maging konduktorsa terminal. Muli na namang bumalik sa kaniya ang sinabi ni Khalil. s*x partner? Buong akala niya’y katulong o ‘di kaya’y janitor, tatanggapin pa sana niya ngunit s*x partner? Hindi niya maintindihan kung bakit o kung ano’ng mayroon sa kaniya kung bakit sa lahat ng tao sa mundo, s’ya pa ang naisipan nitong gawing s*x partner. Khalil nearly had everything in this world. Money, fame, and even the looks that every woman would wanting to taste him. Kitang kita niya ‘yon. At kayang kaya nitong maghanap ng s*x partner sa isang pitik lang ngunit bakit siya? “Tumanggi ako,” sagot niya kay Jerome at saka nagpatuloy sa pagkain. Pinalo siya nitong nang ‘di naman kalakasan sa balikat. “Tang-na! ‘Tol, trabaho na ‘yon? At saka, ano ba’ng klaseng trabaho?” Gusto niyang sabihin dito kung ano pero kilala niya nang matagal si Jerome. Alam nito kung papaano ito mag-react sa mga bagay-bagay. Umiling lang siya’t uminom ng tubig. Tapos na rin kasi siyang kumain. “Salamat, ‘Nay Nelly, sa pagkain!” sigaw niya at gamit ang puting bimpong nakasabit sa kaniyang balikat, pinunasan niya ang kaniyang bibig at saka tumayo. “Walang anuman. Basta kung gusto mong kumain ay ‘wag kang mahihiyang pumunta rito,” the woman who wears a floral apron answered. May katabaan ito at kulot ang buhok. Si Aling Nelly ay kaibigan ng kaniyang namayapang Mamu. Mabait ito sa kaniya. Palagi siya nitong pinapakain sa maliit nitong karinderya. Ngunit minsan ay tumatanggi siya dahil nakikita naman niyang kakaunti lang ang kinikita ng karinderya ni Aling Nelly. May nag-iisa itong anak, si Asunta na nag-aaral ng kolehiyo sa isang pampublikong paaralan. Kung mabait si Nelly sa kaniya, kabaliktaran naman nito si Asunta. Ngumiti lang siya at saka naglakad na patungo sa terminal ng mga jeep. Sumunod si Jerome sa kaniya’t agad siyang inakbayan. Hindi na rin bago ito. They were so closed to each other that sometimes, people think that they’re together, but Jerome was like a brother to her. “‘Di mo pa sinasagot ‘yong tanong ko. Ano ba’ng trabaho ang binigay sa ‘yo at tinanggihan mo?” pangungulit pa rin nito. Inalis niya ang kamay nitong nakaakbay sa kaniya. “G-Gusto ako nitong gawing executive assistant. ‘Di ko naman alam kung ano ‘yon. Bilib na bilib siguro ito sa resume ko,” pagsisinungaling niya. Dahilan para tumawa nang malakas ang kaibigan. Iniwan na lang niya ito dahil nakukuha na nito ang atensiyon nang iilang nakakasalubong at nakakasabayan nila sa paglalakad. “Talaga?!” natatawa nitong tanong nang hinabol siya nito sa paglalakad. “Oo nga, kulit mo!” “Big time naman kung ‘yon ang trabaho mo. Alam mo bang parang kanang kamay ng boss ang executive assistant?” “Kaya nga ‘di ko tinanggap dahil unang una, wala akong alam at huli, wala akong natapos. ‘Yong resume na ginawa ko’y kinuha ko lang sa internet,” sagot niya at tumawa nang tumawa si Jerome. -- Maghapong sumisigaw upang magtawag ng pasahero. Halos maubusan na siya ng hininga at pawis na pawis na rin siya. Sa bawat pasahero’y kumikita lang siya ng two pesos at isang daan o higit pa ang kaniyang kinikita. Sapat na ito dahil mag-isa na lang siyang nabubuhay ngunit sa tuwing iniisip niya ang mga batang kasama niya’y hinding-hindi ito magiging sapat para sa kanila. Alas-kuwatro nang hapon ng magpaalam siyang maghahanap ng ekstrang raket. Tumitingin-tingin sa paligid nang maalala niya ‘yong lugar kung saan muntik na siyang masagasaan. Dali dali siyang pumunta roon at naroroon pa rin ang naka-paskil na poster na naghahanap ang mga ito ng trabaho. Sa pagkakataong ito’y nakatawid siya nang maayos. Isang itong kompanya na may job offering. Lumapit siya sa guard, na agad namang napadako ang tingin sa kaniya. “Boss, ano’ng trabaho ang puwede ako riyan?” tanong niya habang itinuturo ang pila ng mga tao. Nakasuot ito ng mga magagandang damit. Ang mga babae’y naka-mini skirt o ‘di kaya’y dress at ang mga lalaki nama’y may naka-formal attire. Tiningnan siya ng guwardiya. Maong na shorts, oversized na t-shirt, at may lumang sumbrero pa siya sa ulo’t may puting bimpo pang nakasabit sa balikat. “College graduate ka ba?” tanong nito. “Hindi po, e. Pero nakapagtapos ako ng elementarya at dalawang taon sa high school.” “E college graduate ang hinahanap nila,” sabi nito. Nadismaya siya. Malabong makahanap siya ng trabaho dahil sa natapos niya. Hindi tuloy niya maiwasang itanong sa sariling napakataas ng standards ng mga ito sa kanilang empleyado samantalang mababa naman kung magpasweldo. bumuntonghininga na lamang siya. “Naghahanap din sila ng janitors,” biglang sabi ng kararating lang na guard. “Sumama ka sa akin,” dagdag pa nito. Nabuhayan siya ng loob at hindi na nagdalawang isip pang sumunod dito. Sa wakas, magkakaroon na siya ng trabaho!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD