YULIAN "Tama 'yan! Matakot kayo kung ayaw niyong makatikim agad!" maotoridad na sigaw ni Wilmar sa amin matapos barilin nito si Andres sa kanan nitong balikat. Nagtabi-tabi kami habang inaalalayan ko si Andres. "Huwag kayong atat mamatay, ah? Mamaya-maya pa namin kayong iisa-isahin. Sa ngayon, magkwentuhan muna tayo." Nakangisi niyang sabi at tumingin kay Krisanta na ngayon ay malademonyitang ngiti sa kanyang mukha. Pinigil ko ang pagluha. Ramdam ko ang sakit habang nakikita kong nahihirapan si Andres sa tabi ko. Halata rin ang pag-aalala sa kanya ni Evan at ng dalawa pa naming kasama. Pinili kong maging matapang at sinamaan ng tingin ang dalawa sa harap namin. "Ano bang napapala niyo bukod sa pera? Gano'n na ba kayo kadesperado para manakit ng isang tao? Gano'n na ba talaga kahalang a

