Prologue
Napamulat bigla ang mga mata ko matapos akong magising dahil sa isang malakas na paglagabog.
Nanatili akong nakahiga, hindi gumalaw, at nakatingin lang sa kisame ng aking kwarto.
Nasundan pa ang malakas na paglagabog na 'yon ng dalawang magkasunod na pagpadyak ng mga paa.
Nanggagaling ang ingay na 'yon sa itaas ng kwarto ko. Sa 3rd floor ng dormitory building na ito.
I tried not to mind the disturbing noises and closed my eyes to go back to sleep.
Ngunit mukhang ayaw ata akong patulugin ng kung sino mang gumagawa ng ingay na 'yon dahil wala pang limang segundo akong nakapikit, nakarinig na naman ako ng malakas na paglagabog.
Napabangon ako dahil sa pinaghalong pagkagulat at pagkairita.
"What the hell?" I whispered to myself out of annoyance.
Pakiramdam ko ay may nantitrip sa akin sa pangatlong gabi ko nang nananatili sa dormitoryo na ito. Ngunit sino namang tao ang wala sa katinuang gagawa ng ganitong kalokohan sa oras na ito?
It's f*****g 3 in the morning for Pete's sake!
Napailing ako at nagpasyang kunin na lamang ang nakapatong na earphones at cellphone sa bedside table ko.
Inilagay ko 'yon sa magkabila kong tenga at nagplay ng kanta mula sa cellphone bago humiga ulit sa kama.
I closed my eyes once again. Pilit kong hindi binigyang pansin ang kakaunting ingay na naririnig kong nagmumula sa itaas ng aking kwarto. Ngayo'y mas malakas na ang tunog ng bawat ritmo ng kanta kaysa roon.
Ilang saglit pa ay wala na akong naramdaman at tuluyan nang nahimbing.
Sa muling pagmulat ng aking mga mata, may liwanag nang pumapasok sa saradong bintana, sa kaliwang bahagi ng aking kwarto.
Inalis ko mula sa magkabilang tenga ang earphones. I turned off the music from my phone. Mahigit tatlong oras 'yong nagpe-play ng paulit-ulit na kanta. Pakiramdam ko nga ay nabingi ako nang kaunti.
Ipinatong ko 'yon sa bedside table at chinarge muna bago ako tuluyang tumayo mula sa kama.
Nag-inat ako ng aking katawan at tinatamad na naglakad papasok sa loob ng banyo.
There, while facing the mirror, I saw those big dark circles under my eyes. Sino ba naman kasi ang hindi magkakaroon ng malalaking eyebags kung tatlong gabi ka nang walang maayos na tulog dahil sa mapang-istorbong ingay na gumigising sa 'yo sa kalagitnaan ng gabi? Sige nga?
Napailing ako't yumuko, binuksan ang gripo, at naghilamos. Matapos magpunas ng mukha, lumabas na ako roon, at nagtimpla ng brown coffee para sa aking sarili.
I went to my mini living room and sat on the couch with my coffee. Suot ko pa ang aking pajama habang iniinom 'yon. Mayroon pa akong mahigit fifteen minutes para enjoy-in ang natitira kong mga sandali bago tuluyang magbihis at maghanda sa una kong klase ngayong araw.
Ito na ang ika-apat na araw ko sa East Robertson High School at sa dormitory na ito.
And this is my fourth day as a 3rd year student.
Hindi naman talaga ako taga-rito sa maliit na probinsya ng Easton. Ang totoo n'yan ay nakatira ako sa sentro ng syudad.
Nagkataon lang na may malaking proyekto rito ang mga magulang kong parehong engineer kaya nagdesisyon silang dito ako pag-aralin ng isang taon.
We arrived here, 7 days ago. My parents bought a small house here since we will be staying here in Easton for quite a long time. Doo'y nanatili ako ng apat na araw bago ako mapunta rito sa dormitoryo ng East Robertson.
Pinapili nila ako between the two. Sa bagong bahay o sa dormitory na ito, malapit sa school. Obvious naman kung ano ang pinili ko.
Ayoko mang aminin ngunit parang ngayon pa lang ay nagsisisi na ako na ito ang pinili kong lugar kung saan ako mananatili nang matagal. The strange noises won't let me sleep peacfully at night.
Ngunit ayoko namang isipin ng mga magulang ko na wala akong paninindigan pagdating sa mga desisyon ko kaya wala akong ibang pagpipilian kung 'di ang ituloy ang pananatili rito.
