Y U L I A N "He is unstoppable, what should we do?!" Iyon ang boses na narinig namin sa labas mula rito sa loob ng opisina ng principal bago kami tuluyang makaalis. The three of us were planning on leaving and going to where Evan is. Ngunit natigilan kaming lahat dahil sa boses na 'yon. It was the voice of a woman. Hindi kami gumawa ng kahit anong ingay hanggang kusang lumayo ang boses na 'yon at tuluyan nang nawala. Malayo man mula sa kinaroroonan namin ang boses na 'yon ngunit sigurado ako sa kung sino iyon. Malakas ang kutob ko na it was Krisanta. Sa boses pa lang niya, alam kong siya iyon at hindi ako maaaring magkamali. Ngunit ano nga ba ang ginagawa niya malapit rito sa parteng opisina ng principal ngayong disoras na ng gabi? At sino ang kausap niya? Alam kong narinig rin 'yon n