Nang maubos ang iniinom na kape, tumayo na ako mula sa couch, at nagbihis na ng uniporme.
Kulay asul ang longsleeves polo na suot ko. Kulay grey naman ang slocks.
Nang masigurong handa na ako, pati ang aking mga kagamitan, sinukbit ko na sa kaliwa kong balikat ang aking backpack.
Lumapit ako sa bedside table kung saan naka-charge ang aking cellphone. Hindi man lang umabot ng 60 percent ang battery no'n ngunit tinanggal ko na ito mula sa saksakan.
Ibinulsa ko na ang cellphone at lumabas na ng kwarto.
Paglabas ko'y bumungad sa akin ang harapan ng pinto ng kwarto ko. Doo'y nakalagay ang numero at bilang nito.
118
Gawa sa kahoy ang lahat ng kwarto rito. Luma na ang istilo ng pagkakagawa ng dormitory building ngunit maayos naman ito kung titingnan.
I locked the door before I started walking.
May tatlong palapag ang gusali. Sa unang palapag ang unang isang daang kwarto. Sa pangalawa naman, kung nasaan ang kwarto ko, ang ika-101 hanggang 200 na bilang. At sa pangatlong palapag, ang ika-201 hanggang 300 na bilang. Iyon na ang huling palapag.
Nagtataka nga lang ako dahil sa ika-apat na araw ko na rito ay wala pa akong nakikitang estudyante na bumaba o umakyat roon.
Sa aking paglalakad pababa ng hagdan ay mayroon na akong ilang estudyanteng nakasabay, suot rin ang parehong uniporme katulad ko.
Nang makababa nang tuluyan, bumungad sa akin ang katapat na gusali na kasing laki rin ng gusali kung saan ako lumabas.
Ang girls' dormitory.
Hiwalay ang dormitoryo ng mga babae at lalake sa eskwelahang ito.
Nagpatuloy ako sa paglalakad kasabay ng ilang mga estudyanteng patungo na rin sa kanilang mga klase.
Limang minutong lakaran bago ka makarating sa mismong paaralan. At habang naglalakad ka ay wala kang makikita sa paligid kung 'di ang matataas na puno ng mahogany na abundant sa lugar na ito.
Like what I've said earlier, maliit ang probinsya ng Easton. Wala kang makikita na pamilihan kung hindi ka bi-biyahe nang matagal.
Sa paligid ng school ay mga kakahuyan at kagubatan. Kapag lumabas ka naman ng campus, makikita mo ang isang mahabang kalsada na magdadala sa 'yo sa sakayan patungong syudad.
Habang marahang naglalakad patungo sa campus, hindi ko mapigilang pansinin ang mga missing poster na nakapaskil sa bawat puno ng mahogany na madaraanan ko.
Natigilan ako mula sa aking paglalakad at tumitig sa isa sa mga nakapaskil na papel.
I've already seen these missing posters, the day I arrived here, 3 days ago.
Hindi ko nga lang pinansin masyado. Ngunit sa tatlong araw kong pananatili rito hanggang kahapon, mainit na usap-usapan pa rin ang tungkol sa nawawalang estudyante na nakapaloob sa missing poster na ito.
Missing: Evan Policarpio
Nakapaloob roon ang itsura niya, ang contact number ng mga magulang nito, at ang araw kung kailan siya huling nakita.
He's been missing for a month now.
Kinuha ko mula sa pagkakapaskil sa puno ng mahogany ang isa sa mga missing poster. I stared at the missing student's face. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang ngiti nito.
He's wearing a thick-framed eyeglasses.
A third year student before he disappeared and from what I've heard, he is this school's smartest student.
Why would he suddenly disappear without a trace?
Sa ilang araw ko nang pananatili rito sa East Robertson, marami na akong narinig na kwento-kwento patungkol sa pagkawala niya.
There are lots of rumors circulating inside the campus about his disappearance.
Ang kwento ng iba, nakipagtanan daw ito sa isang hindi kilalang tao. Iyong iba naman, may galit daw ito sa mga magulang niya kaya naisipan niyang maglayas, at hindi na bumalik. At ang sabi naman ng iba, kinuha raw siya ng mga alien.
The latter sounds stupid, right?
Muli kong tiningnan ang missing poster na hawak ko bago ko itinupi iyon at ibinulsa.
Nagpatuloy ako sa aking paglalakad.
There are different versions of his disappearance. Maraming mga tanong ang hanggang ngayon ay hindi masagut-sagot ng karamihan, even the police.
His disappearance left a big question to East Robertson High School.
What happened to Evan Policarpio?